Pages:
Author

Topic: [GUIDE] Sampung Paraan para maging Mabuting Membro ng Forum - page 2. (Read 496 times)

hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Kung pagtutuunan lang ng pansin ang lahat ng mga ito, magiging malinis at walang case ang local board natin sa mga dayuhan, napakalaking tulong talaga to para sa mga Newbie nating kababayan. dapat po talaga tayong matutosa mga alituntunin ng isang forum para hindi tayo makapagsimula ng problema at hindi na makadamay sa ating mga mabubuting kababayan. maraming salamat dito Tol. marami ka naman matutulungan baguhan.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
We really need to do good things dito sa forum kase at the end of the day tayo ren naman ang mag bebenefit nito. I believe you don’t have to be good in grammar as long as you know what you are saying, you don’t need to be perfect just the basic knowledge lang and for sure magiging successful ka dito sa forum.
hero member
Activity: 1134
Merit: 502
Basta mga kababayan alam natin ang tama at mali sa totoomg buhay at sa loob ng forum na ito. Wag gagawa ng di kanais nais na magdudulot ng hindi maganda sa account naten. Maging responsable at itaguyod naten ang pinoy pride sa forum na ito. Ibat iba ang opinion ng tao kaya wag tayo makikipag away dahil magkaiba kayo ng pananaw. Wag rin sumubok na mang iscam ng kahit anong bagay o pera hindi maganda ang maidudulot nyan. Gamitin ang mga guide ni kabayan ng tayo ay madaan sa tuwid.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
- - -
Ito sa tingin ko pinaka-importante sa lahat. Marami ang pumapasok dito pero konti lang ang interesado magbasa at matuto.
Yung iba kasi na bagong miyembro ayaw magbasa at direkta agad yung tanong patungkol kung paano kumita.
Ganun nga talaga. Marami sa mga kasalukuyang myembro ang nakaalam o nakarinig sa forum na ito dahil sa mga campaigns kaya dun talaga sila naka-focus. Sa totoo lang, doon din ako nagsimula pero hindi ako kasing "junkie" ng mga nakikita ko ngayon.
Knowledge muna talaga kahit sa pinakabasic lang kasi may mga napapansin ako sa mga discussions ngayon, kahit hindi nila alam yung topic nagre-reply parin kaya kahit off-topic na yung sagot nila pinipilit parin. Siguro pwede idagdag ito sa listahan, yung pagiging on-topic palagi sa discussion. Karamihan kasi dyan magtataka kung bakit iba yung sagot mo sa sinasabi ng iba at topic na nirereplyan. Tingin ko isang paraan na din yun para maging mabuting miyembro ng btt.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
- - -
Ito sa tingin ko pinaka-importante sa lahat. Marami ang pumapasok dito pero konti lang ang interesado magbasa at matuto.
Yung iba kasi na bagong miyembro ayaw magbasa at direkta agad yung tanong patungkol kung paano kumita.
Ganun nga talaga. Marami sa mga kasalukuyang myembro ang nakaalam o nakarinig sa forum na ito dahil sa mga campaigns kaya dun talaga sila naka-focus. Sa totoo lang, doon din ako nagsimula pero hindi ako kasing "junkie" ng mga nakikita ko ngayon.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Maging magalang o kaya pormal sa mga discussion. Hindi porket may nag-against sa opinion mo dapat mo na silang awayin. Yung iba kapag naging against yung iba sa kanila, tingin nila kaaway na nila agad at hindi sila open sa healthy discussion. Tama lahat ng nasa list.
Ito sa tingin ko pinaka-importante sa lahat. Marami ang pumapasok dito pero konti lang ang interesado magbasa at matuto.
Yung iba kasi na bagong miyembro ayaw magbasa at direkta agad yung tanong patungkol kung paano kumita.
member
Activity: 560
Merit: 16
Agree on you paps, ito ang pinaka magandang hakbang para maging mabuting miyembro sa forum na ito. Dapat sa panahon ngayon hindi nalang puro kita at pera ang pinag uusapan, dapat matutuo din tayong gumalaw ang maging respeto sa kapwa tao na gusto rin makalikom.!
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Iwasang makipag away. Dito sa forum natin ay may iba't-ibang member na taga ibang bansa, hindi lang pinoy. Kailangan natin intindihin mga opinyon nila kung yun ang paniniwala nila, kailangan natin respituhin ito. Ang pakikipag away in public ay pangit tingnan, mas makakabuti ito kapag pag usapan ng kalmado o pag usapan in private.
Hindi maiiwasan magkasagutan minsan at lenient naman ang admin pagdating sa bagay na ito. Ang daming bangayan na nangyayari sa Meta.


Mag aral at matuto. Itong forum na ito ay napakalaking tulong tungkol sa cryptocurrency, kaya naway magsilbi itong gamit upang matuto tayo sa mundo ng cryptocurrency at sa pagiging responsabling membro ng isang forum. Wag ito abusohin at patuloy tayo maging mabuting membro sa forum.
Ito sa tingin ko pinaka-importante sa lahat. Marami ang pumapasok dito pero konti lang ang interesado magbasa at matuto.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Lahat ng nabanggit ay tama. Kailangan nting maging responsable sa lahat ng mga salitang ginagamit natin kabilang ang mga impormasyong ibinabahagi natin sa forum. Ito ay nakabubuti sa iyong reputasyon at maging reputasyon ng bansang kinabibilangan mo. Laging magbahagi ng makabuluhang bagay at sumunod sa rules. Kailangan natin ang isa't-isa sa forum kaya gawin ang lahat upang mapayaman ito.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1397
Sampung Paraan para maging Mabuting Membro ng Forum

Gusto ko lang e share ito sa dito sa local board natin para naman maging aware tayo at maging responsable na member sa forum. Kahit hindi ito official sana makakatulong parin ito. Ang pagiging responableng membro ng forum ay nagsisimula sa ating mga sarili, dapat alamin natin ang mga dapat at di dapat na ginagawa o nakakasira sa forum.

  • Pinakauna ay basahin muna natin ang rules (unofficial)ng forum, lalo na sa mga baguhan sa forum, makakatulong ito para gabayan ka bago ka mag post. Madami ibang membro na di nag basa ng rules(unofficial) ng forum at nagtataka kung bakit na dedelete ang mga posts nila o narereport sila sa mga moderator.

  • Iwasang makipag away. Dito sa forum natin ay may iba't-ibang member na taga ibang bansa, hindi lang pinoy. Kailangan natin intindihin mga opinyon nila kung yun ang paniniwala nila, kailangan natin respituhin ito. Ang pakikipag away in public ay pangit tingnan, mas makakabuti ito kapag pag usapan ng kalmado o pag usapan in private.

  • Iwasan ang pag spam. Ito ang isa sa mga problema ng forum, dahil ang iba ay gumagawa na lang ng walang kabulohang posts para lang tumaas agad ang kanilang rank o para sa kanilang signature campaign, salamat sa merit system, nabawasan na ang mga spammers.

  • Lahat tayo nagkakamali. Pag may nakita kang post na sa palagay mo ay mali, mag post ng mahinahon at itama ang alam mong mali o magbigay ng mga dagdag impormasyon para maitama ito. Wag agad agad husgahan ang tao pag nagkamali, matuto tayong magtanong o lumagap ng mga importmasyon muna.

  • Gumawa ng mga makabulohang post. Maging responsabling membro at gumawa ng mga post na kapakipakinabang sa ibang membro o tumulong sa mga nangangailangan dito sa forum. Iwasan ang pag gawa ng mga walang kwenta o makabulohang post, kagaya ng pag post ng wala sa topic o hindi related sa pinaguusapan sa isang thread.

  • Matutong gumamit ng tamang grammar. Alam nating english ang pinaka major na linggwahing ginagamit dito sa forum, kaya medyo mahirap ito pag hindi tayo masyadong marunong pagdating sa english pero alam ko, ito ay natututonan. O pag ikaw naman ay dito lang sa local board natin active, matuto din tayo sa pag gamit ng ating linggwahe, gaya ng pag gawa ng wastong pangungusap o tamang mga pag gamit ng mga salita.

  • Wastong pag gamit ng mga tools sa forum. Madami iba't ibang tools na ginagamit dito sa forum, gaya ng search, pag may gusto kang hanapin na particular na topic pwede mo yan gamitin. Ang mga tools sa pag gawa ng thread or pag gawa ng post, gaya ng pag gamit ng quote. Mga halimbawa: Formatting tools

  • Pag intindi sa forum, gaya ng activity, rank o merit. Alam mo ba na may mga minimum na activity at merit bago tataas ang iyong rank? Lalo na kapag ikaw ay bagohan sa forum, magtataka ka kung bakit "newbie" ang iyong rank at may mga restriction ka. May mga dahilan yan, basahin ito FAQ: Everything you need to know about forum 'activity, account ranks and merit para mas maintindihan pa ang mga ito.

  • Mag aral at matuto. Itong forum na ito ay napakalaking tulong tungkol sa cryptocurrency, kaya naway magsilbi itong gamit upang matuto tayo sa mundo ng cryptocurrency at sa pagiging responsabling membro ng isang forum. Wag ito abusohin at patuloy tayo maging mabuting membro sa forum.

  • Matutong mag report. Ito ang isa sa pinaka mabuting gawin para mapanatili ang forum na malinis, malayo sa spam,scammer, mga low quality poster at iba pa. Sa bawat mga post sa forum ay may button na "report to moderator", pag alam mo na mali ang post niya or lumabas sa mga forum guidelines/rules, click mo lang ang button. Itong thread na ito ay makakatulong para malaman kung ano mga dapat mo e report o pag gamit sa report [Guide] Reporting effectively.



Naway may mga natutunan kayo sa pagbahagi ko ng kunting kaalaman, advice ko din na basahin itong thread na ito : [GUIDE] Bitcointalk forum etiquette para mas may matutunan pa tayo sa forum.
Kung may nalalaman ka pa na ibang paraan o karagdagan sa mga nabanggit ko, ibahagi mo lang ito.

Laging tatandaan na ay pagiging mabuti at responsableng membro ng forum ay nag uumpisa sa ating SARILI.
Pages:
Jump to: