Pages:
Author

Topic: FlipTop Emcee nag promote ng Cryptocurrency at Blockchain sa kanilang kanta (Read 344 times)

sr. member
Activity: 2828
Merit: 357
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Si Sixth Threat at Sak Maestro ay isang battle rapper sa FlipTop.
Nakakatuwa lang na marinig ang word na cryptocurrency mula sa dalawang tanyag na battle rapper. and knowing na mga Bata ni Andrew E si sixth threat but etong reply sa ilalim ang mas accurate .


I think yung buod ng kanta hindi naman para sa cryptocurrency talaga kung hindi yung pag usbong nila as a rapper kahit na probinsyano (in my own opinion). Parang pinapalabas nila na maraming haters noon pero successful at too big to ignore na ngayon gaya ng crypto as I see it.
actually ilan beses ko din pinanood to eh , nung unang labas palang eh natuwa ako kasi nga nabanggit nila ang crypto in which bilang fan ng fliptop at xempre nitong dalawang bisayan icon pagdating sa battle , kaya naging proud crypto user talaga ako , but nung inunawa kona , hindi naman talaga nila pinopromote or something similar ang crypto instead tama ka , yong comparison nila bilang battle emcee at bilang rapper na umosbong at lalong lumalakas .
parang kasing lakas ng crypto ang galawan.
full member
Activity: 406
Merit: 109
Hindi sya specifically for cryptocurrency pero bukod sa pag mention ng Blockchain at cryptocurrency, may mga scenes din na makikita mo yung logo ng Bitcoin. Pinanood ko sya, and several times mo rin makikita yung logo ng Bitcoin, either hawak ng isang babae or nasa background. Hindi gaanong napapansin pero the fact na, sinama nila yun, I think kahit papaano maganda na rin. Also, I've checked the comment section, parang wala akong nakita na nag mention about crypto so parang konti lang talaga makakapansin unless aware ka about Bitcoin at crypto.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
We know naman na ang trend ngayon na bukang bibig ng mga tao ay ang pag gamit ng mga cryptocurrency, investment, trading at iba pa at alam naman nating ang fliptop ay isa mga sa sikat dito sa pilipinas its all about tagisan ng mga salita, pag kakaroon ng mga metaphor, word plays, and mind games strategy so ginawa nila dahil ito din sa trending ay nag adopt sila at nilagay nila ito sa kanta, kapag bago sa pandinig ng tao ang mga ito lalo na iyong related sa crypto syempre mapapa-search ang mga tao patungkol dito ika nga nila ito ang madalas na maaring banggitin is "ahh ito pala yun/ ah ayun pala yun " so doon madalas nag start ang mga tao na mag check ng iba pang related dito.
Malaking impact yan kapag mismong bars ang tinutukoy ay crypto at Bitcoin. Bukod sa naitopic ni OP, meron bang mga nakapanood ng mga battle sa Fliptop na merong reference na crypto? Maganda sana mga ganoong bara, hindi na ako masyado nakakanood ng fliptop kahit na nakikita ko yung mga upload nila, parang naiba na kasi interes ko.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
We know naman na ang trend ngayon na bukang bibig ng mga tao ay ang pag gamit ng mga cryptocurrency, investment, trading at iba pa at alam naman nating ang fliptop ay isa mga sa sikat dito sa pilipinas its all about tagisan ng mga salita, pag kakaroon ng mga metaphor, word plays, and mind games strategy so ginawa nila dahil ito din sa trending ay nag adopt sila at nilagay nila ito sa kanta, kapag bago sa pandinig ng tao ang mga ito lalo na iyong related sa crypto syempre mapapa-search ang mga tao patungkol dito ika nga nila ito ang madalas na maaring banggitin is "ahh ito pala yun/ ah ayun pala yun " so doon madalas nag start ang mga tao na mag check ng iba pang related dito.
full member
Activity: 574
Merit: 100
Si Sixth Threat at Sak Maestro ay isang battle rapper sa FlipTop. Naglabas ng kanta sina Sixth Threat at si Sak Maestro na ang title ay: BANG! at ito ay patungkol sa cryptocurrency at blockchain technology. Ang music na inupload nila ay mayroon ng mahigit 500,000 views. Dahil sa kanta na kanilang ginawa, maraming kababayan na pwedeng itawag na "prospect" kung saan pwedeng maging interesado sila sa cryptocurrency. Maimpluwensiya silang dalawa, sa katunayan si Sak Maestro ay may total na 77,447,448 views sa total rap battle niya sa Youtube at si Six Threat naman ay may total na 31,964,676 views. Mga rappers, celebrities at influencers ay untiunti ng nagiging interesado at nag propromote ng cryptocurrency sa kanilang mga content. Hoping na mag tuloy tuloy to as long as na hindi toxic ang icocontent nila kung saan makaka buti sa kanilang mga viewers.

Yung sa kanta ni PriceTagg ang cringe nung pagbanggit ng "crypto". Kahit saan naman na kanta na may reference na crypto ang cringe pakinggan para sa akin. Pwedeng mapunta sa pag shill ng mga crypto scams lalo na kapag na offeran mga big names sa social media. Hindi na ako magtataka na maraming mauubos na pera ng mga taong sumusubaybay sa mga yan.
member
Activity: 574
Merit: 18
Eloncoin.org - Mars, here we come!
      Pinakinggan ko yung awit nila at aking naobserbahan na siningit lang yung word na cryptocurrency, at sa pagbanggit na yun malaking bagay narin yun kahit paano sa mga naniniwala sa cryptocurrency I guess.

      Subalit ang pangunahing tema talaga ng awitin ng rap na yan ay hindi umiikot tungkol sa cryptocurrency o blockchain.
Yun lang naman ang aking review ukol sa bagay na yan.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Unang-una hindi ako mahilig sa mga rap song, dahil para sa akin karamihan sa kanilang mga ginagawa ay walang sense, kaya naman dahil sa title na ginawa mo dito sa section na ito ay nagbigay ako ng minuto para mapanuod ang video na ito hanggang sa matapos yung kanta.

      At batay sa aking pagkakaintindi, hindi naman talaga tungkol sa Cryptocurrency o blockchain ang tema ng inawit nila, ipinahayag lang nila kung ano nagagawa ng crypto o blockchain sa ating kapanahunan noon sa ngayon. Para bang hindi pinapansin noon pero pinaguusapan na ngayon, ito yung naiintindihan ko sa awit na ginawa nila. Pero malaki parin impak nito sa mga crypto enthusiast o mga investors sa cryptocurrency. Okay siya para sa akin in terms of promotion of cryptocurrency dito sa ginawa nilang ito.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
I dont know the reason kung bakit nila sinama dahil hindi naman masyadong sinabe sa lyrics your bitcoin pero medjo ginawan niya din naman ng connect ang blockchain and cryptocurrency kahit papano, and siguro para sa kanila ay medjo pasok din ang cryptocurrency or bitcoin since pwd mong sabihin ang bitcoin or cryptocurrency ay pangmayayaman or pang ganster, buy i mean hindi naman din siya bad influence or ginagawan ng masamang image. Its still sixth Threat and hindi siya basta basta sa mga MC so magandang promotion na rin ito sa cryptocurrency and bitcoin since napasama ito sa music video niya.

And update 652k views na ang music video in just 2 months not bad and great music overall. Sana lang magtuloy tuloy and laging maextra ang cryptocurrency and bitcoin sa mga content niya para maslalo pang lumawak ang cryptocurrency dito sa bansa since maraming naiimpluwensiyahan ang mga kanta niya.
sr. member
Activity: 588
Merit: 351
Irrelevant man itong sasabihin ko pero I think this is not the only time na may mga rappers na nagpopromote regarding cryptocurrency and such. Isang halimbawa ay yung kantang nilabas nila Snoop Dogg at Eminem. Hindi man nito direktang sinabi na related ito sa crypto, pero knowing na nilabas nila ito sa kasagsagan ng BAYC ay maaari nating i assume na isa itong promotional video at sinakyan nila ang kasakitan ng nasabing NFT.

https://www.youtube.com/watch?v=RjrA-slMoZ4.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Hindi talaga ako fan ng rap song lalo na kapag diko mainitindihan yung bigkas sa lyrics  at sa content na din ng content. I don’t know if this is a good publicity pero sobrang limited lang ng cryptocurrency exposure at karamihan pa ng mga listener ng mga ganitong kanta ay mga gangsta type na tipong wala naman pakialam sa investment. Halos hindi din na emphasize kung ano ang blockchain at cryptocurrency sa kanta at hindi ko din siguro mapapansin yung word na ito kung papakinggan ko ulit yung kanta na hindi ako aware sa lyrics dahil puro beat lang talaga ang malakas sa ganitong klase ng kanta.

Good move na din sa nagpa sponsor para lang malagay sa lyrics ang cryptoat blockchain pero mukhang mas makakakuha pa ng good publicity kung sa mga events nlng or tiktok influencers na sikat.

Anyway, any form naman ng publicity is good overall. Hindi lang siguro talaga ako fan ng ganitong mga kanta kaya hindi ko masyado ma-appreciate. Thanks for sharing OP.

Taking depth on the meaning ng kanta, prang wala yata kasi literal naman nilang sinabi ang gusto nilang iparating, then tulad nga ng sinabi ng earlier reply, iyong succesful venture nila sa kanilang career ay mahihahalintulad sa bitcoin na noong una ya maraming nagdalwang isip, di naniwala at nag-alangan pero lahat ng tao na may ganoong pag-iisip ay pinahiya ng Bitcoin by making itself stronger at globally adopted cryptocurrency.  At ganun din ang nais nilang ipahiwatig sa narating ng kanilang mga careers.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
Mukhang hindi bebenta yung kanta kasi hindi rin naman makabuluhan para sa madla pero kung sa madla ng nakakaalam sa crypto pwede pa pero ang liit lang ang makakaintindi.
Ayos na yung 567K views in the last 3 weeks (most likely organic reach - no boosting) pero yeah mukhang hindi nakuha yung second target nung mga sponsors. Checking on the comment section, mukhang walang feedback/interest on crypto/blockchain.

~ karamihan pa ng mga listener ng mga ganitong kanta ay mga gangsta type na tipong wala naman pakialam sa investment.
Marami din naman yan. Alam ko hindi investors ang common na tawag sa kanila kundi mga hustlers. Marami din mga gumagawa ng rap music flexing their money and achievements.

Halos hindi din na emphasize kung ano ang blockchain at cryptocurrency sa kanta at hindi ko din siguro mapapansin yung word na ito kung papakinggan ko ulit yung kanta na hindi ako aware sa lyrics dahil puro beat lang talaga ang malakas sa ganitong klase ng kanta.
To be fair naman sa kanila, mahirap talaga ilapat sa kanta ang mas malalalim na paliwanag about blockchain/crypto kahit anong klaseng musika pa yan (Pop, Rock, R&B, Metal, Soul, atbp.).
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Hindi talaga ako fan ng rap song lalo na kapag diko mainitindihan yung bigkas sa lyrics  at sa content na din ng content. I don’t know if this is a good publicity pero sobrang limited lang ng cryptocurrency exposure at karamihan pa ng mga listener ng mga ganitong kanta ay mga gangsta type na tipong wala naman pakialam sa investment. Halos hindi din na emphasize kung ano ang blockchain at cryptocurrency sa kanta at hindi ko din siguro mapapansin yung word na ito kung papakinggan ko ulit yung kanta na hindi ako aware sa lyrics dahil puro beat lang talaga ang malakas sa ganitong klase ng kanta.

Good move na din sa nagpa sponsor para lang malagay sa lyrics ang cryptoat blockchain pero mukhang mas makakakuha pa ng good publicity kung sa mga events nlng or tiktok influencers na sikat.

Anyway, any form naman ng publicity is good overall. Hindi lang siguro talaga ako fan ng ganitong mga kanta kaya hindi ko masyado ma-appreciate. Thanks for sharing OP.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Pinanood ko to sa actual release since naka follow ako kay sixthreat at kay Sak Maestro kaya nung nag count down sila eh naka abang na ako at nagulat ako nung narinig ko at nabasa yong tungkol sa crypto na mention sa BANG.

actually hinihintay ko nga ay mag mention ng specific coin kaso wala hehehe.

and like what said sa taas, parang kinompare lang nila ang sarili nila sa crypto na hindi pinaniwalaan for years but now? eto at sikat na and also maybe kaya nila nabanggit is may idea sila about crypto and baka nga mga investors na mga to.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
~ I don't see it as a promotion since wala naman silang sponsor to promote it, sadyang kasali lang ata sa verse nila yung about sa cryptocurrency kaya siyempre relate din dapat yung music video sa lyrics nila.
Actually, meron silang sponsor niyan. Nabanggit ko na ito sa isang thread:

I was watching/listening to a youtube music video at nagulat ako sa linya nung isang rap artist. @1:43 to @1:52 nabanggit yung BNPH then blockchain tapos cryptocurrency.

Mukhang yung BNPH stands for Blockchain Network Philippines. It looks like a marketing and consulting firm. Don't know much about it kaya tignan niyo na lang din website nila.


Silipin mo yung website at makikita mo yung pangalan ng CEO na Kenneth James Berey. Balikan mo yung music video at mapapansin mo yung plaka ng isang sasakyan na natakpan ng 'CEO KEN' @0:40 @1:25

Makikita mo din sa credits ng video

Quote
Official Music Video of Bang! - Sixth Threat x Sak Maestro
Produced by NAV-EYE
Executive Producer Blockchain Philippines
Directed by Ej Fernandez
Sponsored pala kaya nabanggit ni Sak Maestro yung BNPH sa lyrics ng kanta, doon din kasi ako naguluhan kung ano ibig sabihin dun. Salamat sa pagbabahagi Bttzed03. Mukhang hindi bebenta yung kanta kasi hindi rin naman makabuluhan para sa madla pero kung sa madla ng nakakaalam sa crypto pwede pa pero ang liit lang ang makakaintindi.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
~ I don't see it as a promotion since wala naman silang sponsor to promote it, sadyang kasali lang ata sa verse nila yung about sa cryptocurrency kaya siyempre relate din dapat yung music video sa lyrics nila.
Actually, meron silang sponsor niyan. Nabanggit ko na ito sa isang thread:

I was watching/listening to a youtube music video at nagulat ako sa linya nung isang rap artist. @1:43 to @1:52 nabanggit yung BNPH then blockchain tapos cryptocurrency.

Mukhang yung BNPH stands for Blockchain Network Philippines. It looks like a marketing and consulting firm. Don't know much about it kaya tignan niyo na lang din website nila.


Silipin mo yung website at makikita mo yung pangalan ng CEO na Kenneth James Berey. Balikan mo yung music video at mapapansin mo yung plaka ng isang sasakyan na natakpan ng 'CEO KEN' @0:40 @1:25

Makikita mo din sa credits ng video

Quote
Official Music Video of Bang! - Sixth Threat x Sak Maestro
Produced by NAV-EYE
Executive Producer Blockchain Philippines
Directed by Ej Fernandez
Ohhhh I see, Sponsored pala sila. Possible kaya na ginawa nila itong rap song nato dedicated only for the sponsorship given na pinasok nila yung keywords ng kanilang sponsors? Naalala ko tuloy yung music video before ng Ex Battalion na "Southboys" ng dahil nabangit mo yung plate number, Parang ganun din kasi ginawa ng NewG sa ExB music, I believe na NewG yung sponsor ng ExB by that time. Kung naalala niyo ang NewG ito isa sa pinaka matinding ponzi crypto scam dito sa bansa natin na ang target is mga pinoy. I don't think masama naman yung motives ng Blockchain network Philippines kaya nila inisponsoran sila Sixth Threat at Sak Maestro ng music video, Let's hope na for awareness of crypto lang yung target ng sponsors nila.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~ I don't see it as a promotion since wala naman silang sponsor to promote it, sadyang kasali lang ata sa verse nila yung about sa cryptocurrency kaya siyempre relate din dapat yung music video sa lyrics nila.
Actually, meron silang sponsor niyan. Nabanggit ko na ito sa isang thread:

I was watching/listening to a youtube music video at nagulat ako sa linya nung isang rap artist. @1:43 to @1:52 nabanggit yung BNPH then blockchain tapos cryptocurrency.

Mukhang yung BNPH stands for Blockchain Network Philippines. It looks like a marketing and consulting firm. Don't know much about it kaya tignan niyo na lang din website nila.


Silipin mo yung website at makikita mo yung pangalan ng CEO na Kenneth James Berey. Balikan mo yung music video at mapapansin mo yung plaka ng isang sasakyan na natakpan ng 'CEO KEN' @0:40 @1:25

Makikita mo din sa credits ng video

Quote
Official Music Video of Bang! - Sixth Threat x Sak Maestro
Produced by NAV-EYE
Executive Producer Blockchain Philippines
Directed by Ej Fernandez
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Welp! Saw this the other day and nabigla din ako nung may nakita akong logo ni BTC and even CryptoPunks eh andun din sa music video. I don't see it as a promotion since wala naman silang sponsor to promote it, sadyang kasali lang ata sa verse nila yung about sa cryptocurrency kaya siyempre relate din dapat yung music video sa lyrics nila. Though this just proves na yung awareness nag tao sa cryptocurrency is palawak na ng palawak sating mga Pilipino and I guess one biggest contributor to it is NFT's

Or posibleng may plan ang grupo nila to jump in to cryptocurrency at magcreate ng token para sa napili nilang ventures.  Anyway dun sa content, I do think na iyong kanta ay base sa experience nila sa kanilang ginalawang industriya at inirelate nila ito sa cryptcourrency dahil nga sa parehong may doubt ang mga tao if magtatagumpay sila sa kanilang tinahak na propesyon.  And katulad ng Bitcoin kahit na maraming doubters eh naestablish pa rin nila at naging successful sila sa tinahak nilang industriya.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Welp! Saw this the other day and nabigla din ako nung may nakita akong logo ni BTC and even CryptoPunks eh andun din sa music video. I don't see it as a promotion since wala naman silang sponsor to promote it, sadyang kasali lang ata sa verse nila yung about sa cryptocurrency kaya siyempre relate din dapat yung music video sa lyrics nila. Though this just proves na yung awareness nag tao sa cryptocurrency is palawak na ng palawak sating mga Pilipino and I guess one biggest contributor to it is NFT's
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Para sa akin, hindi magandang tawaging prospect ang mga gusto mag invest sa crypto. Di ko alam kung bakit pero para lang naman sa akin kasi parang magiging ponzi kapag ganun.

Ginagamit talaga ang prospect sa mga potential investors na pwedeng bumili or mag-invest, kahit saan ginagamit yan lalo na sa mga real estate kapag nagpakita ka ng interest ang tawag syo prospective buyer.
Ahh ganun ba, my bad. Salamat sa correction.

Di ko pa napapakinggan yung buong kanta pero ang daming ganito na sigurado isasama nila sa mga kanta nila o babanggitin lang ng ilang beses bitcoin o crypto tapos yun para mai-rhyme o masabay din sa agos.

Pakinggan mo lang ang isang stanza parang narinig mo na lahat. Paulit-ulit lang at walang gaanong content.  Isang stanza lang din nasabi ang blockchain at cryptocurrency kasabay ng pagflash nila ng Bitcoin logo na hawak ng babae.  Sa totoo lang nakakasawa iyong kanta parang sirang plaka na paulit ulit.
Top 20 siya na trending sa YT music ngayon. Napakinggan ko na at napanood ko, masaya na makita na may exposure yung logo ng bitcoin. Pero sa mga normal na fans at iba, hindi nila papansinin yan kasi ang main focus lang ay sa music.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
I think yung buod ng kanta hindi naman para sa cryptocurrency talaga kung hindi yung pag usbong nila as a rapper kahit na probinsyano (in my own opinion). Parang pinapalabas nila na maraming haters noon pero successful at too big to ignore na ngayon gaya ng crypto as I see it.
Yes na mention lang yung crypto at blockchain pero hindi talaga ito yung punto nila kundi parang nakumpara lang, at kung wala ka idea tungkol don hindi mo rin makokonek IMO. Pinakinggan ko yung kanta at naghintay ng anything na makabuluhan pero it's all about their journey nga tulad ng nabanggit mo.

I don't think magkakaron ito ng impact pero isa lang ang sigurado, these people are somehow aware sa crypto even though hindi detailed ang kanilang pag promote kundi naisama lang sa lyrics.
Pages:
Jump to: