Pages:
Author

Topic: ginamit nanaman ang crypto sa kasamaan - page 3. (Read 517 times)

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
December 13, 2023, 08:48:59 AM
#12
Nakakainis kapag may ganitong balita, hindi lang tungkol sa crypto kundi pati na rin na ginagamit yung bansa natin nitong mga masasamang taong ito. Alam natin na may mga masasamang balita din sa ibang bansa pero kapag nakikita natin sa headlines ng international news ang bansa natin tapos kidnapping pa, scams at kung ano anong mga ilegal na activity, hindi nakakaproud to be pinoy. Parang kapag normal na pera ang gamit parang normal lang na nangyayari pero kapag bitcoin o crypto ang gagamitin para sa ransom parang masama na pera lang ang crypto sa mata ng mga nagbabasa.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
December 13, 2023, 07:59:06 AM
#11
at lalo lang maging masama ito sa imahe ng ating mga kababayan at gobyerno,
~Snipped~
Anung masasabi ninyo dito mga kapinoy Btt?
Nakakalungkot naman basahin ito... May point ka kabayan, pero it's worth noting na mas grabe o mas marami pa ang mga crime na nangyayari gamit ang tradisyonal na pamamaraan at gayon pa man, marami pa ring tao ang gumagamit ng mga yan!
full member
Activity: 2590
Merit: 228
December 13, 2023, 07:36:02 AM
#10
Unfortunately sa mga kidnapper hidi sila gumamit ng mga tools para ma anonymize ang kanilang transaction o kay ay panlansi para di ma trace ang flow ng transaction ng Cryptocurrency na ginamit na ransom,
Quote
"The analysis conducted subsequently successfully traced the flow of the cryptocurrency transactions, which were transferred to an unregistered exchange in Malaysia."Information received from that exchange disclosed the identities of six foreign persons who are now being investigated," he said at the CCID headquarters today.

Kaya malamang ma prosecute at ma convict sila sa crime na ginawa nila, sa tingin ko hindi naman malalim ang kaalaman ng mga kidnappers sa Cryptocurrency at na trace pa rin sila, sa ngayun ang paggamit kasi ng Cryptocurrency ay nagiging tools na para sa mga kidnaper para hindi na kailangan na masundan pa sila kung mano mano, nasa galing na lang ng mga cyber police kung paano ma trace ang flow ng transaction.
Akala siguro nila pag Decentralized exchange eh safe na sila pero mukhang malupit ang cyber team ng malaysian government at natin para makausap ang exchange na ilabas ang pagkakakilanlan ng mga naturang tao.
yari sila now dahil traced na pala sila .masakit lang sa pinas pa to nangyari , malamang monitored  na tong victim sinundan nalang .
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
December 13, 2023, 07:23:55 AM
#9
Nakakabahala and at the same time ay nakalulungkot  nga ang balitang ito. Ang technology na sana'y makakatulong sa ating pang-araw-araw na buhay ay ginagamit pa sa masamang paraan, another bad image sa cryptocurreny at lalo na sa mga Pilipiino. Hindi lang ito isang isyu para sa kung sino man ang biktima, kundi pati na rin sa pangalan ng ating bansa. Kaya ako mas gusto kong lowkey na lang, ayaw ko na madagdagan yung mga dating nakakaalam na nasa crypto space din ako.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
December 13, 2023, 06:47:09 AM
#8
Unfortunately sa mga kidnapper hidi sila gumamit ng mga tools para ma anonymize ang kanilang transaction o kay ay panlansi para di ma trace ang flow ng transaction ng Cryptocurrency na ginamit na ransom,
Quote
"The analysis conducted subsequently successfully traced the flow of the cryptocurrency transactions, which were transferred to an unregistered exchange in Malaysia."Information received from that exchange disclosed the identities of six foreign persons who are now being investigated," he said at the CCID headquarters today.

Kaya malamang ma prosecute at ma convict sila sa crime na ginawa nila, sa tingin ko hindi naman malalim ang kaalaman ng mga kidnappers sa Cryptocurrency at na trace pa rin sila, sa ngayun ang paggamit kasi ng Cryptocurrency ay nagiging tools na para sa mga kidnaper para hindi na kailangan na masundan pa sila kung mano mano, nasa galing na lang ng mga cyber police kung paano ma trace ang flow ng transaction.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
December 13, 2023, 04:38:24 AM
#7
Isang balita nga nanaman ang maaring makapagpasama sa crypto
isang malaysian ang nakidnapped dito sa pilipinas kung saan ay humingi ang mga kidnapper ng ransom via crypto currency.
nakakabahala ito dahil maari din itong mangyari sating mga kababayang pilipino, kapag nalaman ito ng ibang mga msasamang loob
at lalo lang maging masama ito sa imahe ng ating mga kababayan at gobyerno, natagpuan daw ang katawan ng nasabing malaysian
kung saan nagmmatch daw ito sa discription ng tao,
Anung masasabi ninyo dito mga kapinoy Btt?
https://www.nst.com.my/news/crime-courts/2023/12/989089/malaysian-kidnapped-manila-ransom-paid-cryptocurrency-body-found

Since 2017 sira naman na ang cryptocurrency o bitcoin sa ating bansa sa karamihang mga pinoy, meron pabang bago sa ganyang balita? Kahit maging sa hinaharap na paparating ay magagamit parin naman ang cryptocurrency sa kasamaan sa totoo lang. Mawawala lang yan kung mawawala din ang mga taong masasama sa mundong ito.

Kaya lang imposibleng mangyari naman yun dahil kung merong mabuting tao tiyak din na nandyan ang masamang tao. Ang kailangan talaga ay maenhance ng tama at maayos ang paghuli sa mga ganyang klaseng mga tao na gumagawa ng masama sa cryptocurrency.
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
December 13, 2023, 04:32:58 AM
#6
Isang balita nga nanaman ang maaring makapagpasama sa crypto
isang malaysian ang nakidnapped dito sa pilipinas kung saan ay humingi ang mga kidnapper ng ransom via crypto currency.
nakakabahala ito dahil maari din itong mangyari sating mga kababayang pilipino, kapag nalaman ito ng ibang mga msasamang loob
at lalo lang maging masama ito sa imahe ng ating mga kababayan at gobyerno, natagpuan daw ang katawan ng nasabing malaysian
kung saan nagmmatch daw ito sa discription ng tao,
Anung masasabi ninyo dito mga kapinoy Btt?
https://www.nst.com.my/news/crime-courts/2023/12/989089/malaysian-kidnapped-manila-ransom-paid-cryptocurrency-body-found

Parang noon pa naman nadadawit sa masamang gawin ang crypto lalo na siguro sa panahon ngayon na tumataas na ang value ng bitcoin. Siguro ang nasabing malaysian ay talagang minanmanan or baka kakilala lang din nila ang kidnapper kasi paano malalaman na may bitcoin or any crypto investment ang mga taong nakapaligid sa biktima?
member
Activity: 463
Merit: 11
SOL.BIOKRIPT.COM
December 13, 2023, 03:45:43 AM
#5
Hindi na bago yung mga ganitong style, meron pa nga noong unang binalita ang crypto noon way back 2017 tas pagkalipas ng ilang buwan may balita na patungkol sa mga scam na sangkot ang crypto, ginagamit yung pangalang Bitcoin noon para makapanghikayat ng mga taong wala gaanong alam noon sa crypto. Kaya hindi na rin nakapagtataka na mauulit ito dahil nag eevolve ang mga scammers. Talaga namang madali manloko kapag ang mga target mo e yung mga walang alam tas pakitaan mo lang yan ng numbers mahihikayat mo na yan. Talagang ibayong kaalaman ang dapat ibaon sa mga ganitong sitwasyon, dapat nagiging maalam na tayo sa mga bagay-bagay dahil yung internet ang dali na magamit ngayon, hindi tulad noon na wala namang madaling way para makapag internet.
full member
Activity: 2170
Merit: 182
“FRX: Ferocious Alpha”
December 13, 2023, 03:14:19 AM
#4
Isang balita nga nanaman ang maaring makapagpasama sa crypto
isang malaysian ang nakidnapped dito sa pilipinas kung saan ay humingi ang mga kidnapper ng ransom via crypto currency.
nakakabahala ito dahil maari din itong mangyari sating mga kababayang pilipino, kapag nalaman ito ng ibang mga msasamang loob
at lalo lang maging masama ito sa imahe ng ating mga kababayan at gobyerno, natagpuan daw ang katawan ng nasabing malaysian
kung saan nagmmatch daw ito sa discription ng tao,
Anung masasabi ninyo dito mga kapinoy Btt?
https://www.nst.com.my/news/crime-courts/2023/12/989089/malaysian-kidnapped-manila-ransom-paid-cryptocurrency-body-found
Para sakin ? paborable pa nga to sa crypto lalo na sa atin kasi alam naman nating likas na Chismoso or maraming Marites sa Pilipinas so paraan na din to para mas ma curious at magsaliksik mga tao about cryptocurrency  lalo na sa Bitcoin na magiging daan din para malaman ng mga tao kung masama pa talaga to or napapasama lang dahil nagagamit ng mga kriminal.

isa pa madami sa ating mga Pinoy ang naghahanap ng may privacy na paglalagakan ng Pera nila , added pa ang chances na tumaas ang value na mas malaki comparing to Banking or other investments?

Kaya wag mo ikabahala to mate instead look at the bright side , kung ano talaga ang maidudulot nito sa mundo ng crypto sa mga susunod na araw.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
December 13, 2023, 02:41:27 AM
#3
Isang balita nga nanaman ang maaring makapagpasama sa crypto
isang malaysian ang nakidnapped dito sa pilipinas kung saan ay humingi ang mga kidnapper ng ransom via crypto currency.
nakakabahala ito dahil maari din itong mangyari sating mga kababayang pilipino, kapag nalaman ito ng ibang mga msasamang loob
at lalo lang maging masama ito sa imahe ng ating mga kababayan at gobyerno, natagpuan daw ang katawan ng nasabing malaysian
kung saan nagmmatch daw ito sa discription ng tao,
Anung masasabi ninyo dito mga kapinoy Btt?
https://www.nst.com.my/news/crime-courts/2023/12/989089/malaysian-kidnapped-manila-ransom-paid-cryptocurrency-body-found

Wag kang mabahala dyan dahil isolated cases lang yan at di parin yan makakatinag sa kasalukuyang pananaw ng mga taong nakakaalam kung ano ba talaga ang bitcoin dahil kahit anong currency din naman ay nagagamit talaga sa mga illegal na aktibibad. Sadyang mas gamit na gamit lang talaga si bitcoin ngayon dahil sya ang sikat at tsaka maaari pang maka takas ang kriminal sa kanilang ginawa dahil may mga paraan para hindi sila ma trace kapag bitcoin ang ginamit nila para sa kanilang illegal na transaksyon.

Marami na ding iba't - ibang kremin ang naganap na ginamit ang bitcoin pero tingin ko di naman siguro to magkakaroon ng masamang epekto ito dahil mas matimbang parin ang mabuting dulot ng paggamit ng bitcoin dahil sa dami ba naman ng opportunities or benefits ang pwedeng makuha ng mga lehitimong tao na gagamit nito.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
December 12, 2023, 11:51:19 PM
#2
Para sakin ay matagal nang sira ang reputasyon o tingin ng ibang mga walang alam sa cryptocurrency lalo na sa Bitcoin dahil nagagamit ito sa ilang mga ponzi scheme, terrorist funding activities, money laundering at iba pang illegal na aktibidades. Ganunpaman ay hindi natitinag ang Bitcoin o ang cryptocurrency communities sa mga ganitong uri ng balita dahil na rin siguro sa hindi na ito bago sa pandinig but there are still knowledgeable people na higit na mas nakaintindi about crypto na patuloy na gumagamit at itinataas ang bandila ng crypto.

full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
December 12, 2023, 09:40:32 PM
#1

Jump to: