Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Matapos kong makita kung papaanong
patuloy na naloloko/nai-scam ang mga user sa pamamagitan ng mga pekeng Electrum wallet sa kabila ng maraming mga anunsyong ginawa sa buong komunidad ng crypto, nagpasyahan kong ibahagi nang libre at madaling paraan na maaaring makatulong sa iyo upang maiwasan ang maloko/ma-scam.
Bakit ito mahalaga?Habang hinahayaan ka ng mga cryptocurrency na maging malaya sa iyong sariling bangko, ito ay may mga responsibilidad upang ma-secure ang iyong mga pondo. Kung ang iyong credit card ay nanakaw, maaari mong tawagan ang customer helpdesk ng bangko. Gayunpaman, sa crypto, sa sandaling ang iyong mga pondo ay nanakae, hindi na ito mababawi.
Paano mag set up ng Google Alerts?Hakbang 1: Gumawa ng Gmail account.1. Pumunta sa
https://www.google.com/gmail/about/2. Piliin ang
Create an account sa pinaka-taas ng kanang bahagi
3. Punan ang may kaugnayang impormasyon
Hakbang 2: Gumawa ng iyong alerts sa Google Alerts.1. Pumunta sa
https://www.google.com/alerts2. Mag-sign in gamit ang iyong email na iyong ginawa sa Hakbang 1 sa pamamagitan ng pag-click sa
Sign In pinaka-taas ng kanang bahagi.
3. I-enter ang klase/uri ng alert na gusto mong gamitin. Ang mga mungkahi para sa uri ng alerts upang lumikha ay ang mga sumusunod.
[Service / Wallet / Coin] + [Scam / Hack] Hal. Electrum hack, Binance hack
Sa kasong ito, nag-type tayo ng Electrum hack.
4. Piliin ang
Show options. Dito maaari mong isaayos ang iyong alert settings. Halimbawa, maaari mong piliin ang madalas na may kaugnayang mga resulta na ipinadala sa iyo. Kung gusto mong baguhin ang email email na pagdadalhan ng alerts, silipin ang seksyon ng pagpapalit ng emails sa ibaba.
5. Piliin ang
Create Alert6. At tapos ka na, ang iyong alert ay nalikha na! Maaari kang gumawa ng iba pang alerts kung iyong nanaiisin.
Ano ang susunod na mangyayari?Kapag may mga kaugnayan na artikulo ang tumutugma sa alerts na itinakda mo ang natagpuan, ipapasa ito sa iyo sa frequency na iyong pinili. Kaya naman, ang mga artikulo na may kaugnayan sa Electrum hacks ay ipapadala sa atin kaagad-agad (batay sa ating setup sa itaas) sa ating email address.
Maaari ba akong magpadala ng aking mga alerts sa aking account maliban sa Gmail?Oo, magagawa ito. Sa hakbang 1, kailangan mo pa ring pumunta sa pahina ng pag-sign up. Gayunpaman, kailangan mong piliin ang opsyon na "use my current email address instead”.
Pagkatapos nito, dapat mong makita ang sumusunod na screen na nagpapahintulot sa iyo na gamitin ang iyong non-Gmail address. Ang lahat ng alerts na iyong gagamitin batay sa hakbang 2 sa itaas ay ipapadala sa address na ito.
Gaaano ka-epektibo ang pamamaraang ito sa pagtulong sa iyo na maiwasan ang mga pagkalugi?Gamitin natin ang Electrum phishing scam bilang halimbawa. Ang anunsyo ng scam tungkol sa Electrum ay ginawa nooong
Disyembre 27, 2018. Maaaring, ang pang-aabuso ay nangyari noon. Ang mga reklamo na ginawa ng mga gumagamit sa forum na ito ay nagsimula din sa panahong noon.
Sa loob ng ilang mga oras, nakatanggap tayo ng Google Alert notification na nagtutukoy na mayroon article ang
Coin Telegraph na pinapaliwanag ang pag-atake sa Electrum.
KonlusyonTiyak na hindi BugBasher82 ang huling tao na nawalan ng crypto sa dahil sa pag-download ng pekeng wallet ng Electrum. Ngunit sana, sa pamamagitan ng pagpapakalat ng awareness tungkol sa kung paano mahahanap ng mga user ang mga scam sa cryptocurrency, mga pagkalugi sa mga user ay maaaring mabawasan ang mga ito sa susunod.
Ano ang iba pang mga pamamaraan ang maaaring makuha upang masubaybayan ang mga scam sa cryptocurrency? Mag-iwan ng komento sa ibaba at i-update ko ang thread para dito.
Source:
https://bitcointalksearch.org/topic/guide-using-google-alerts-to-avoid-getting-scammed-5118417