At sa nakikita ko na Presidente ng bansa sa buong mundo ay bukod tangi lang itong si Trump ang nakikita kung mainit ang paniniwala sa Bitcoin, at sana nga ay gawin nyang lahat ng kanyang mga binitawang salitang pangako during the campaign na ginagawa nya ngayon, dahil talagang malaking balita at impact ito sa ating lahat ng mga crypto community.
Reference: https://www.kitco.com/news/article/2024-07-19/bitcoin-us-reserve-currency-trump-team-reportedly-considers-adding-btc?
This can be a political ploy. Hindi ako gaanong aasa na mapupush ang planong ito pagkananalo si Trump. At saka parang sobrang advance naman yata ng title mo @OP hehehe. Isa pa lang sa mga list to push ang sinasabi mo kung sakaling manalo si Trump. Saka ang alam ko marami pang pagdadaanang mga proseso iyan at maaring baka tapos na ang termino ni Trump after nya manalo ay hindi pa umuusad iyong bill for that.
I hope na mapatupad ito ni Trump kapag nanalo siya, even though nakikita ko na isa itong political strategy para makuha ang boto ng mga pro Bitcoins community, isang malaking push sa value ng Bitcoin and at the same credibility ng market if mangyari nga na kilalanin at gawing reserve asset ng US of A ang Bitcoin.