Pages:
Author

Topic: Focus on Bitcoin this year or sa ibang bagay?+ Qs about trading ad sa YT (Read 271 times)

newbie
Activity: 7
Merit: 0
Pwede ka naman mag focus sa dalawang bagay, hindi mo rin naman kaylangan ubusin lahat ng time mo sa pag bibitcoin. Pero ano bang gusto mo sa pag bibitcoin gusto mo ba mag trading, mining, staking or investing?
member
Activity: 182
Merit: 10
Focus on Bitcoin this year or sa ibang bagay?

Kunting background :

Iam a college student in online class and medyo na strestress sa school ang yung feeling ko na mas my matutunan ako sa face to face class.

So ayun naiisip ko mas okay pa po ba tumigil ng online class and mag focus sa gusto kong gawin?

 

Kagaya ng bitcoin alam ko maraming dapat alamin na di ko nagawa gawa ng pumasok na ako mg college nitong mga nakaraang ilang taon kailangan ko na mag focus. Yun, Sabi nila bull run ang bitcoin from this year up to few years later ito ang isa sa dahilan na napapaisip ako na balikan ko kaya bitcoin na nakatulog sakin.


Kung ako ikaw na gusto makatulong ano tingin mong mas maganda mag focus sa Bitcoin or pagaaral?  

Tanong ko din dati yan sa sarili ko bago ko pasukin ang pagbibitcoin. Naisip ko na maaring ma-apektuhan ang academics ko kaka-aral ko ng cryptocurrencies na ayaw kong mangyari kasi gusto ko palagi akong top sa klase ko, wala akong bagsak at makagraduate on time. Pero naisip ko kaya ko bang pagsabayin? Nalaman ko ang sagot ng sinubukan ko. Masaya ako na nakaya kong pagsabayin ng isang taon pero medyo nagbawas ako ng time ng nagte-thesis na ako. After ng thesis balik ulit sa pagbitcoin.
Payo ko sayo, huwag mo sanang i-give up yung pag-aral mo. Hindi ako sigrurado pero ang alam ko lahat ng magulang pangarap ay makapagtapos ang anak nila. Sobrang masaya na sila doon. Kung baga lahat ng hirap na pinagdaanan ng magulang mo simula elementary hanggang ngayong college kana para makapag-aral ka sana wag mauwi sa wala. Kung kaya mong pagsabayin katulad ko, gawin mo.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited
Can't imagine my self sa ganyang sitwasyon, ako kase 2nd year college ako nag start dito, while nag aaral nag t'trabaho and earning bitcoin kaya keri lang, pero more on studies parin.

At observed ko daming stressed na studyante ngayong online class or modules mas maganda nga parin pag face to face, daming natutunan, more time sa sarili, learning other things, etc.

Suggestion, wag kang hihinto sa pag aaral mo, try mo mag time management, pag tapus na sa acads, pahinga then balik sa pag bi'bitcoin, posting here, earning, etc. Wag mong bitiwan ni isa, isabay mo if kaya, if di na talaga, then pili ka sa mas prefer at mas malaki benifits in the long run, kung baga investment mo din.
Tingin ko kasi kumikita na, lalo na kung malaki yung na eearm sa investment, minsan nakakatamad nga naman talaga mag-aral, naiisip ko rin yan eh, haha , kahit fi pa ganon kalaki kita ko. Focus on business iniisip pag iisip ng mga ganong bagay. Pero tama nga naman talaga na at least, may degree ka na natapos. Kaso kunsakali man na medyo down ang mga investments mo, pwede kang kumita mula don sa pinag aralan mo.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Can't imagine my self sa ganyang sitwasyon, ako kase 2nd year college ako nag start dito, while nag aaral nag t'trabaho and earning bitcoin kaya keri lang, pero more on studies parin.

At observed ko daming stressed na studyante ngayong online class or modules mas maganda nga parin pag face to face, daming natutunan, more time sa sarili, learning other things, etc.

Suggestion, wag kang hihinto sa pag aaral mo, try mo mag time management, pag tapus na sa acads, pahinga then balik sa pag bi'bitcoin, posting here, earning, etc. Wag mong bitiwan ni isa, isabay mo if kaya, if di na talaga, then pili ka sa mas prefer at mas malaki benifits in the long run, kung baga investment mo din.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
Ganito lang ang simpleng pwede mong gawin;
Mag aral habang nag i invest pa din ng bitcoin at the same time.

Hindi mo naman kasi kailangan maging daily bitcoin trader dahil siguradong makakasagabal lang ito sa pag aaral mo. Ang gawin mo, mag long term hold ka. In that way, hindi mo kailangang i give up and bitcoin. Kumikita ka at the same time ay learning ka din. Iba pa rin ang may foundation at mahirap ang mag rely lang sa crypto investment alone.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
I'll watch this thread.

Same situation ako bro. For me di masyado effective ang pure online class kahit sanay ako sa modular class style, Iba padin ang may halong face to face.

Nasa second sem na ako ngayon and nagkaka delemma ako if mag eenroll pa ba ako next sem or hindi, Sa sobrang dami ng requirements namin ay onti nalang time ko sa pag cryptocurrency at nanghihinayang ako sa opportunities ngayon bullrun. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa nailalabas full potential ko to use crypto this year. I have so many trading opportunities missed, Di nakakasabay sa Defi investment because of lack of research and other things dito sa crypto.

PS: Di ko nirurush pag graduate ko

Quick controversial tip: kung ang course na kinukuha mo ay pwedeng 100% pag aralan online (e.g. programming, advertising, video editing, etc), and of course dapat meron kang disiplina para mag self study; para saakin sayang lang sa pera ang college pag yang mga ganyang industries. Mas ok na mag self study, tapos online work or maging hobbyist ka nalang muna hanggang sa magkaroon ng magandang portfolio.
Thanks for this sir. It's true din kasi na parang wala na ko masyadong natututunan from my university, Puro na kasi requirements and wala na nag tuturo saamin eh. Portfolio based din kasi talaga sa IT industry. I think I'll stop na siguro this year and continue nalang sa pag selfstudy and sa pag crypto.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
Hindi mo necessarily kailangan i stop ang pag aaral mo para lang maka 'focus' ka sa Bitcoin. Kung nahihirapan kang ipagsabay, either tiisin mo, ung tipong imbis na maglaro/uminom/magnetflix ka mag aral ka nalang about Bitcoin(kung ano man balak mo, trading etc). Kung nahihirapan ka parin, pwede mo namang bawasan ung units mo sa pag-aaral para gumaan ng konti.

I don't think good idea ung lahat ng oras mo e naka 100% nakalaan sa bitcoin. Take note, while bullish ang karamihan saatin in the long-term, meron at meron parin tayong bear markets. And while bullish tayo sa Bitcoin, remember na walang kahit anong 100% chance to succeed in the long-term. Kung nagkaroon man ng time sa future na may 5 years or longer na bear market ang bitcoin, paano na?

Kung ano man ung course mo, maganda parin ung may backups. Don't put all your eggs in one basket ikanga.

As for trading courses, no comment kasi wala pa akong nasubukan na kahit isa. I prefer long term investing. Tongue

Best of luck!


I think you misunderstood OPs post.

What he meant was to stop his studies temporarily until there's a face to face class again, and focus on earning Bitcoin. For being practical, it is a good choice in my opinion, since sayang yung tuition, oras, at mental health tapos wala pa syang natututunan. Siguro sasabihin ng iba sayang yung taon, well iba-iba naman po tayo ng timeline, hindi ibig sabihin nauna silang grumaduate eh hindi ka na gagraduate.

And advice ko sayo OP is do whatever makes you happy, health is wealth. If you ever find yourself getting stress out on school works while not getting any merits in online class, better stop it kesa naman magkasakit ka. Naranasan ko na rin yan situation mi ngayon, here is what I did.

I stopped my studies, thesis na lang kulang ko pero never akong nagsisi na tumigil ako kasi I achieved at last the peace that I want in life. Stress free, walang isipin na school works na may deadline, and I started to gain weight since sobrang payat ko noon dahil sa stress sa school tapos nagkasakit pa ko. Luckily okay na ko ngayon living a low key life.

Note: You don't need to be a successful engineer, doctor, lawyer, teacher or anything. You just need to be a successful person in your very own way. Don't listen to other's toxic mindset, listen to your own.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Kunting background :

Iam a college student in online class and medyo na strestress sa school ang yung feeling ko na mas my matutunan ako sa face to face class.

So ayun naiisip ko mas okay pa po ba tumigil ng online class and mag focus sa gusto kong gawin?

 


Unang Una , Kaya ka paba pag aralin ng Magulang mo? kasi kung capable pa naman sila i believe na tapusin mo muna ang Pag aaral mo and then move to your other things na gusto mo gawin.

Tanging Diploma lang ang maipapamana ng magulang mo sayo na hindi magagawang kunin ng kahit sino so best na mag aral ka and then harapin mo ang ibang bagay after that.

and pwede ka naman mag invest dito sa crypto habang nag aaral dba?
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Malaking sakripisyo ang gagawin mo mate pagnagkataon and remember, na hinde laging nasa taas ang Bitcoi kaya masyadong risky at isa pa malapit kana matapos sa iyong pagaaral, mas masarap makamit ang iyong mga pangarap kapag alam mo na pinagpaguran mo ito.

Wag mo masyadong ipressure ang sarili mo na kumita ng pera, ienjoy mo lang ang kabataan mo kase panigurado hahanap hanapin mo yan lalo na kapag pumasok kana sa realidad ng buhay na kung saan ay hinde ka nalang puro pasarap, kailangan mo na magkayod dahil darating ang araw na may pamilya ka nang bubuhayin at mahirap makahanap ng stable job if hinde ka nakapagtapos. Naniniwala ako na kayang pagsabayin ang pagaaral at bitcoin, magkaroon ka ng tamang time management malaking tulong ito.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Tapusin mo pag aaral mo, pwede mo naman yang pagsabay. Ang mahalaga sa ngayon investor/holder ka habang nag aaral ka. Ang kagandahan lang kasi kapag may bitcoin ka, di mo naman kailangan mag trade araw araw. Ang kailangan mo lang ay hold at mag set ng matagalang goal o price na kung kailan ka magbebenta. Mas maganda pa rin ang may natapusan para kahit papano may backup ka parin. Hindi naman nating sinasabi na babagsak ang bitcoin pero ang mahalaga dun, bilang ikaw, may natapusan ka.
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
Pwede naman pagsabayin ang online class at pagbibitcoin. Advantage nga yun dahil nasa online class ka at sa bitcoin naman need mo din mag online ang point ko is kaharap mo ang device mo na mayroong internet kaya pwede mo silang mapagsabay na dalawa unlike sa face to face class hindi mo maisisingit si bitcoin kapag nasa klase ka. Need mo lang is alamin mo yung mas priorities mo para sakin pag aaral pa din ang mas matimbang kaya tatrabahuhin mo lang si bitcoin kapag free time mo. Time management, effort, motivation, decipline and the like eto yung mga klase ng attitude na dapat mong eapply sa sarili mo para magawa ang pag online class at pagbibitcoin. At dapat mo din tanggalin yung mga bagay na makakadistruct sayo katulad ng mga pagbukas ng mga social media.

At tungkol naman doon sa seminar about sa trading na ads na nakita mo sa youtube tingin ko mas maganda kung mag self study ka na lang dahil kapag may katanungan ka naman mahahanap mo ang sagot sa internet.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Iam a college student in online class and medyo na strestress sa school ang yung feeling ko na mas my matutunan ako sa face to face class.
Doubtful ako dito. Hindi kaya distracted ka lang dahil ang dami mong nakikita online from social media, youtube, at iba pang apps? Sa face to face walang mga ganyan.

Kumusta ba financial status mo? Hindi ka ba nabibigyan at walang sapat na pondo para matustusan ang online class? Kung hindi naman, maswerte ka pa din dahil yung iba naghahanap pa talaga pagkakakitaan para may pambayad sa internet at makapag-aral.

Tungkol sa stress sa pagaaral, madalas nasa kalagayan ng katawan mo yan. Pahangin ka, exercise, at kain ng tama. Kung okay katawan mo, okay din isip mo.

Tungkol sa trading, huwag ka na muna dyan kung wala kang prior experience. May nakikita akong pinagsasabay ang pag-aaral at trading pero halata naman marurunong na sila. Hindi mo kailangan ng kung ano-anong training para kumita ngayong bull cycle. Okay ka na sa pag-iipon ng BTC at paghihintay (BUY RIGHT, SIT TIGHT ika nga).

legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
Have you read @achow's tweet regarding this?

https://twitter.com/achow101/status/1280297898849316866?s=19

Basahin mo yan para at least mahimasmasan at matimbang mo yung pros and cons if ever na mag decide ka to stop your educational college degree. Ang dami na ding magagandang reply sa thread mo and I think enough na yun for you to decide kung pagsasabayin mo ba or magfofocus ka sa crypto in general kasi you just feel that you are being left out.

Hindi ka din naman nag-iisa sa situation mo ngayon. As far as I know, marami sa atin dito na nag-aaral pa for their college degree including me. Currently, tinatapos ko yung 2nd Sem ng 2nd Year ko sa course na BSCPE. Online class sa umaga hanggang tanghali, pahinga, tapos aral ulit ng trading sa gabi. Build a consistent habits ika nga. You don't need to sacrifice one thing over the other.

Kung ako ikaw na gusto makatulong ano tingin mong mas maganda mag focus sa Bitcoin or pagaaral?
Mas makatutulong ka kapag natapos mo collegere degree mo (though it depends on your drive). Treat it as a license.

Isa pa yung about sa trading seminar na add na lumalabas sa Ad sa youtube...
If it's free, then go. But if it's not, search for other options that lets you learn trading for free. Nagkalat sa youtube at twitter  yan.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
I'll watch this thread.

Same situation ako bro. For me di masyado effective ang pure online class kahit sanay ako sa modular class style, Iba padin ang may halong face to face.

Nasa second sem na ako ngayon and nagkaka delemma ako if mag eenroll pa ba ako next sem or hindi, Sa sobrang dami ng requirements namin ay onti nalang time ko sa pag cryptocurrency at nanghihinayang ako sa opportunities ngayon bullrun. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa nailalabas full potential ko to use crypto this year. I have so many trading opportunities missed, Di nakakasabay sa Defi investment because of lack of research and other things dito sa crypto.

PS: Di ko nirurush pag graduate ko

Quick controversial tip: kung ang course na kinukuha mo ay pwedeng 100% pag aralan online (e.g. programming, advertising, video editing, etc), and of course dapat meron kang disiplina para mag self study; para saakin sayang lang sa pera ang college pag yang mga ganyang industries. Mas ok na mag self study, tapos online work or maging hobbyist ka nalang muna hanggang sa magkaroon ng magandang portfolio.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Tama, sobrang na kakastress talaga ang online class pero eto ang maganda kasi flexible tayo sa pwede nating gawin. Mas maganda na ipag-sabay mo nalang kahit mahirap. Iba parin kasi ang edukasyon sa college, makakatulong ito sa buong buhay mo.

I think what you need is flexible plan. Mag plano ka ng maagi kung ano ang pwede mong gawin sa araw-araw. For example, mag time management ka. Mag laan ka ng oras para sa Bitcoin, para sa school, para sa sarili mo. Higit sa lahat, wag ka mag procrastinate at wag mo ipunin yung mga activities na dapat mo gawin kasi hahabulin ka ng mga yan.

For example ang ginagawa ko, 9:00 am to 3:00 pm, oras ko yan ng study, walang youtube, walang netflix, walang kahit anong distraction. After nyan, pwede ko ng gawin ang gusto ko kahit d ko pa tapos yung activity na ginagawa ko kasi may bukas pa naman, kung deadline na, edi mag extend. 3:00 pm to 8:00 pm, pinagsasabay ko yung crypto, trading, or ano mang gusto kong gawin.

So ayun, sa madaling salita, try mo silang pagsabayin pero dapat i-manage mo din sila.

 
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
Kung ako ikaw na gusto makatulong ano tingin mong mas maganda mag focus sa Bitcoin or pagaaral?
Kung ako, ipa prioritize ko ang pag-aaral, yan kasi yung treasure na hindi nananakaw. Kahit matanda na tayo magagamit natin yan lalo na sa pagkakaroon ng magandang trabaho sa totoong buhay.

Ganunpaman pwede mo naman isabay ang pag bi bitcoin, depende yan sa anong strategy ang gusto mong gawin halimbawa daily trader o long term hodler. Ang kailangan mo lang ay time management.

Marami sa atin ang nakaka survive sa ganyang set up katulad ko, meron akong daily job pero nabibigyan ko pa rin ng panahon yung sideline ko dito sa forum at the same time na momonitor ko din yung mga coins ko kung may pagbabago sa price. Ikaw lang ang makakapag desisyon sa mga ganyang bagay pero sana huwag mo itigil ang iyong pag-aaral.

hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
I think hindi mo kailangang ihinto ang isang bagay para sa isa kung pwede mo namang pagsabayin ng may time managment. Grinding will help at all pero dapat pursigido ka rin kung ano yung gusto mo talagang marating pero if ever na hindi para sayo yung multi-tasking since may mga tao naman talagang umaasenso sa pag focus sa isa then go that route. Para sa akin pwedeng hanapin/alamin mo muna kung ano ka a multi-tasker or a person that focus on one thing, that will help naman I suppose.
hero member
Activity: 2366
Merit: 594
Pwede mo naman gawin pareho. Mahalaga pa din ang makatapos ka sa pag-aaral. Kung magfofocus ka lang sa bitcoin dahil sa bull run ngayon ay hindi ito magandang idea. May kapatid din ako na nag oonline class at hindi naman buong araw ay may klase sila kaya tingin ko ganun din sa inyo. Pwede ka magtrade or learn more knowledge tungkol sa bitcoin pagkatapos ng klase nyo. 2hrs a day of learning about bitcoin is already good in the long run. Bata ka pa naman. Wag mo muna ipressure sarili mo. Hindi din ganun kadali mag trade, kelangan nito tutok ka sa price action ng coin or else mapipilitan ka ihold ito para hindi ka malugi.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
We all have different side when it comes to Education or focusing on your career that you want, pero para sa akin dapat alamin mo kung ano ba ang mas magwowork kase if you’re in a family na medyo kapos sa buhay, medyo risky kung magstop ka sa pag study mo and kung ang pamilya mo naman ay may kaya, I think you can take the risk and focus on bitcoin and trading.

Nasa college level kana mate, konting push nalang magkakadegree kana, wag kana masyadong pastress sa kung ano sana ang kikitain mo kung nag bitcoin ka, focus kana sa pagpapalago ng iyong kaalaman. Education is very important para sa akin, tapusin mo na yan mate konting konti nalang.
full member
Activity: 422
Merit: 103
Futurov
Isa sa pinaka pinagsisisihan ko sa buhay ay ang pag hinto ko sa cryptocurrency way back 3-4 years ago. Natuklasan ko ang crypto world noong 2017-2018 na kung saan saktong bullish ang market. Legit ang income/profit noong time na yun at worth it mag grind. After 1-2 months, pag pasok ng January 2018 unti unti naging bearish ang market at doon ako huminto. Ang pag iisip ko noon ay huminto muna dahil bagsak naman ang market at walang possible income. Yun ang aking pag kakamali dahil hindi ko nakita ang brighther side ng pagiging bear market, hindi ako nag invest at bumili ng mga coins sa panahong sobrang baba pa ng mga presyo, kumbaga 3 years naka sale ang mga coins pero hindi ko pinansin at isa pa hindi din ako nag laan ng oras para aralin ng magpaka dabulhasa sa crypto. Edi sana ngayong 2021 bull market ay nagkaroon ako ng malaking income. Bukod sa sinayang ko ang possible income ko, nag sayang din ako ng panahon. 3-4 years ang nag daan pero walang nadagdag sa kaalaman ko sa crypto at kailangan ko ulit mag hintay ng 3-4 years para magkaroon ng malaking posibleng income (base sa historical data every 3-4 years nag bubull run ang market). Pero hindi pa huli ang lahat, kaya naman masasabi ko na wag na mag sayang ng panahon at oras. Aralin na ngayon ang crypto habang hindi pa ganoon karami ang nakaka alam.
Pages:
Jump to: