Pages:
Author

Topic: From Scratch to Sr. Member [ACHIEVED] - page 2. (Read 331 times)

member
Activity: 191
Merit: 32
February 17, 2020, 10:51:00 AM
#2
Nakakatuwang isipin na isang pinoy nanaman ang magrarank up, noong kailan lang may isang pinoy na naging Hero member na si Polar19 ngayon ay may isa nanamang magiging Senior member. Advance congrats sa iyo Debonaire! Totoo nga ang sinabi nila na ang pagkakamali ang isa sa pinaka magandang aral na makukuha natin sa buhay kaya naman ay nakakatuwa na makitang natuto ka talaga dito. Congrats sa iyo Debonaire sana ay patuloy ka pang gumawa ng mga makabuluhang topic sa local boards natin at sa ibang boards.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
February 17, 2020, 10:42:47 AM
#1
Quote
I feel sorry for you, you are sincere, admit cheating with your Alt account.

I marked your Alt account to the four of your accounts and did not mark the account @ Debonaire217.
Because you want to give the best in this forum and want to change going forward.

Keep using the account @ Debonaire217, give the best and obey the Forum rules.
Hopefully you can achieve your dreams.

Every human being must have a mistake, as long as humans want to repent, forgive those who are converted from past mistakes.

Ito ay message ni Yoshie na nag bigay sa aking ng matinding inspirasyon para mag patuloy sa pag likha ng mga post sa ating forum. The day kasi na wala akong merit as in 0, ito yung mga panahon na walang kwenta ang aking mga post at naka aim lamang sa pag bobounty. Unang beses na magkaroon ako ng merit, sobrang saya ko non kasi hardwork talaga yung binuhos ko para makuha yun at sinabi ko sa sarili ko na mag sstick ako sa isang account at babaguhin yung way ko kung pano tignan at gamitin ang forum.

Tandaan, "Kung paano tayo makisalamuha sa Virtual World or Forum, repleksyon ito ng ating tunay na sarili". I admitted my mistakes from the past kaya't pinagbuti ko at pinahalagahan ang account ko na ito at hinayaang mabaon sa red trust ang alts ko.

Right from the start, I see myself na nag kakaroon ng sapat na oras para mag post ng makabuluhan, kumpara sa oras na madami akong account pero walang saysay ang mga post ko. Sana maging isang aral ito sa ating lahat na hindi pa huli ang lahat para mag bago at makamtan ang bagay na ating ninanais. Normal lang na magkamali, pero hindi normal kung hindi tayo matututo sa ating pag kakamali.

Papalapit na ako sa rank ng
Sr. Member na ako at lubos ko itong ikagagalak dahil alam kong pinag hirapan ko ang madami sa aking mga post at sineryoso ko ang buhay ko sa forum na ito.

Gusto kong magsilbi itong aral para sa marami sa atin, lalo na sa mga newbies na huwag madaliin, mag sumikap at patuloy na mag bahagi pa ng makabuluhang post hindi lamang sa ating local board kundi pati narin sa international boards na meron tayo. Nagpapasalamat ako uli sa lahat na nakatulong sa pagiging Sr. Member ko sa hinaharap, at  para maging Hero naman soon.

September 28, 2018 - Present
Special Thanks to Ddmrddmr
Pages:
Jump to: