Hindi masamang mag-invest sa bitcoin, pero mahalaga na hindi natin mapabayaan ang mga bagay na mas mahalaga. Hindi sana masabi ng pamilya natin na wala na tayong panahon para sa kanila. Hindi rin sana natin mapabayaan health natin (either dahil sa pagpupuyat or late kumain o pagaalala dahil sa investment natin.) Sa mga religious, hindi sana masabi ng mga kasama nyo sa church na nagbitcoin ka lang e nawala ka na rin sa mga church activities. Though bitcoin may help us financially, it's not the ultimate point of life.
Sa pag-angat ng cryptocurrency, hindi sana marecord sa history nito na marami siyang nasirang buhay o pamilya.
mga tanga lamang ang mga taong pinababayaan ang sarili dahil sa pagbibitcoin, kasi mismong ako kaya ko naman i handle ang lahat para sa pamilya ko hindi ko masyadong inaabuso ang katawan ko kung alam ko na medyo nanghihina na ako sa kakapuyat bumabawi rin naman ako agad.
Halagad ka brod. Wag naman sana ganyan ang pananaw mo kasi we are all not perfect. Sometimes gaano mo man nasusunod ang lahat ayon sa plano mo dumarating talaga ang time na hnd natin inaasahan tulad ng mga valid na bagay na hnd madaling mag cope up. Syempre ang iba nating kababayan eh hnd naman mapera ba, school, family, activities at minsan may emergency. Mahirap talaga. Hnd natin masabi na wag pabayaan ang sarili kasi minsan sa sobrang gusto mo humanap ng paraan para sa pangangailangan ng pamilya nalilimutan na ang sarili. To the point na may mga napapabayaan na pala. Ito yong realidad na alam ko. Sometimes we neglect our own needs.
Minsan talaga kailangan nating mag puyat at magbigay ng maraming attention sa bitcoin para kumita tayo ng malaki. Pero mahalaga din na magpahinga tayo. Dapat mayroon tayong time management para naman hindi natin mapabayaan ang isang bagay na mahalaga sa atin. Sa case ko pinaghahati ko ang oras ko sa pagbibitcoin at pag aaral, mahirap pero worth it naman. Kunting tiyaga lang at mas mag workhard pa.
Samakatuwid ang time management ay kailangan talaga na masunod upang sa gayon ay walang ma mimiss. Kaso paminsan minsan, sa totoo lang ha, kahit masunod natin lahat ng time management para sa sarili at pamilya may dumarating talagang panira ng ginagawa natin. Okey na lahat tapos yung tipong nagmamadali kana bigla bigla may nangyayaring kakaiba. Na naging dahilan para hnd masunod ang plano.
Siguro ang applicable talaga matutunan natin ang maging flixable sa mga bagay bagay sa buhay natin. Para mahandle din talaga ng tama sa tamang panahon sa lahat ng ginagawa natin.