Pages:
Author

Topic: First Blockchain Lab sa Pilipinas - page 2. (Read 345 times)

member
Activity: 166
Merit: 12
“The World's 1st Waste to Green Energy DLT Project
November 06, 2018, 01:38:29 AM
#3
Sana ay ito ay tangkilikin ng maraming pilipino dahil sa panahon ngayon ito ay maaring makamtan lamang ng mga matatas ang estado sa buhay. Sana ay ang programang ito ay magkaroon ng oportunidad din sa mga mahihirap. Nais kong ipromote ang cryptocoin sa ating bansa at ito ay gagawin ko din sa dadating na panahon sa pamamaraan na ipakita sa kanila ang ibig sabihin ng blockchain sa simpleng paraan.
member
Activity: 375
Merit: 18
send & receive money instantly,w/out hidden costs
November 03, 2018, 12:48:13 PM
#2
Maganda ngang balita ito kabayan, mas lalong madagdagan ang kaalaman ng kapwa nating Pilipino sa blockchain at lalong lalo na yung mga wala pang masyadong alam tungkol dito. Sayang at kung matagal na ang kursong yan, yan nalang sana ang kinuha kong kurso sa kolehiyo dahil sa tingin ko eto din naman ang magiging trabaho ko sa hinaharap.
member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
November 03, 2018, 11:50:15 AM
#1
Magandang Gabi mga Kabayan!

Nais ko lang ibahagi ang magandang balita na aking nabasa. Inilunsad na ang AMBERlab noong October 22,2018 ang kauna-unahang university-based blockchain at education research laboratory sa ating bansa. Dahil nakita nila ang kayang gawin ng blockchain, nagtulungan ang Ateneo de Manila University at health technology startup MediXserve para mailunsad ang AMBERlab. Ang pangunahing layunin ng AMBERlab ay magturo tungkol sa blockchain para mas lumawak pa ang kaalaman natin dito. Magkakaroon din ang AMBERlab ng mga pampublikong seminar tungkol sa teknolohiya ng blockchain.

Konklusyon: Dahil mas lalo ng nagiging in-demand ang mga trabaho na may kinalaman sa blockchain sinimulan na ng Ateneo de Manila University ang kursong tungkol dito. Dahil dito mapipilitan ang ibang mga Unibersidad na magturo ng blockchain para hindi sila maiwanan. Mas maraming magbubukas na oportunidad para sa mga blockchain enthusiast. Sana ay ito na ang simula ng patuloy na adopsyon ng Pilipinas sa makabagong teknolohiya para hindi tayo maiwanan ng mga ibang bansa.

Source: http://newsbytes.ph/2018/10/27/ateneo-de-manila-tech-startup-launch-first-blockchain-lab-in-ph/
Pages:
Jump to: