Pagkakaalam ko bagong management na yan sa ngayon at baka may mga ilan sa board na natira sa FTX at gusto lang i-push ito at nagbabakasakali na makakuha man lang ng danyos sa ginawa ni SBF. Yun nga ang dapat na habul habulin nila kaso nakakulong na imbes na si CZ.
Yun nga daw pero ang hirap na magtiwala sa company nila lalo na sobrang laki ng abala ang nagawa nila sa mga taong loyal sa exchange nila dati. At ewan ko kung may maniniwala pa sa kanila kung e launch nila ulit ang exchange nila since for sure takot na ang mga tao na pagkatiwalaan sila ulit. Kaya siguro naisip din nila na mag kaso sa binance baka sakali may pampuhunan siguro sila sa kanilang pagbabalik. Pero malabo tong posisyon nila at siguro ibabasura lang din to.
Meron pa rin sigurong naniniwala kahit papaano dahil hindi pa rin sila out of business at hintayin natin kung anong next step nila pagtapos na yung claim. Pero mas maganda sana kung mag out of business na lang sila dahil kahit may mga naniniwala pa rin sa kanila, baka magsanhi lang din yun ng greater cost sa operations nila kumpara sa magiging profit nila at seserbisyuhan na kakaunti lang.
To risky na din sa new managementna mag patuloy dahil sa laki ba naman ng issue na kinakaharap nila for sure na wala na halos magtitiwala sa kanila. Kung nagawan lang sana nila ng paraan ang mga problemang kinaharap nila noon baka bigyan pa sila ng chance ng mga tao na mag try gamitin ang kanilang exchange.
Pero tingin ko talaga takot na ang mga tao sumubok sa mga na kompromiso na at malamang dun sila sa mas reputable pa kaysa sumugal pa sa alam nilang sobrang risky.
Hirap na din patunayan yung case na yan kaya malaki talaga ang chance na walang mararating tong ingay na ginawa ng FTX laban sa binance.
Yep, lalo na sa "false signal of strength to the market" na tinutukoy ng FTX to Binance. I doubt kung may enough and strong evidence ang FTX about this, kaya na label ng Forbes ang article na conspiracy. Although i think this is about sa tweet ni CZ na plano na i-liquidate ang FTT holding nila for post-exit risk management nila which is very considerable knowing na pabagsak ng ang token ng FTX, tapus mangsisi sila eh CEO nila may pakana ng misused of customer funds kaya ng file nga sila ng bankcruptsy.
Kaya nga naghanap lang talaga sila ng masisi sa nangyari sa kanila. Pero di nila tiningnan kung sino talaga yung tunay na may kasalanan sa kanilang pag bagsak. Pero ganun paman I think alam naman din ng mga tao lalo na siguro yung mga humahawak sa case na yan na naghahanap lang ng reason ang FTX para may maisising iba sa mga kamaliang ginawa nila.