Pages:
Author

Topic: GCash is planning to add cryptocurrencies! - page 4. (Read 746 times)

hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Hindi na nakakagulat ang balitang ito, kailangan talagang makipag kumpetensya para mas dumami pa ang users nila. Actually maganda ito para satin kasi meron na tayong alternative na pwedeng gamiting wallet kung sakaling matuloy. Pero sana i consider din nila yung mga altcoins na wala sa coins.ph gaya ng ltc. Anyway magiging mahigpit na kakumpetensya ng coins.ph ang gcash kapag nagkataon, lalo pa ngayon na mas mahigpit si coins sa kyc at account limits.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
This is actually great news especially for someone who uses GCASH at least every day sa mga transactions!

Ang mangyayari lang kasi nyan, added feature lang ang crypto pero I doubt the majority will use it. The advantage is, mas magiging popular si crypto dito sa atin since GCASH has a large user-based. Pero sabi ko nga ayusin muna nila sistema nila at i-orient ang mga support nila na copy paste ang response. Saka iyong ticket aamagin muna from weeks to even months. In terms of convenience, coins.ph pa rin.

Gaya ng sabi ko, magkakaalaman yan sa exchange rates saka associated fees. Kasi kung di magkakalayo sa coins.ph baka di rin maconsider.

We need local companies to adopt cryptocurrency pero sana naman, maganda ang online system nila like Unionbank na very smooth lang ang transactions, mostly den kase sa Instapay nagkakaproblem.

One thing na naiisip ko is, iyong partnered bank nila which is CIMB can consider adding crypto then involved GCASH sa mga crypto-related transaction.

Pero highly business-oriented naman at matalino ang team behind GCASH. I just hope lang na magiging smooth once implemented. Although malayo pa yan. Smiley
full member
Activity: 2128
Merit: 180
If they plan to add cryptocurrency dapat increase nila ang monthly limit ng verified user, Ang 100K per month limit ay bitin or kulang talaga lalo na't GCASH ang best instant payout options sa coins.ph aside from paymaya.
That limit can be more alarming knowing Gcash is also connected with BPI, I’m sure AMLA is watching closely kaya medyo mahihirapan. Maraming bad experiences na ako kay Gcash and even if they accept cryptocurrency I don’t think gagamitin ko sila, P2P is a great option for me right now pero since local company ang Gcash, maganda paren ang effect nito para sa atin.
Madalas talaga ang delay sa GCASH and if you're to visit their FB page, makikita mo doon na puro reklamo and nagfofollow ng funds nila kaya medyo nakakatakot mag transact ng malaking pera sa GCASH especially pag cryptocurrency yan kase for sure, subject for validation pa yan. We need local companies to adopt cryptocurrency pero sana naman, maganda ang online system nila like Unionbank na very smooth lang ang transactions, mostly den kase sa Instapay nagkakaproblem.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
If they plan to add cryptocurrency dapat increase nila ang monthly limit ng verified user, Ang 100K per month limit ay bitin or kulang talaga lalo na't GCASH ang best instant payout options sa coins.ph aside from paymaya.
That limit can be more alarming knowing Gcash is also connected with BPI, I’m sure AMLA is watching closely kaya medyo mahihirapan. Maraming bad experiences na ako kay Gcash and even if they accept cryptocurrency I don’t think gagamitin ko sila, P2P is a great option for me right now pero since local company ang Gcash, maganda paren ang effect nito para sa atin.
hero member
Activity: 2282
Merit: 795
This is actually great news especially for someone who uses GCASH at least every day sa mga transactions!

The convenience lang na binibigay ni GCASH, its interface and interconnectivity makes it really easy for me to purchase BTCs. Question is, magkakaroon din ba ng sariling wallet si GCASH parang coins.ph or bibili ka lang BTC tapos i-tratransfer ito sa third-party na wallet?

Well regardless, sobrang convenient lang nito given the fact na madami din ang gumagamit ng GCASH. Hindi lang convenience mabibigay nito pero pati exposure sa mga tao na reluctant pa mag-try na mag purchase ng cryptocurrency. Baka ito na nga yung push na hinahanap nila para subukan i-try mag invest!
hero member
Activity: 1316
Merit: 514
If they plan to add cryptocurrency dapat increase nila ang monthly limit ng verified user, Ang 100K per month limit ay bitin or kulang talaga lalo na't GCASH ang best instant payout options sa coins.ph aside from paymaya.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Gusto ko maging masaya pero di ko magawa dahil sa unang part pa lang ng article ay ito na ang mababasa:
Quote
Mobile wallet GCash is exploring the possibility of adding cryptocurrency to   its growing portfolio of financial products and services.

Nagkaroon sila ng interest pero di pa sure if idadagdag nila talaga ito. Di na rin ako na surpresa knowing na trending na ang crypto sa buong mundo ay malaki ang chance na magkakainterest din sila na idagdag ito. Ayoko munang maexcite or at least subaybayan ito dahil if idadagdag talaga nila ay malalaman naman natin kaagad. Sa ngayon ay pinag iisipan pa lang nila so di pa sure Smiley.

Kalma lang muna tayo Smiley
Kabayan , Siyempre kumukuha sila ng feedback from the whole community not only from crypto but the whole Gcash users.
Hindi sila susugal na I add ang crypto kung para lang sa ating mga users kundi para din sa mga hindi users na pwedeng maakit at maniwala at magtiwala.

Ganyan naman lahat ng negosyong sisimulan kumbaga eh case study palang and nag susurvery sila pero malaki ang opportunity na i add nila pag hindi lumampaso ang rpesyo ng bitcoin pabagsak.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Ako dalawang beses palang naman ako nakaranas sa pag gamit ng kanilang help center and via email. Yung una ay halos inabot ng dalawang linggo ng gumawa ako ng new account, pag transfer ng balance galing sa lost account at pag re-link ng mastercard.

Yung pangalawa naman ay yung pag ayos ng bill payment na inabot ng 5 days.

Oo, medyo may kabagalan nga ang support nila at kailangan mag follow up araw-araw para lang ma up yung concern mo kung need mo talaga maayos ng ASAP.

Naintindihan ko naman kasi may proseso talaga at hindi lang naman ako ang nagkokontak sa kanila.

Sinabukan ko ngayon para sana magtanong doon sa GInvest sa old account ko, kaso walang available na agent.

Regarding naman sa mga naii-scam o hacking, majority ay ang mga users lang naman ang may fault dahil sa nagtitiwala sila agad sa mga offers online kahit hindi naman nila kilala at dahil na rin sa lack of knowledge pagdating sa security ng kanilang account.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357

Dinudumog nga sila ng sandamakmak na problema sa current system nila tapos mag-add pa sila ng cryptocurrencies.  Cheesy

Sa mga scam-related issues, wala pa akong narinig na solved cases. Ang gaan ng KYC kaya ang daming scammer, wala na-tratrace. Tapos ito pa, minsan gamit ko ang GCASH pag nagbabayad sa mga grocery stores tapos sobrang nakakahiya kapag nagkaproblema on the way tapos kamot ulo iyong mga kasunod mo sa pila. Take note, halagang wala pa sa Php 1,000 yan.

No offense but iyong support nila is mapapamura ka talaga kahit anong hinahon mo. Puro copy paste ang reply sa iyo tapos kapag follow-ups magsisimula na naman sa umpisa ang kwento. Majority ng support nila di ko alam kung talagang seryoso sa trabaho. Proven and tested yan sa 3 times na nakipag exchange email ako sa kanila. Simpleng problema aabuting ng several months bago ma-solve.

Siguro ang maganda lang dyan is magkakaroon ng another competition si coins.ph pagdating sa service at iyong gusto ng lahat, EXCHANGE RATES.
Totoo ito, ang panget ng system nila compare to other online platforms na meron tayo ngayon, and recently lang naranasan ko den yang delay na yan sa pagtransfer ng pera, buti nalang maliit na transactions lang. Maganda talaga na mapaganda pa nila yung system nila, pag if ever na magfully support sila sa cryptocurrency, maging smooth na ang transactions, sa ngayon ay plano palang naman at wala pa kasiguraduhan, let's see kung mangyayare.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game

Dinudumog nga sila ng sandamakmak na problema sa current system nila tapos mag-add pa sila ng cryptocurrencies.  Cheesy

Sa mga scam-related issues, wala pa akong narinig na solved cases. Ang gaan ng KYC kaya ang daming scammer, wala na-tratrace. Tapos ito pa, minsan gamit ko ang GCASH pag nagbabayad sa mga grocery stores tapos sobrang nakakahiya kapag nagkaproblema on the way tapos kamot ulo iyong mga kasunod mo sa pila. Take note, halagang wala pa sa Php 1,000 yan.

No offense but iyong support nila is mapapamura ka talaga kahit anong hinahon mo. Puro copy paste ang reply sa iyo tapos kapag follow-ups magsisimula na naman sa umpisa ang kwento. Majority ng support nila di ko alam kung talagang seryoso sa trabaho. Proven and tested yan sa 3 times na nakipag exchange email ako sa kanila. Simpleng problema aabuting ng several months bago ma-solve.

Siguro ang maganda lang dyan is magkakaroon ng another competition si coins.ph pagdating sa service at iyong gusto ng lahat, EXCHANGE RATES.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Knowing na favored by a lot of Filipinos si Gcash, hindi na nakakagulat na papasok sila sa crypto space. It was just a matter of time bago nila i-announce ito, at paniguradong may mga R&D na silang ginagawa sa integration ng cryptocurrencies sa existing framework ng financial services nila. Medyo malaking pagbabago ito considering na hawak ni coins.ph ang majority ng crypto market sa Pinas, and Gcash being recognized and known by a lot, e baka malipat ang atensyon ng tao sa platform na mas sanay at subok na nila.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Patay na kung ganun, pumasok na ang Gcash na higante sa payment system pumasok na sa crypto kung magkakataon mahihirapan na ang coins.ph at abra sa kumpetisyon sa crypto. I mean kung sino maghahari sa crypto app dito sa Pilipinas. Higante na ang Gcash sa fiat eh tapos dagdagan pa niya ng Bitcoin at ETH. Paano kaya kung ibang coins ang idagdag niya tulad ng Cardano at Litecoin? Sana naman kahit yung mga ibang lesser known crypto iadopt rin niya.
Possibility palang pero wala pang kasiguraduhan kung papasukin nga nila ang mundo ng cryptocurrencies. Remember na mas nakaaangat parin yung coins.ph rito consider na nga na matagal na sila sa larangang ito compare sa Gcash na afaik talagang fiat lover, just my two cents. Not to expect that much pero sa tingin ko hindi ito agaran na mag adopt agad sa ibang coins possible talaga rito yung Bitcoin muna or ETH.

Sa tingin ko hindi naman mahihirapan yung coins.ph dito o Abra kasi nakadepende parin yan sa scalability ng bawat kompanya. Ang inaasahan kung kompetisyon talaga rito ay yung daily/monthly cash in/out rito kung sakali mang mag adopt yung gcash baka kasi lumiit ito kumpara sa nararanasan natin ngayon lalo na sa mga fully verified or link with bank. https://help.gcash.com/hc/en-us/articles/360021112894-What-are-my-Wallet-and-Transaction-Limits-

Isa pa yung mga tao hindi sa kung saan patok doon sila ang mangyayari rito ay may trade-off pipili talaga yung tao kung saan yung mas mura, Pinoy pa hindi yan papahuli sa mga ganyan mapa-crypto enthusiast pa yan.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Wow!!! I mean massive adoption is real na talaga!

Source: https://www.philstar.com/business/2021/05/31/2101925/gcash-eyeing-cryptocurrency

Dahil konte lang talaga ang regulated crypto wallets dito sa Pilipinas like Coins PH, Abra, etc., nag step up na si GCash! Sigurado ako na si BTC at ETH included na dyan, pero yung gusto ko talaga is ma support nila ang USDT balance (TRC20) dahil wala nyan si Coins PH at Abra.

Anu masasabi nyu dito guys?

Patay na kung ganun, pumasok na ang Gcash na higante sa payment system pumasok na sa crypto kung magkakataon mahihirapan na ang coins.ph at abra sa kumpetisyon sa crypto. I mean kung sino maghahari sa crypto app dito sa Pilipinas. Higante na ang Gcash sa fiat eh tapos dagdagan pa niya ng Bitcoin at ETH. Paano kaya kung ibang coins ang idagdag niya tulad ng Cardano at Litecoin? Sana naman kahit yung mga ibang lesser known crypto iadopt rin niya.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Still waiting sa real deal na talaga pero rumors turns to reality ika nga ng iba. Hindi na nga ako gaanong gumagamit ng coins.ph ngayon kundi mismong Binance > Gcash na kasi marami namang merchants talaga sa Binance na Ang pangunahing gamit sa palitan ay Gcash.

Napakagandang balita nga ito lalo na sa Pinoy na mga crypto enthusiasts, hoping na maging successful sila at hoping din na maging magaan sila sa fees.
hero member
Activity: 2814
Merit: 553
This will be a good news kung e tutuloy nga nila.
Para naman magkaroon ng malakas na kompetensya itong si Coins.ph medyo masakit na din kasi sa bulsa ang kanilang fees and conversion rate.
Madami na din kasi gumagamit ng Gcash at mostly ang mga merchants ay tumatanggap na ng bayad mula sa Gcash. So, it'll make us save a few bucks sa pag ta-transfer ng fund mula sa Coins to Gcash.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Yeah, open naman ang Gcash na idagdag sa platform nila ang crypto, yun nga lang ay wala pang final decisssion kung kelan ito o kung talagang idadagdag nila.

Sana nga ay matuloy para direkta na sa Gcash ang mga crypto natin tulad ng XRP na hindi na kailangan idaan sa Coins.ph.

Simula noong naumay ako sa mataas na conversion rate ng Coins ay mas madalas ko na talagang gamitin ang Gcash. Siguradong tataas ang porsyento ng mga users nila at ang magkakaroon ng awareness tungkol sa crypto dahil sa mga datihang Gcash users na wala pang alam sa crypto.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
They first agreed to Binance P2P platform so para sa akin hinde na ito bago, expected na ito since they are slowly supporting Cryptocurrency. I also like the idea of USDT sa local wallet naten since wala pa nga ito and marame naman den prefer ang USDT because of a lower fees. Sana ay maayos den ang platform ng GCASH since medyo nagkakaproblem din ito, at sana mas maraming way pa to cash-in sa gcash masyado na kase malaki ang fees sa 7-eleven.  Cheesy
full member
Activity: 798
Merit: 104
maganda ang plano ng Gcash na mag upgrade into cryptocurrency ang kanilang platform dahil nga siguro nakita nila na dumadami ang gumagamit nito sa pagtransact ng pera nga galing sa pagcrypto through investment at iba. Kaya malaking potential itong mangyari kahit na nakapartnership sila para sa ganung paraan ay matutukanan nila ng husto ang development sa paggawa nito.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Wow!!! I mean massive adoption is real na talaga!

Source: https://www.philstar.com/business/2021/05/31/2101925/gcash-eyeing-cryptocurrency

Dahil konte lang talaga ang regulated crypto wallets dito sa Pilipinas like Coins PH, Abra, etc., nag step up na si GCash! Sigurado ako na si BTC at ETH included na dyan, pero yung gusto ko talaga is ma support nila ang USDT balance (TRC20) dahil wala nyan si Coins PH at Abra.

Anu masasabi nyu dito guys?

The fact na interesado sila sa cryptocurrency ay ibig-sabihin nito ay talagang na a-acknowledge na nila ang kakayahan ng cryptocurrency. Only a matter of time nlng talaga bago nila i-implement itong gantong serbisyo. Imagine nalang talaga natin, millions of Filipino ay ma-iintroduce sa Bitcoin or cryptocurrency in general.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse

Jump to: