Like what section po biss?? Nag hanap kase akong ng section na pupwede sa idiea ko pero wala ehh
Tingin ko sa off-topic section yan belong yung mga poem mo. Saan ba tungkol yan? Kasi kung walang relasyon yan sa bitcoin, off-topic ang bagsak niyan.
Ito yung link ng off-topic
https://bitcointalk.org/index.php?board=9.0 samplean mo naman kami ng mga poem mo.
Pero kung gusto mo gawing pagkakakitaan yan pwede mo i-offer na gumagawa ka ng mga ganyan, poem at narrative report sa service section
https://bitcointalk.org/index.php?board=52.0As in?? Pwede talaga??? Pero By offer boss anong ibig sabihin?? Bibilhin ba nila mga conpostions ko?? Di ko gets boss..
Sige share ko nag iisang tagalog na composition ko,
Pero sa totoo lang di ko alam ano etatawag ko sa mga nagagawa ko, pramis haha
Tsaka di to kagandahan di kase ako magaling sa tagalog..
Sinusulat ko lang kase pag me pumapasok sa isip ko., kasi pag hindi, lalo akong di nakakatulog. Nalalasing na lang ako sa 5mg na melatonin ko :/
Anyways eto na po 👇🏼👇🏼👇🏼👇🏼
Kay Hirap palang mag saya-sayahan,
itago ang harapang bilad sa mga hinanakit at pagdurusa na di kayang hugasan ng luha,..
itatago na lang.,
Oo, para sa pagmamahal,
itatago na lang..
At Oo, itatago ko, kahit nakaukit na sa likod ng bawat ngiti at tawa na pilit ibinubuga ng pisikal upang kahit sa asal man lamang ay mag mukha at mag lasang asukal ang pait at sakit na nakaliblib sa kaibuturan ng puso at isipang pagod.
Pagod na sa mga pangyayaring paulit ulit na kahit masakit di maipilit pigilin dahil mismong sarili'y ayaw limutin,..
Na kahit pilitin ay di kayang putulin dahil wari'y mundo'y makikitil.
Ako'y nakadilat ngunit konsentrasyo'y salat..
Siguro ay pipikit na lang..
Oo, ipipikit ko na lamang ..
Kasabay ang hiling na sana'y
Kahit wala sa piling ay mapanatag ang kaloobang bagabag.
ngunit bakit?
Bakit ba, na kahit sa aking pag pikit, ay di parin makaiwas sa lahat ng pasakit?
Didilat na lang,..
Oo, ididlat ko na lamang ang mga matang mugto sa kapipiga ng mga luhang dala dala'y hinanakit mula sa damdaming pilit ibinubuga ang mga salitang mahal kita.
Masakit,..
Masakit isipin na ang pusong noo'y ngalan mo lamang ang nakaukit ay ngayoy sugat na lamang ang pansin.
gustong pawiin..
Gustong gusto kong pawiin lahat ng hapdi at pagdurusana ngayo'y nadarama..
Subalit paano ba?
Ano pa ba ang aking magagawa?
Kung Ilang beses nang pinilit ibalin at libangin ang diwa sa kusang nagpapasariwa sa minsa'y init at sarap na ngayo'y hapdi?
Paano pa ba kakawala sa bigat ng nakakapit sabalikat kung ang sarili mismo ang ayaw lumisan,.?
Sasaya, lulungkot, tatawa, iiyak, tatamis, papait,..
At babalik paulit ulit ulit,.
Nasaan ang dulo, at ano pa ba ang hihigit sa sukdulan,?
Hindi ko alam, wari'y wala ng magagawa upang kumawala sa higpit ng pagkagapos na mismong sarili ang nagtali't hanggang ngayo''y nakakapit..
Nasasakta't nalilito,
Hindi ko alam kung paano..
Ngunit para sa'yo mahal.,
Itatago na lang.,
Para sa'yo,
itatago na lang.
EDIT:
Medyo natagalan sa pag post, hinalungkat ko pa kase fb ko november 11, 2015 pa pala tong post ko na to haha