Ang topic na makakatulong sayo sa paggawa ng thread, basahin na!
|| Guide sa Paggawa ng Thread sa Philippines Local Board ||
Sa Paggawa ng Title
IntroductionAlam naman natin ang title ang una nating nakikita kapag napapadalaw tayo sa isang section. So dapat ang thread's title ng iyong topic ay makakaakit ng mga taga-basa na iyong hinahanap at para na rin mabilis maalala ng isang miyembro ang iyong title na ginawa kung sakali man gagawin niya itong reference sa panibagong topic. Ang paggagawa ng magandang title ay nagpapakita rin ng pagiging standard at malinis na local board.
Ang tamang title format ay dapat ganito:[CATEGORY NG IYONG THREAD] TITLE NG IYONG THREAD.Ang pula ay ang kategorya ng iyong thread
Ang asul naman ay ang title para sa iyong thread.
Ang ganitong klaseng pamamaraan ay maii-apply sa ganito:- [ASK] Patulong gumawa ng wallet sa coins.p.
- [DISCUSSION] Totoo ba talaga na tataas ang bitcoin?
- [NEWS] Ang presyo ng bitcoin ay tumaas
Mga kategorya ng threads na pwede mo pang magamit.- [QUESTION] = Ang nilalaman ng content na ito ay mga katanungan tungkol sa pag-resulba ng iyong problema.
- [TUTORIAL] = Ang nilalaman ng content ay pagtuturo, halimbawa na lamang niyan ay ito - [TUTORIAL] Paano gumawa ng SIGNATURE using BBCodes
- [DISCUSSION] = Ang nilalaman ng content ay diskusyon patungkol sa topic na ginawa ng OP. Ang paggawa ng mga discussion thread ay dapat self-moderated upang ma-monitor ang mga reply ng ating mga kababayan na hindi naman related sa topic. Kadalasan ang mga reply ng iilan sa atin ay hindi kapakipakinabang, gusto lang i-bump ang thread, at higit sa lahat ay ang pag-shitposting.
- [RULES] = Naglalaman ng content na ito ay mga rules sa ating forum.
- [GUIDE] = Ang nilalaman ng content na ito ay mga guide upang matuto tayo sa iisang bagay bago natin ito gawin, halimbawa na lamang niyan ay ito - [Guide] Ang Bitcointalk Merit System
- [NEWS] = Naglalaman pa-tungkol sa ating forum o sa kahit anong balita na pwede mong ipahayag sa ating mga kababayan.
- [HELP] = Ang nilalaman nito ay mga bagay na gusto mong malaman patungkol sa pag-aayos ng profile sa forum.
- [REQUEST] = Ang nilalaman nito ay ang paghihingi ng tulong sa ating mga kababayan.
- [GAMBLING], [GAMES], [SHARE], [INFOGRAPHICS] and more.
Kung ang mga kategorya na naiisip mo ay wala dito, maaari mong i-reply o i-message sa akin upang aking maidagdag dito.
Mga mabuting bagay na maidudulot ng paglalagay ng maayos na title.- Sinimulan na ng iilan sa atin ang paglilinis ng local board kaya naman mas mapapadali ang paghahanap ng mga shitposters, katulad na lamang sa thread ng DISCUSSION ay makikita natin kung sino ang mga nag-rereply ng mga hindi kaaya-ayang sagot.
- Mas magiging malinis ang ating local board at maipapakita natin na disiplinado ang mga pinoy.
- Maganda sa paningin at mapapadali ang pag-browse ng mga threads na gusto mong basahin.
- Karamihan sa atin ay hindi marunong maglagay ng title, kadalasan ay may mga clickbait title at ito ay nakakasayang ng oras sa iilan.
Update sa ating local board ngayon:Imo, hindi maganda sa paningin na basta basta nalang tayo gumagawa ng title. Mas maganda kapag organized ang mga thread title para hindi na rin tayo mahihirapan sa mga topic na gusto nating basahin. Katulad na lamang ako na mahilig magbasa sa mga discussion na ginagawa niyo, mas mapapadali nalang dahil pipindutin ko nalang ang may
[DISCUSSION] na category.
Ang Tamang Format ng OP
Ang OP or original post ay ang unang makikita kapag pinindot mo ang isang thread. Ito ay nasa pinaka-una at doon magsisimula ang diskusyon sa thread. Ang OP ay dapat nagpapahayag ng kanilang objectives bakit nila ginawa ang thread na iyon. Karamihan sa atin ay gumagawa nalang din ng thread dahil para masabing may post sila.
May mga nakikita akong thread na nagcocopy paste lang ng mga topic sa web at lalagyan lang ng source, so anong purpose mo bakit mo na-share yon?
Katulad nga ng sabi ni @
o_e_l_e_o sa aking thread sa meta about
infographic stealing.
Simply copy and pasting someone else's work, adding nothing of your own, and slapping a reference link on the bottom, whilst not plagiarism is pretty low behavior my opinion. You see it all the time across the forum; people posting entire news articles, blog posts, medium posts, etc., written by someone else, and not even adding a single sentence of their own thoughts. The same thing could happen with infographics, although it is much less common than the other categories I mentioned. Providing a source means they won't get banned, but I still think it's a pretty scummy thing to do and obviously only for padding post count and/or fishing for merits.
Totoo namang hindi plagiarism basta may source, yun ay considered kapag ipapasok mo sa standard. Pero dito sa bitcointalk, ang tingin sa iyo ay isang low class member na nagbabakasaling magkaroon ng merits sa ganong paraan. Therefore, sasabihin natin lagi or babanggitin ay iyong purpose sa pagpapahayag ng isang bagay, remember it's a forum, lahat may dahilan, lahat may ipaglalaban.
Background of the topicIto ang magsisilbing liwanag mo sa iyong topic, dito malalaman ng isang nagbabasa kung worthy reading ba ang topic. Kung naipahayag mo ng mabuti ang gusto mong sabihin, lahat tayo makakabuo ng isang diskusyon at maaaring pagusapan ang iyong topic. Doon na papasok ang diskusyon na dapat ay nangyayari sapagkat ito ay isang forum.
ObjectivesIto naman ang mga bagay na dapat mong mahangad sa iyong thread. Halimbawa na lamang ng paggawa ng [GUIDE], ang natatangi mong objective ay para makatulong sa kapwa mo pinoy. Dito mo rin maipapakita na ang iyong thread na ginawa ay may patutunguhan dahil may nais kang marating.
Local RulesHuwag natin kakalimutan ang forum rules, dapat ay lagi nating inaapply ito sa lahat ng bagay na ginagawa natin dito sa local board.
StatementDito naman nakasaad lahat ng mga bagay tungkol sa iyong topic. Dito mo rin ilalagay ang mga dapat mong i-quote or mga source na pinagkuhaan mo ng ideya sa paggawa ng topic.
Halimbawa:[TUTORIAL] Paano gumawa ng wallet sa coins.ph
Background of the topicIilan sa atin ay hindi marunong gumawa ng wallet sa coins.ph kaya naman ay ginawa ko ito.
ObjectivesAng aking goal ay magpahayag ng kaalaman sa paggawa ng wallet upang maiwasan na rin ang paggawa ng thread tungkol sa wallet.
Statement*nakalagay lahat ng mga steps sa paggawa ng wallet*
Disclaimer:Hindi ko sinasabing mali at hindi maganda ang mga title ng mga taong nakapaloob sa picture na aking inalagay. Ang aking pagpapahayag ay patungo sa pag-unlad ng ating lokal at hindi para manira. Ito ay napaka-importanteng thread at sana ay bigyan ito ng pansin dahil makakatulong ito sa pagiging mataas quality na local board.
Acknowledgement
I created this topic kasi gusto ko na rin maging organized pa lalo ang ating Local Board and hoping na sundin natin ang ganitong guide. Katulad nga ng sabi ni theyoungmillionaire, who started the cleaning in our local board, simulan na natin ang pagkilos sa pagpapaganda ng ating local board. Marami na ang magagandang nangyayari sa ating local especially sa mga achievements na natanggap ng iilan sa atin. Isa sa mga achievements natin is to have a merit source which is cabalism13 so madadagdagan ang reason natin to be more productive at ipasok sa standard ang ating local board! I want to thank also joniboini for giving me permission to revise the thread for our local and for giving me an idea for proposing the pinned thread including all of the quality threads last year. Thanks also to our moderators; Dabs and Mr. Big for doing your best for maintaining our local in good situation, I hope this thread of mine will be pinned in our local board since it's very helpful guide for us, Filipinos.
LABAN PILIPINAS
Goodluck!
Thanks for reading and Have a good day!
finaleshot2016