Huwag muna sana natin pagdudahan si OP. Sa halagang BTC0.01, hindi worth it na magsinungaling lalo na at isang aktibo at senior account.
Pasensya medyo napasobra ako sa OP. Pasensya na rin OP. Sa totoo lang kasi ang daming flaws nung kuwento niya kaya mahirap ipicture out kung paano ka nahack at iyon nga iyong mga nabanggit ko.
Wait ko pa iyong sagot niya sa ibang tanong ko para mas malinaw. Matutulungan naman natin sya via moral support lol kaya lang kulang kasi sa info.
Diba hindi maaaccess ng hacker ang gmail mo dahil nga may recovery account? Once na inopen yung account sa new ip address, hindi sya agad maoopen kasi need pa ng parang approval ng recovery email kung ikaw ba talaga yun. Kumbaga yung isa pang gmail na connected sa gmail mo na yun. And I think madaming way na inooffer si google para marecover mo yung account? Ang hirap kasi mag explain lalo na kung kulang din ng info pano na hack, or whatsoever. Basta op once na marecover mo sya, change password agad and then extra careful sa mga accounts para hindi maulit.
Oo. walang set-set to. Matic to sa Google to. Wala akong 2FA pero di ko malogin email ko sa ibang device at IP dapat may authorization nung recognized device lalo pag taga ibang bansa or malayo sa location mo. Suspicious login kasi iyon. Saka totoo, ang hirap mag explain lalo't kulang kulang ang information ni OP. Di ba dapat pag na-hack halos ikwento na natin lahat na ng info kasi gustong gusto talaga natin ma-retrieve.
Kahit walang idea yung hacker sa yobit panigurado sisilipin pa rin niya yun kasi madalas pa naman mag bigay ng updates at announcements ang yobit. Sinabi din niya na yobit lang naka link doon sa email niya hindi na magdadalawang isip yung hacker na i-retrieve yung account niya.
Paano malaman ng hacker iyong password sa Yobit? Unless parehas ang password puwede mapasok ng hacker pero sa status ni OP parang napakaliit ng chance na parehas password niya sa Yobit at Gmail. Ito pa, kung magkaiba man yan, mahirap mag-forgot password sa Yobit, need ng username at email. Paano malalaman nung hacker yan. Saka sabihin nating puro email ng Yobit iyon, announcement lang iyon parang normal subscription kaya puwedeng iignore ng hacker yan.
Hello ulit sorry kung di ako nakapagreply masyadong busy ngaun eh...
Anyway... nasa process na ako ng recovery ang problema ko lang is kelan ko nacreate yung google account ang alam ko lang is 2012 sya na create... ang bobo ko lang kasi bakit ko pa tinignan yung mga email ko sa spam folder at nagclick pa ako ... tinignan ko rin sa ihavebeenpwned.com napawned yung account di na ako nagtaka ang mali ko lang di ko agad sinecure yung account ko nung nagtanong yung officemate ko bakit daw ako nagsesend ng ganun di ko lang pinansin kaya eto nangyari
(
Ito makakatulong to sa lahat para na rin aware kami dito. Para na rin may abiso na kami galing sa iyo about sa sender.
Ano iyong EMAIL na natanggap mo? Pa screenshot ng content pati iyong sender. Paano ka napunta sa login form ng phishing site at talagang nilogin mo pa email mo. Malaking tulong yan sa mga newbie at baka may makatanggap pa ng email na yan.
At isa pa, Kung click lang ang ginawa mo, di ka maphiphishing. Saka as a member of the community na matagal na rin, paano ka nahulog sa obvious trap ng phishing? Based sa post history mo, tingin ko sa iyo maalam ka naman at sanay sa crypto world at cyberworld kaya di pa rin ako makapaniwala na na-fall ka sa ganyang obvious trap.