Pages:
Author

Topic: Help (Paano ma Laman na Legit yung Sasalihan kong Bounty) (Read 270 times)

hero member
Activity: 1022
Merit: 509
AXIE INFINITY IS THE BEST!
Tip lang is dapat directly from their official website hindi yung nakita mo na agad dito sa Bounty Section sali ka na agad. Punta ka muna or alamin mo muna yung website nila kasi for sure nanduon naman  yun. At mas official pa yun compared sa mga open thread dito,
jr. member
Activity: 182
Merit: 1
In my opinion, the easiest way to ensure that you have entered and joined a right ICO for the bounty campaign is to check the bounty manager, some are trusted for everybody for their hard work and their care for their bounty hunters, I give you one, needmoney is one of the best options for good manager handling campaigns...
newbie
Activity: 139
Merit: 0
Ang unang dapat gawin ay basahin muna ang white paper about the project. Ito ang pinaka bases kung paano malalaman kung legit ba o scam ang isang bounty campaign.
full member
Activity: 938
Merit: 101
Di mo masasabi n scam ang isang project hanggat di ito nag uumpisa. May mga bounty campaign na maganda sa umpisa pero matatapos ng scam. Madami ng bounty campaign ang ganyan at hindi lng un may mga bounty manager din na nasisilaw sa pera.
full member
Activity: 378
Merit: 100
Hi guys tanong ko lng po paano ko po ma laman kong legit po yung ma nga bounty na sinasalihan ko po? dami ko kasi token na tanggap bukod sa pa airdrop sumasali din ako nang ma nga bounty kaso d ko ako ma runong if legit po ba yung bounty na sasaliha ko or indi sana my maka tulong kong paano malaman
Sa totoo lang hindi madaling malaman kung scam ang isang project or ICO at minsan kahit tingin natin na maganda yung project na inooffer nila sa huli nagiging scam parin. Ang ginagawa ko kapag gusto kong mag invest or sumali sa mga bounty campaigns na yan ay binabasa ko muna yung whitepaper, kadalasan ng mga scam projects hindi well detailed ang whitepaper at maraming error sa grammar. Next is of course alamin kung sino yung mga taong nasa likod ng project, kung hindi sila nagpapakilala or hindi binibigay ang totoong identity, malaki ang chance na mang scam ang mga ito. Also look how much support the project has, kung kaunti lang then malaki ang chance na hindi maging successful yung project. At pinaka importante sa lahat, pag sasali ka sa bounty dapat naka escrow ang funds.
Mahirap nga talaga kabayan. Merong ngang kilalang manager sa mga bounties na scam pala ang minamanage na campaign kasi nga mukhang legit talaga talaga. Nakasali nga ako sa campaign na yun buti nalang after 2 weeks nalaman na scam ang ICO. Minsan kasi kabayan, nagtitiwala tayo sa mga kilalang manager kasi alam natin na  sinusuri nila ng maayos bago nila imanage ang campaign, pero sila nga mismo naconvince sa reviews ng ICO pero naiisahan din sila. Bitroad ang campaign na yun at si Woshib ang manager. Buti nalang nalaman agad ng manager at napause agad ang campaign. Iwas waste of time.
full member
Activity: 490
Merit: 106
Hi guys tanong ko lng po paano ko po ma laman kong legit po yung ma nga bounty na sinasalihan ko po? dami ko kasi token na tanggap bukod sa pa airdrop sumasali din ako nang ma nga bounty kaso d ko ako ma runong if legit po ba yung bounty na sasaliha ko or indi sana my maka tulong kong paano malaman
Sa totoo lang hindi madaling malaman kung scam ang isang project or ICO at minsan kahit tingin natin na maganda yung project na inooffer nila sa huli nagiging scam parin. Ang ginagawa ko kapag gusto kong mag invest or sumali sa mga bounty campaigns na yan ay binabasa ko muna yung whitepaper, kadalasan ng mga scam projects hindi well detailed ang whitepaper at maraming error sa grammar. Next is of course alamin kung sino yung mga taong nasa likod ng project, kung hindi sila nagpapakilala or hindi binibigay ang totoong identity, malaki ang chance na mang scam ang mga ito. Also look how much support the project has, kung kaunti lang then malaki ang chance na hindi maging successful yung project. At pinaka importante sa lahat, pag sasali ka sa bounty dapat naka escrow ang funds.
full member
Activity: 378
Merit: 100
That's the hardest part. Sa totoo lang po kasi kahit yung mga mukhang legit na ICO, na may magandang review and feedback, etc. ay minsan nagiging scam pa din at kapag ganun ang nangyari sigurado ng hindi mababayaran yung mga sumali sa bounty nila. Ibigay nalang nating halimbawa ang Confido at Benebit. Imagine nireview ang dalawang yan ng mga ICO experts at graded sila na 4+ out of 5. Lumabas pa sila sa mga kilalang media outlets but eventually naging scam. See. It's really hard to tell kung alin ang magiging scam sa hindi. Kasi kahit anong ganda ng presentation ng ICO minsan nagiging scam sila sa huli. Kapag naging scam ang isang ICO damay na lahat. Hindi mababalik ang contributions ng investors, hindi mababayaran ang mga bounty participants, malalagay sa kahihiyan ang mga nagpromote sa kanila, etc.

Pero siyempre kahit ganun, pwede pa rin natin suriin yung mga basic components ng ICO na plinaplano nating salihan para at least matimbang natin kung susugalan natin sila ng ating oras at pera o hindi na. Nariyan na yung pag-check sa kanilang whitepaper, team, advisors, use cases, escrow (smart contract with refund clause), product, legalities (KYC/AML), marketing, etc. Lahat yan pwede nating gawin basis. Kapag nakita natin ang mga yan sa isang ICO ay pwede na tayong mapanatag. Hindi sila totally indication na hindi magiging scam ang ICO pero nagbibigay ang mga ito ng minimal assurance na hindi sila magiging ganun.

Tama ka talaga kabayan, may mga ICO tlaga na magaganda ang reviews nila at minsan nga nasa top ICO list sila, pero sa bandang huli, pag nareach nila ang hardcap nila, bigla nalang nawawala. Nabiktima na ako nyan, dahil sa sobrang ganda ng ICO. Kailangan talaga na mapanuri ka muna sa ICO, at dapat may mga assurance ito.
member
Activity: 364
Merit: 10
Kahit na Legit yung ICO ay may pagkakataon din minsan na yun mismong Campaign manager ang syang nagloloko kaya mainam din na maging mapauri din sa bagay na to mga igan.. Cool
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
That's the hardest part. Sa totoo lang po kasi kahit yung mga mukhang legit na ICO, na may magandang review and feedback, etc. ay minsan nagiging scam pa din at kapag ganun ang nangyari sigurado ng hindi mababayaran yung mga sumali sa bounty nila. Ibigay nalang nating halimbawa ang Confido at Benebit. Imagine nireview ang dalawang yan ng mga ICO experts at graded sila na 4+ out of 5. Lumabas pa sila sa mga kilalang media outlets but eventually naging scam. See. It's really hard to tell kung alin ang magiging scam sa hindi. Kasi kahit anong ganda ng presentation ng ICO minsan nagiging scam sila sa huli. Kapag naging scam ang isang ICO damay na lahat. Hindi mababalik ang contributions ng investors, hindi mababayaran ang mga bounty participants, malalagay sa kahihiyan ang mga nagpromote sa kanila, etc.

Pero siyempre kahit ganun, pwede pa rin natin suriin yung mga basic components ng ICO na plinaplano nating salihan para at least matimbang natin kung susugalan natin sila ng ating oras at pera o hindi na. Nariyan na yung pag-check sa kanilang whitepaper, team, advisors, use cases, escrow (smart contract with refund clause), product, legalities (KYC/AML), marketing, etc. Lahat yan pwede nating gawin basis. Kapag nakita natin ang mga yan sa isang ICO ay pwede na tayong mapanatag. Hindi sila totally indication na hindi magiging scam ang ICO pero nagbibigay ang mga ito ng minimal assurance na hindi sila magiging ganun.
jr. member
Activity: 48
Merit: 1
Para sakin makakabuti para malaman mong legit yung sasalihan mong ICO ay try mong iresearch yung companyh at yung project at netong ICO nila, basahin mo yung whitepaper kung kapanipaniwala ba, and maaari mo din tignan ang mga komento sa kanila ng ibang tao sa mga social media. Maari mo ding pagbasehan kung sino ang moderator/ bounty manager ng ICO nato.
jr. member
Activity: 236
Merit: 4
may mga paraan para malaman mo, una kapag ang mga myembro nila ay may pagkakakilanlan at ang website nila, at kapag ang project ay may sinosolusyonan na problema talaga
member
Activity: 364
Merit: 46
Para saken dapat ung sasalihan mong bounty ay may high rank bounty manager na trusted dito sa forum like sylon, woshib, needmoney, deadly at tsaka ung iba pang magagaling na bounty manager dahil hindi ka nila pababayaan.

Isa pang pinagbabasehan ko ay kung gaano kadami ang sumali sa isang campaign, makikita yun sa dami ng replies, dapat madali ding ma kausap ang bounty manager para kung sakaling magka problema ka madali ka nilang matutulungan.

Minsan may mga bounty campaign na binibitawan ng isang manager, hindi natin alam ang dahilan, siguro lahat naman makakachempo ng campaign na hindi successful, pero mas ok magtiwala sa bounty manager na kilala at matagal na dito sa forum para maiwasan naten ung mga bounty na hindi natatapos.

Sana makatulong po.
sr. member
Activity: 1162
Merit: 450
Based on my Experience.. Halos lahat naman ata ng bounty ay legit, nagiging scam ito depende sa bounty manager, most of the time kasi madami silang binibigay na dahilan kung bakit hindi ka binibigyan ng stakes/token kahit na sinunod mo naman yunh rules. Sometimes, most of the bounty manager are too lazy to update the spredsheet.

Also keep an eye of the project. Read their whitepaper because thats the most important information to read about the project.

The team behind it, dapat known sila hindi pseudoanonymous and dapat you are able to see their background.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
Pag hindi tinakbo ng bounty manager ang budget na binigay ng project owner success yan. Kahit naman legit ang project pag palya sa babahan palya din lahat diba. Need  trait yung madali mo mabasa aura ng team at project
mismo tingnan mo kung active sila at transparent sa internet at social media yung pag search mo sa google positive agad feedback at review saka marami info tungkol sa project nila exposure.
full member
Activity: 294
Merit: 100
Hi guys tanong ko lng po paano ko po ma laman kong legit po yung ma nga bounty na sinasalihan ko po? dami ko kasi token na tanggap bukod sa pa airdrop sumasali din ako nang ma nga bounty kaso d ko ako ma runong if legit po ba yung bounty na sasaliha ko or indi sana my maka tulong kong paano malaman

Check mo always yung whitepaper ng isang project/ICO . Dyan mo kasi madedetermine kung may potential ang isang campaign at worth it salihan and legit. Tapos tignan mo din yung mga devs and team behind ICO, need mo research talaga kasi isa din yan sa way para malaman mo kung legit ang isang bounty.
full member
Activity: 453
Merit: 100
Sa umpisa talaga malilito ka kung ano ang legit or not kaya sundan mo lamang po yong mga payo nila dahil makakatulong po yon kahit papaano as guide then kapag natry mo na eventually makikita mo na magiging diskarte mo kung paano mo malalaman.
member
Activity: 420
Merit: 13
Silence
medyo mahirap din tlga maghanap ng bounty na legit at ung sure na matatapos, kaya ako ginagawa ko nlng nag babase ako sa bounty manager, at ung way ng pag post kung maayos. ganun tlga siguro minsan makakachempo tlga tayo ng bounty na hindi matatapos or magbabayad.
full member
Activity: 339
Merit: 100
May ilang mga bagay na dapat i-consider upang malaman kung maganda/legit ba ang isang bounty campaign.

Maglaan ka lang ng oras para i-check ang mga sumusunod:

Team
Advisors
Whitepaper
Roadmap
Service Offered
Bounty Manager
Previous projects ng Team, Advisors at ng Bounty Manager

Kung may kulang pa sa mga sinabi ko, malamang may mga magcocomment naman kasunod ko.

full member
Activity: 378
Merit: 100
Maglaan ka po ng time para mabasa ang Whitepaper nila jan mo malalaman kung ano ang takbo at info ng proyekto nila. Tingnan mo rin ang SocialMedia at websites nila makikita mo ang mga supports at team nila. Tingnan mo rin rin kung sino ang manger ng bounty kasi alam tlaga ng manager na legit ang minamanage nila.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need A Campaign Manager? | Contact Little_Mouse
Try mo basahin ung pinost ko tungkol jan. Mga factors ng isang legit or paying na bounty campaign (para sa akin)
https://bitcointalksearch.org/topic/m.31263444
Pages:
Jump to: