Pages:
Author

Topic: Gaano ba kakilala sa Pilipinas ang Altcoins? - page 6. (Read 1439 times)

sr. member
Activity: 322
Merit: 252
Meron akong kakilala na nag mine noon ng electroneum tanda niyo pa ba yun? sobrang sikat na altcoin yun noon at maganda ang outcome ng ICO nila https://coinmarketcap.com/currencies/electroneum/ but looking at the charts:

medyo nakakasad, di pa masyado tech savvy yun pero alam niya ang tungkol sa electroneum at hindi pa naman fully immersed at fully embraced ang mga Pilipino sa altcoin at kadalasan sa mga ito, sa umpisa lang maganda ang trading charts, Mas tiwala pa rin sila sa kung ano ang mas sikat at yun ang Bitcoin/Bitcoin Cash/Ethereum/XRP, but if we will talk generally, they will say bitcoin since kadalasan yang sangkot sa mga pyramiding scheme, online jobs etc. at ang reach ng mga ganyang facebook posts umaabot kahit sa mga hindi tech savvy.
hero member
Activity: 1120
Merit: 553
Filipino Translator 🇵🇭
Sa ngayon, masasabi ko na hindi pa ito ganung kilala ng mga pangkaraniwang Pilipino dahil hindi naman ito ipinapakilala ng mga institusyon di gaya ng Bitcoin na kung saan maraming merchandise ang nagsisimula na tumanggap nito at dahil na rin sa mga isyung kinakasangkutan ng mga scammers/hackers na kung saan sila ay nangunguha ng mga Bitcoin sa kanilang mga biktima. Kung susuportahan ng mga social media sites at gobyerno ang mga altcoin platforms, mas magiging open ang ating mga kababayan tungkol dito.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Mas kilala yung bitcoin na term but even someone na nakakakilala rito not exactly know what is the real use case of bitcoin, someone might say "Paano kayo nagkakapera sa bitcoin na yan?", mostly sa mga kunti lang ang kaalaman or just heard that one individual earn through bitcoin ang mga katanungan lang na sumasagi sa kanila ay ang how to earn or how that makes a job for someone.

In regards sa altcoin I guess ang pinakamalapit na makilala dyan ay si Ethereum as the top contender kay bitcoin at mas kilala sa mga dApps or usage of smart contracts pero malabo pa rin AFAIK especially if those individuals are not tech-savvy. My opinion is dito sa Pilipinas makikilala lang yan if "pagkakakitaan" mostly ganyan talaga.  Grin
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
Mahirap sukatin ito, and hinde naman naten talaga alam if they are aware about altcoins or si bitcoin lang ang alam nila. Tulad nalang dito sa forum, mas active and Pilipinas (Bitcoin board) compare sa Altcoins (Pilipinas). Siguro naman aware sila na maraming coins dito sa cryptomarket, hinde lang talaga nila alam masyado kung ano ang functions ng mga altcoins. We can educate them and help them to distinguish bitcoin and altcoins, pero syempre it will take time.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1397
Mas kilala pa talaga sa ngayon ang Bitcoin kompara sa Altcoins dito sa Pilipinas (sa lahat naman sigurong bansa yan).
Sobrang kunti pa lang yan nakakakilala sa cryptocurrencies dito, sa university namin dati, may iba kaming mga teacher na nasabi si Bitcoin. Tapos sa isang subject namin dati, na introduce yung Bitcoin, pero basic lang, tapos may nasali sa exam namin na about sa Bitcoin, pero parang 2 questions lang ata yun.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Mahirap sagutin ang tanong mo kapatid sapagkat wala tayong pagbabatayan na tamang datos kung gaano nga ba kakilala ng mga Filipino ang tungkol sa mga altcoins.
Pero kung sa social media ang pag uusapan lalo na sa facebook ay kaliwat kanan ang mga post tungkol dito at marami din ang nagtatanong kung paano sila magkakaroon nito.

Yun nga din ang nakikita kong problema, I mean not really a big problem pero wala akong nakikita na mga tao na willing magstep up and educate the people about cryptocurrencies. Malamang kung sakaling meron man gagawa nito at siguro gagawa ng mga forums outside bitcointalk o kaya mga group sessions o di naman kaya mas malawak na social media presence tapos magkakaroon ng malawakang mga groups eh siguro mas marami sana makakaalam nito. Tapos yung mga traditional na mga financial gurus at bankers wala rin masabi o public statement medyo ah. Meron siguro mangilanngilan like someone from the Manila Times published an article praising the blockchain technology but came short of mentioning cryptocurrencies.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
Mahirap sagutin ang tanong mo kapatid sapagkat wala tayong pagbabatayan na tamang datos kung gaano nga ba kakilala ng mga Filipino ang tungkol sa mga altcoins.
Pero kung sa social media ang pag uusapan lalo na sa facebook ay kaliwat kanan ang mga post tungkol dito at marami din ang nagtatanong kung paano sila magkakaroon nito.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Marami na bang nakakaalam tungkol dito?
Wala pa yatang survey tungkol dito.

Quote
Pinaguusapan ba ito sa mga Unibersidad? 
Pakilinaw ang tanong. Ibig mo bang sabihin kasama sa curriculum? O sa mga kwentuhan lang ng estudyante?
Kung sa curriculum, hindi ako sigurado sa cryptocurrency pero alam ko meron ng mga blockchain courses na itinuturo sa ibang paaralan. Meron nga ako nabasa na mga nanalong estudyante sa isang international blockchain competition.

Kung sa tamang kwentuhan lang sa labas ng klase, marami din yatang estudyante ang mga airdrop/bounty hunter at signature campaign participants.

Quote
Anong nasabi na ng financial industry tungkol dito?
Pagdating sa mga regular investors sa mga financial markets, hati sa tingin ko ang mga opinyon nila tungkol sa crypto. May isa akong group na sinalihan kung saan nagbabangayan mga no coiners at mga enthusiasts.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Gusto ko sana malaman sa malawakang komunidad ng crypto dito sa bansa natin kung gaano na ba kakilala sa Pilipinas ang crypto? I mean alam ko andiyan ang Coins.ph at Abra at ibang maliliit na kumpanya na gumagamit ng cryptocurrencies pero ang gusto ko malaman ay ang awareness ng common na Pilipino pagdating dito. Marami na bang nakakaalam tungkol dito? Pinaguusapan ba ito sa mga Unibersidad? Anong nasabi na ng financial industry tungkol dito? Sana nga matulungan nyo ko na malaman ang mga ito.
Pages:
Jump to: