Ask ko lang po? May bisayan thread po ba dito sa forum. Honestly nahihirapan kasi ako mag construct ng mahaba na tagalog na post o reply. Baka kasi sabihin na spam. Pag lenguahe kasi namin mas magiging madali sa mga katulad ko. Tanong ko lang po sir. Thank you po in advance.
Walang bisayan forum dito, general local board na ito. Pangkalahatan dito tayo, halo halo kumbaga, bisaya, ilocano at iba pang mga native na mga Pilipino. Basta ang universal language na ginagamit natin dito ay wikang Pilipino. Hindi mo naman din magconstruct ng mahaba na tagalog post, ang kailangan mo lang precise at maayos yung sentences mo, nauunawaan at on topic.
OK po at maraming salamat sa pagsagot sa aking katanongan. Cge po at tatandaan ko ang inyong minungkahi. Maganda din po cguro ito ng mahasa ang pagtatagalog ko.
Walang anuman pero malay natin kapag sobrang dami na ng forum members na mga pinoy dito. Pwede naman mag suggest sa mga admin dito o moderator kaso sa tingin ko hindi yun ang magiging main concern nila kasi parang as a whole na tayo dito.