Yun nga ang problem eh di ko kaya icomply dahil wala naman ako maipoprovide, as online freelance karamihan ng work sa online alam naman natin bound by trust lang, tapos pagdating naman sa source of fund di naman tayo pwede manghingi sa mga exchange ng employment certificate, ITR lalong wala.
OP, marami ng nakapasa sa additional verification ng coins.ph kahit unemployed. I think marami na rin nag-share sa coins.ph thread. And about sa freelancing or crypto-related stuff, marami ng users ang gumagawa nyan kaya aware na si coins.ph dyan. Yan din ang reason sa tingin ko kung bakit kasali na sa list of supported documents iyong crypto-related documents pero not to the point naman na iproprovide mo lahat.
Check mo iyong link na binigay sa iyo ng support. Nandoon iyong sa crypto. Mas mahirap pa dati sa amin walang ganyan at limited lang ang options. Mas marami ka ma-proprovide. Pero nasa iyo pa rin kung itutuloy mo pa or iwan na ang coins.ph for good since puwede mo naman isend ang remaining funds mo sa iba at di naman naka-freeze account mo. Iyong limit na 0 di ka lang makakawithdraw pero puwede mo isend sa iba.
Then kapag ok na, your decision if you will still use coins.ph.
pano nalang yong mga kaibigan at kakilala na inaakit nating mag invest at aralin ang crypto na only Coins.ph pa lang ang alam gamitin dahil ito ang pinaka accessible dito sa bansa natin?
Maganda isabak ang mga newbies sa non-custodial wallets sa simula pa lang ng journey nila.
...para magising sa katotohanan ang management ng coins.ph pag napansin nilang malaki nababawas sa users nila.
Di naman lahat makakaranas ng nangyari kay OP. Saka iyong mga employed saglit lang makakapasa kapag naranasan nila iyong nangyari kay OP.
Mas marami din ang users na hindi pa nakakahit ng alarm so di pa sila naabala.
May mga friend din ako na na-freeze ang account, nirequired pa siya na kumuha ng clearance sa AMLA samantalang .5M lang naman laman ng coins wallet niya, dahil nga nag bu buy and sell siya ng btc at alts, pati BDO account niya na freeze din ng BDO, isa pa yang bdo na yan kapag galing sa coins ang pera tamang hinala din sila.
Ganyan talaga ang BDO, not friendly sa crypto nung simula. If you guys remembered, kung di ako nagkakamali nung 2017 hype, finireeze ng BDO iyong account ng isang user nila after receiving a decent amount from coins.ph. Na-settled naman pero matagal nga lang.
Ewan ko lang ngayon kung nagbago na views nila about crypto.