Hindi naman lahat ng influencer ay nasisilaw sa offer ng mga casino online sa mga social media platform.
Totoo yan at meron pa rin namang mga influencers na lagi nilang sinasabi na hindi sila papatol sa mga offers ng mga casino na magadvertise sa pages nila. Ang kaibahan lang kasi sa mga influencers na ito, ang daming mga bata ang nakakanood sa mga videos nila kaya posibleng sumubok itong mga kabataan na ito dahil sa mga videos nilang may sugal. Di tulad dito sa forum natin, kung meron mang mga menor de edad ay hindi naman ganun kadami hindi tulad sa facebook at social media na sobrang daming mga kabataan na maaaring maimpluwensiyahan ng mga content creators na ito.
Meron pa rin talagang matitino at ayaw makain ng sistema, mga streamer na ginagawang libangan yung pagvvlog at sadyang nakafocus lang sa talagang topic na pinasok nila, buti na lang at may mga taong pang ganito at safe yung mga manunuod kasi kung ano lang yung topic yun talaga ang ibabato ni vlogger/streamer unlike nung mga kinain na ng sistema na kahit wala naman talagang connection eh isisingit at isisingit may mapagkaitaan lang.
Dahil mayroon din akong napanuod na isang influencer sa Facebook na sabi nya inoferan daw siya ng isang casino ipromote lang daw yung casino sa page nya at gumawa lang video ads na pinopromote nya ito.
Per video ata ang bayaran diyan tapos mas maraming followers, mas malaki ang bayad tapos may commission pa kapag maraming napasign at deposit sa affiliate links na inaadvertise nila. Kaya kahit hindi naman nagsusugal yung content creators na ito, basta ilagay lang nila sa videos nila mapa simula o tapos na yung content nila sa video, instant pera na sila.
Yan din pagkakakintindi ko, maliban kasi dun sa ads na binabayaran meron pang mga referal link na pwedeng dagdag kita pa, andaming ganyan ngayon kahit hindi mga streamers, mga social media poster na ang hangad eh magpasign up para kumita sa referal bonus.