Correct me if I’m wrong, pero sa tingin mixers talaga ang effective way to launder money nowadays sa ngayon hindi na nakakapagtaka na maraming gustong bumuo ng platform na katulad nito. Illegal talaga ito kung ebebase natin sa function ng platform.
Try mo yan sabihin sa mga chipmixer sig participants baka ma bash or worst hanapan ka ng butas at ma negative trust ka
Pero yun talaga purpose ng mixer to hide the origin at destination ng transaction. Pero kung sa legit naman galing ang bitcoin bakit kailangan pa i mix.
Doon sa english thread na gawa ko (check OP for link), may mga users wearing CM sig na nag-respond na. Mababasa niyo kung paano sila mag-dahilan.
May dalawang main difference para sa akin ang paggamit ng mixers:
- para sa mga law abiding citizens, ang pag-mix ay para makatulong din sa kanilang personal security.
- para naman sa hackers, money launderers, at criminals, ang pag-mix ay para maitago ang kanilang illegal activities.
Article na naman ng Chainalysis? Wala ka na talagang makikitang positive news/articles coming from Chainalysis. Para sa mga hindi nakaka-alam maliban sa mga crypto companies na nakaka-business nila ang pinaka malaking source of income nila is ang mga government agencies kasi sila yung naatasan para matulungan sila mag track down sa mga ganitong bagay. Kaya kung mapapansin mo yung mga article nila ay minsan madalas negative and yung mga data na binibigay nila sila lang naman nag-baback up nun, so there is no way to confirm on what they are saying is true. Mga articles nila parang nag-papalakas lang sa government or gusto lang mag-pakita ng "ganito nga kalala yung sitwasyon sa mga mixers" para lang mukhang may ginagawa sila o tumagal kontrata nila sa mga partnered government agencies.
Yes, may nabasa din akong ganito tungkol sa chainalysis. Kaya nga maganda din kung ma-disprove yung mga ganitong klaseng research o kaya naman ay mag-challenge sa mga data nila. Alam ko may iba ding platform na nag-conduct ng sarili nilang research pero itong sa chainalysis ang pinaka-latest so far.
Ganun talaga kasi sa bawat ganda ng serbisyo ay meron ding kaakibat na anomalya na nangyayari pero hindi naman ito kagustuhan ng mga mixer services, dahil lahat naman ay libreng gamitin and serbisyo nila well sa maling paraan nga lang,
~
Tama din. Parang kutsiltyo din ang tingin ko dyan sa mga mixing services. Pwede siya gamitin pang-luto at pwede din magamit sa hindi magandang bagay. Naka-depende sa mga taong gumagamit.