Parang magandang ideya yan sa mga tulad nating consumers at customers kasi walang data na maitatabi yung mga sellers. Ang nangyayari kasi, siyempre sila bilang sellers at negosyante, nirerecord nila lahat ng mga detalye natin kasama pangalan, contact nos. at iba pang mahahalaga detalye kaya sila nagkakaroon ng sariling data at database nila galing sa mga customers nila ng voluntary lang kasi nga required yun kapag bibili ka sa online stores nila. Parang decentralized market ang mangyayari kapag ganito at nakita ko nga sa mga videos na galing sa dark web/marketplace na pwede yung ganito, hindi mo malalaman sino ang seller at sino din ang buyer pero may mga pros at cons nga din naman yung ganito.
Yun na nga po. Kagaya ng sinabi ko sa itaas may peligro ding kasama ang pakikipag transact kaya hinihikayat parin ang sinumang nakilahok o balak makilahok na isaisip ang mga potensyal na peligro. Naisipan kong gawin ang thread na ito para narin ma aware ang ating mga kababayang baguhan pa lamang sa larangang ito at hindi masyadong kilala ang ganitong klasing pangangalakal.
Tumataas na din kasi ang percentage ng mga kabayan nating gumagamit ng cellphone at medyo madali narin ang pag access ng internet. Isa sa mga rason din kung bakit ko ito naisipang i-post ay dahil, nung nakaraang linggo may nakita ako sa internet (tiktok shorts) tungkol sa ghost commerce at nanghihikayat ito sa mga manonood na subukan dahil nga isa itong epektibong pamamaraan upang kumita online, alam ko naman na iisipin agad ng ating mga kababayan na magandang oportunidad ito. Sa katunayan nung nagbabasa ako sa mga comments doon halos lahat ng andun ay puro mga pinoy at sinasabi nilang
"how?", at
"is it available in the Philippines?". Ayoko din namang paulit ulit nalang nabibiktima ang ating mga kababayan o kaya'y para narin ma aware sila na meron parin itong dalang peligro at huwag sila basta-basta nalang pasok ng pasok para lamang kumita.