OP, sinabi mo sarili nating crypto, what do you mean by that? Sarili ba nating cryptoCURRENCY or sarili nating BLOCKCHAIN TECHNOLOGY?
Sa tagal ko dito sa forum kahit papaano may natutunan ako ng kaunti about blockchain. Pero kung gagawa tayo ng sarili nating cryptocurrency - sa tingin ko matagal yan, magdedepende na lang yan kung pagiisipan ng ating gobyerno.
Pero kung sa mga malalaking companies, agencies, at kahit sarili nating gobyerno ay pwedeng magamit ang blockchain technology. Halimbawa na lang kung ang voting system natin dito ay gawin thru blockchain, sa tingin mo magagawang i-falsify ang boto ng isang tao?, eh kung i-blockchain din natin mga I.D natin, sa tingin mo ba may makakakopya pa nun?
Kung gagawa ang ating gobyerno ng sariling cryptocurrency, malamang madamin maiiwan sa ating mga mamamayan, gaya na lang ng mga nakatira sa liblib na lugar, o kaya naman sa lugar na walang pampublikong wi-fi. Kaya sa tingin ko, dapat munang unahin ng gobyerno natin na magkaroon tayo ng sariling cryptocurrencies, at isunod ang malawakang pampublikong wi-fi at sarili nating cryptocurrency.
Opinyon ko lang nmn yang pag-isyu ng mga Central Bank ng sariling cryptocurrency. Matagal at marami pang pagdadaanan yan.
Kung malaliman depenisyon, manu-mano, ginagamit na natin ang Blockchain, o ibig kong sabihin ang ledger, hindi nga lang xa digital at pribado. Pero ang paggamit ng teknolohiya sa Blockchain marami tlga ang makikinabang, mas naging madali, mahirap baguhin at pampublikong nakikita.