Ilang years din ang nakaraan mula nagka idea ako about bitcoin. Nagsimula ako 2015 mag trade sa mga ibat ibang trading platform at nag simula ako sa maliit na puhunan. Nung una medyo mahirap kasi nga nag aaral palang ako paano mag trade yong puhunan ko imbes lumaki nababawasan siya at wala na dadagdag dahil sa maling pag trade. Pero hindi nagtagal natuto ako dahil may mga kasama ako na nagturo saakin kung paano bumili at mabenta ng mga coins.
Then for story short 2016 to 2017 na bago ang buhay ko dahil sa sipag at tyaga narin kaya nag karoon ako ng motivation na sa bitcoin magbabago ang buhay ko. At yon na nga yong maliit na puhunan lumago sya natuto ang mag short trade at long trade.
Hindi ko na papahabain pa dahil kay bitcoin nag karoon ako ng sariling lupa at nakapagpatayo ako ng bahay naka bili ng pampasaherong jeep at kung dati napakahirap ng buhay namin ngayon maski papano hindi na ako yong utang doo utang dito. Salamat sa mga nakilala ko na tumulong at nag turo saakin about bitcoin dahil sa inyo nabago ang buhay ako.
Naniniwala naman ako na kapag nagamit mo sa tama ang bitcoin at alam natin kung pano magkaroon nito sa tamang paraan, hindi talaga malayong darating ang oras at panahon na makapagpundar tayo ng mga bagay na hindi natin inaasahan gamit na instrumento ang Bitcoin siyempre.
Kung papansinin ko ang background history mo at pagbabasehan ang iyong salaysay ay sa loob lamang ng 1 year na pag-aaral mo sa bitcoin ay naging bihasa kana sa pagsasagawa ng bitcoin trading during 2016-2017? at sa loob ng mga panahon na ito ay nakapagpundar ka ng mga bagay na sa tingin mo ay kailangan mo.
At kung titignan ko rin ang post history mo ay hindi ka ganun kaaktibo dito sa forum, ang huling post mo ay 2021 at bago pa nito ay 2020 buwan ng october panahon na ng pandemic. Kung anuman ang mga sinabi mo ay kwento mo yan, kaya lang para sa akin madali lang kasi ang magkwento at ako yung hindi basta-basta naniniwala sa kwento ng walang proof. Kahit sino naman kasi pwedeng sabihin yang kwentong sinabi mo kahit walang ebidensya. Pasensya kana dude ah, pero naniniwala naman ako na madami na talagang natulungan ang bitcoin in terms of pinansyal sa iba't-ibang tao sa buong mundo.