Pages:
Author

Topic: [FILIPINO]Ano Nga Ba Ang Post na May Kalidad? - page 2. (Read 413 times)

full member
Activity: 504
Merit: 127
Match365> be a part of 150BTC inviting bonus
Ang may akda ng orihinal na paksa ay si Coolcryptovator I thank him for giving his permission to me posting on our board to help my fellow kababayan. Eto yung orihinal na topic: https://bitcointalksearch.org/topic/what-is-quality-post-really-5109908.



Ano nga ba ang post na may kalidad?
Nung sinimulang magkaroon ng merit system ang salitang quality post ay palagi na lamang ay nababanggit. Pero walang nagsasabi kung ano ba talaga ang quality post. Kapag ang usapan ay tungkol sa merits, napaguusapan din ang paggawa ng post na may kwality. At ang katotohanan ay, kapag hindi ka nakagawa nang post na may kalidad, hindi ka rin magkakaroon ng merits.

Kung may thread na katulad nito, wala na akong magagawa dahil gusto ko lang isiwalat ang aking opinyon kung ano ba talaga ang post na may kalidad. Kung may mga miyembro dito na hindi sang ayon sa aking opinyon, nawa'y magiwan ng kanilang komento. Ito'y makakatulong sa mga newbie na gumawa nang post na may kalidad. Akin nang isisiwalat sa ibaba;

1. Kapaki-pakinabang na topic o paksa; Kinokonsider ko ang mga topic na kapaki-pakinabang bilang isang post na may kalidad at kapag ako'y may merit ito'y aking binibigay. Ang mga post o topic na nakakatulong sa mga miyembro ay kinokonsider ko na quality post. Halimbawa, ikaw ay gumawa ng post tungkol kung pano mo maisasalba ang iyong wallet, kapag natatangi ang iyong post, ito'y  isang quality post.

2. Maayos na pagkakabuong komento; hindi naman dapat lagi kang gagawa nang panibagong topic para maging quality post. Maaari kang makagawa nang quality post kahit sa pagkokomento lang sa ibang tao gamit ang sarili mong opinyon. Maayos na pagkakabuong komento ay ang pag reply sa topic at makagawa nang pinakatumpak na sagot o di kaya solusyon sa problema. Halimbawa, may nagtanong ng Pano ko maisasalba ang aking wallet? Maaari kang magbigay nang tips para sa OP. Ang ganitong uri ng post ay isang quality post.

3. Infographics topic; Minsan kailangan natin mag post ng infographics para maexplain natin nang maayos. Halimbawa na lang ang pag sign ng message sa bitcoin address, maaari kang gumawa nang infographics upang madaling malaman nang mga users ang nais mong ipabatid. Napakaraming forum member dito ang hindi masyado marunong mag ingles, pero ang infographics ay makakatulong sa kanila. Ang ganitong uri ng post ay isang quality post.

4. Analysis post; Maaari kang gumawa nang isang topic o komento gamit ang analysis. Maaari ito'y tungkol sa forum o kaya naman sa cryptocurrency mismo. Minsan ay madami tayong natututunan sa mga ganitong uri ng post.  Halimbawa nito ay ang paggawa ng analysis tungkol sa merit, trust at kung ano pang tungkol sa crypto. Ang ganitong uri ng post ay isang quality post.

5. Historical post; Marami dito sa atin ay mahina sa history, minsan ayaw na lang natin alamin ito. Kung ikaw ay makakagawa nang historical post, maaari itong makatulong sa amin sa pagtuklas nang iba't ibang mga pangyayari. Kunwari, gagawa ka ng post about sa history ng bitcoin. Sa historical post, kailangan mong alamin lahat lahat tungkol sa gusto mong ipabatid. Ang ganitong uri ng post na tumutukoy sa history ay isang post na may kalidad.

6. Experimental post; Maaari ang paksa mo dito ay tungkol sa forum mismo o sa cryptocurrency. Halimbawa, gumawa ka ng experimental post tungkol sa blockchain, kung pano gumagana ito at kung paano natin ito mapapabuti pa at iba pa. Ang ganitong uri ng post ay isang quality post.

7. Post na nagbibigay nang mungkahi; Ang suggestional post ay napakaimprotante sa mga baguhan. Maaari kang magbigay ng suggestional post na makatutulong sa mga bagong forum users. Maaari ka ring gumawa ng post tungkol sa pagpapabuti pa ng forum. Kapag ang mungkahi mo ay kakaiba at makakatulong sa pagunlad, ito ay post na may kalidad. Wag ulitin ang mungkahi ng iba o di kaya'y mag copy paste pa.

8. Nakatutulong sa komunidad
; Maari kang makatulong sa komunidad sa iba't ibang paraan. Wala itong limitasyon, katulad na lamang ng pag bubunyag ng mga scam, guidelines tungkol sa forum o kaya naman ay tungkol sa crypto. Kunwari, may Nakita kang phishing site, ito ay dapat mong ishare sa community para madali nilang maiiwasan ito at maliligtas ang kanilang mga pera. Ang ganitong post ay kinokonsider kong quality post.

Dumako naman tayo sa pagiingles, ito ay isa sa mga kailangan upang makabuo ng post na may kalidad. Ang iyong Ingles ay nararapat na konstruktibo kagaya na lamang ng spelling, grammar at iba pa. Hindi tayo makakabuo nang isang quality post kung di natin alam makabuo ng isang English sentence. Kahit na hindi pa ako masyadong hasa sa pagsasalita ng Ingles, pinipilit ko itong pagyabungin. Kaya naman kapag alam mong mahina ka sa pagsasalita ng Ingles, maglaan ng oras nang pagkatuto. Kailangan mong gumawa palagi nang kakaibang post, dahil ito ay napakaimportante upang makagawa ng quality post. Ang pagkopya ng ideya o post ng iba ay kinokonsider kong isang post na walang kalidad.



ADDITIONAL QUALITY POST(suggested by other user)

9. Meme Posts or Any Funny Posts
You've have been given 8 numbers of the possible quality post but I've not seen posting memes is a part of good quality post.
Ma consider mo ba ang pagpopost ng memes image is a part of a good quality post?
Loading...
Iba iba ang eksplanasyon ng mga tao sa mga post na may kalidad. May ibang tao tumitingin sa ambag mo sa komunidad at may iba naman na tumitingin sa kasiyahan(entertainment). Isa na dito ang pagpopost ng meme sa forum. Napakadami dito sa forum ang mahilig sa memes at nakikita ko din sa pagpopost ng memes dumadami ang merits din ng isang tao. Ito ay ilan sa mga halimbawa:

@ Infofront.





By just posting pictures, you're creating something unique and being unique is something Smiley. So, just by that you can get merits.


GOODLUCK PEOPLE!
Pages:
Jump to: