Mga chief sinubukan ko po yung cdr king ko na flash drive tapos syempre hindi niya binasa agad tapos nung ginamitan ko na ng microsoft fix it.
Mukhang may conclusion na ako mga chief na yung cdr king na mouse ko yung may problema.
Tanong ko lang bakit kaya ganito yung usb port ko need pa back upan ng ganitong app para mabasa mga external hardware?
If laptop gamit mo. Malamang sira na yang usb port mo. Bumili kana lang ng bagong usb port. Paulit-ulit lang yan. Check mo rin yung mouse baka sira na rin. Kadalasan kasi yung mouse ang bumibigay. Kababaluktot ng wire minsan may napuputol yung wire sa loob. Physical ang sira nyan hindi yung software. Same lang din sa desktop. Need mo nang i-replace yan.
Basa basa rin pag may time boss, eto ung sinasabi ni Lauda na kahit na mahaba ang post natin kung inuulit mo lang ang sinasabi ng nauna sa atin di tyo nakakatulong para maging healthy ang discussion, this is considered as spam post ska nadetect na ni OP ang problema no need na sa reply mo.
Heto ang rason Boss iyong mga naunang magpost syo
Try mo uninstall at install ang usb drivers mo. More probably may conflict yan sa system. Kung makakahanap ka ng driver ng motherboard mo mas maganda. Possible din na defective talaga ung USB port na pinagsasalpakan mo.
Sa tingin ko kailangan mo na ipacheck yung USB port mismo. Baka nasira na o nasunog na yung mga connection. Or try mo pag nawalan ng connection gamit yung mouse mo then pag sinaksakan ng ibang USB device tapos gumana yun then sira ang mouse. I-troubleshoot mo muna pre, para malaman mo if ano ba ang sira. Try mo din mag pasok ng windows installer then reinstall mo windows (pang testing lang ng mouse sa dos to, not really pang rereinstall), para malaman mo if gumagana ba ang mouse kung wala ka sa mismong windows mo.
malabong sa device manager yan sir kasi gumana naman e, bigla lang ata hindi gumana. gawin mo muna yung payo ko sayo sir kapag nabasa mo ito. susubaybayan kita dito para matulungan kita. kasi ang suspetsa ko dyan ang may sira ay yung mismong usb port na ng loptop mo. kasi hindi mo naman at nabanggit na matagal na yang loptop e, baka palitin na talaga sya.