Instant citizenship ba to?
Oo, kasi magkakaroon ka ng ambag sa ekonomiya nila kaya parang incentive ito sa mga foreign investors nila. Isa yan sa paraan para magkaroon ng passport nila.
kasi kahit sa malalaking bansa hindi nirerequired ang malaking gastos instead kailangan mo lang patunayan na worth it ka maging citizen
Required pa rin ang malaking gastos kung hindi ka dadaan sa tamang proseso, ang tawad dun ay 'golden visa programs'. Madaming ganyan sa iba't ibang bansa, hindi ka na dadaan sa required na dapat ay 2+ to 10+ years ka na dapat nagstay o nag work ka sa bansa na yun kaya shortcut yan para maging citizen. May mga bansa naman na required ka bumili ng property sa kanila worth $100k+. Kaya kung doon ka sa path na hindi gagastos ng malaki, ang puhunan mo naman ay oras.
at patunayan mo na gusto mo talaga at dedicated ka hindi lang para gastosan ang gobyerno nila kasi paano kung Masamang tao ka na gusto lang magtago sa bansa nila? at dahil sobrang yaman mo eh magagawa mo na maging citizen instantly?
parang may hindi maganda sa motive nitong paraan ng El Salvador .
Ganyan talaga, sabi nga nila. "Money makes the world go round", at hindi na yan bago sa mga procedures kasi kahit nga dito sa bansa natin talamak ang ganitong shortcut para maging citizen.