Orihinal na topic:
https://bitcointalksearch.org/topic/guide-identify-scam-projects-by-hidden-premined-coin-indicator-via-explorer-5120422
Maligayang pagdating sa paksa na ito,
Ngayon, nais kong ipakita sa inyong lahat ang unang hakbang na dapat mong gawin kung nais mong gumawa nang mabilis na pagsisiyasat kung ang Proof-of-Work o Proof-of-Stake na mga proyekto ay scam nga ba o hindi.
Maraming mga indicator ang maaari mong gamitin, ngunit sa paksang ito, ipapakita ko sa iyo ang nangungunang indicator (sa aking opinyon), premined coin figure.
Alin mang uri ng proyekto (PoW o PoS / MN) na kung saan ay intersado ka, bisitahin natin ang kanilang explorer, at i-type ang 1, pagkatapos ay i-enter ito.
Tulad ng isang ito:
Kung nakita mo na may mga premined coin sa search result ng explorer sa block #1, ngunit ang mga pagtutukoy sa coin ay hindi nabanggit sa kahit ano tungkol sa mga premined coin.
Panahon na upang mabilis na tumalon sa konklusyon na ito ay isang may mataas na potensyal na scam na proyekto.
Dapat mong suriing muli ang parehong mga pagtutukoy ng coin sa website ng proyekto at ANN topic upang makita kung nagkamali sila sa presentasyon ng nilalaman o hindi.
Gayunpaman, sa palagay ko ay makakahanap ka ng hindi magkaparehong mga nilalaman sa website at ANN topic kung ang mga developer ay may balak na mang-scam sa mga mamumuhunan.
Halimbawa, bisitahin natin ang unang scam akusasyon ni tranthidung.
[Accusation] Another scam PoS/ MN project, Erotica.
Upang magwakas, kung nalaman mong nagtago ang mga proyekto ng premined coins, dapat mong ihinto ang paghahanap ng higit pa tungkol sa kanila, itigil ang pag-iisip na mamuhunan sa kanila.
Ang ganitong mga proyekto ay may lubos na potensyal na scam na proyekto!
Sa aking palagay, ang pagsuri lamang ng mga premined coin ay sapat na para mag-akusasyon na scam.
Gayunpaman, kung nais mong kumilos nang higit pa, pagmasdan natin ang mga paggalaw ng mga premined coin na iyon.
Kung ang mga developer ay hindi nagbanggit ng anumang bagay tungkol sa mga paggalaw at mga layunin nito, mayroon kang isa pang plus point sa konklusyon na ito ay isang scam na proyekto.
Inirekumendang mga paksa:1)
🌍[Guide] Prevent scam!!! Some useful tools for find scam / fake ICO team 🌍2)
[GUIDES] on Bitcointalk. Index thread (until there is a dedicated subforum?) [Gabay]Tukuyin ang scam na mga pyoekto sa pamamagitan ng tinatagong premined coin indicator gamit ang explorer