Yun nga , nasa kanila na lang talaga kung gagawin nilang open sa public. Pero kung data status lang naman ng mga bilang ng nagtake ng kurso ay okay lang.
Maganda yan para sa mga gusto ng mabilisang na pagsusuri , dahil busy na tayo masyado ay bagay na bagay ang fast phase para sa atin. Sabi mo nga extra knowledge na maidadagdag pa sa ating mga resume. Baka presyo ng fast phase nila ay mataas dahil mas pinabilis nila yung pagtuturo pero kung natural lang na ay mainam din dahil mas maaadopt natin ng maayos dahil may mga taong mabagal makakuha ng kaalaman at kailangan pang ituro ng maayos. Pagpatuloy mo lang yung gusto mo basta alam mong makakabuti , forward lang.
Posible yan na mataas presyo nyan tapos AMA pa. Yung kaibigan ko nag inquire ng pang masteral nila diyan, parang 20k+ daw ang isang semester. Di ko lang maalala kung two sems o trisem.
Ako rin kabayan. Sana nga ay fast phase learning module ito kung saan maraming katulad natin ang mas magiging interesadong kunin ang course na ito. Isa ring maganda way ito para mas maintindihan ng maayos ng mga interesado sa crypto ang buong sistema ng cryptocurrencies. Mas mabuti ito kaysa maghanap lamang sila ng mga random videos at information online, at least sa course na to siguradong tama at may basis ang mga ituturo.
Oo nga kasi sa mga random videos, putol putol ng information at mostly content lang talaga. At ang kagandahan kasi kapag bayad, pahahalagahan mo talaga yung course kasi alam mong nagbayad ka.