Magandang araw sa lahat ng mga kababayan ko dito, meron lang ako na nais nating mapag-usapan tungkol sa pag-iipon? Napapansin nio ba na kahit anong tipid natin ay ang hirap paring makaipon ng malaking halaga, nakakapagod diba? hindi parin natin naaabot yung mga nais nating pangarap na maabot sa buhay, bakit ganun? kasi may maling approach tayong nagagawa sa mindset ng pagtitipid. At dito iikot yung ang usapin sa paksang ito na " Kung bakit hindi sapat ang pagtitipid lang para umasenso " At kung ano talaga ang dapat gawin para makamit natin ang financial freedom na pinapangarap nating lahat.
Just want to clarify lang na hindi ito lecture mga kababayan, ginawa ko ang topic na ito para ibahagi lang naman yung mga natutunan ko na siyang nagpabago ng aking pananaw tungkol sa bagay na ito.
Hindi lingid sa kaalaman nang nakararami na majority sa mga tao ay ang kanilang mindset ay ang pagtitipid lang na paraan ang tanging solusyon sa lahat ng financial problem. Kaya lang ito yung problema, kapag ang mindset mo ay puro pagtitipid lang ay mawawala yung opportunity mo o natin para mag-grow financially. Sa halip na mailalaan natin ang atensyon natin sa isang bagay na pwedeng makapagbigay sa atin ng mas malaking kita like business, investment, or skills training, napupunta lang ang pokus at atensyon natin sa pagpapababa ng gastosin natin so ang magiging resulta ay stagnant ang ating financial problem. Diba?
Imagine this, nakakita ka ng opportunity tungkol sa skills training na makakatulong sa pagpromote mo sa iyong trabaho, pero dahil mahal yung training ay naisip mo na sayang yung pera, at dahil hindi ka naginvest sa sarili mo ay naunahan ka ng iba sa promotional position na pinagtatrabahuhan mo. Hindi ba nakakalungkot? Ito yung naging trap sa sobrang pagtitipid natin, hindi tayo gumagastos sa mga bagay na pwedeng makapagbukas ng mas malalaking opportunity sa atin.
Ang Maling Paniniwala
Ang mindset na kapag nagtipid ka ay aasenso ka. Bakit ito appealing? dahil madali itong gawin at intindihin. Ika nga simple lang, bawas gastos more savings. Pero ito yung hindi sinasabi ng mindset na ito, Pano kung ang pagtitipid mo pala ang pumipigil sayo sa pag-asenso? bigyan ko kayo ng isang classic na sitwasyon, halimbawa meron kang 2000 pesos, inisip mo iipunin ko nalang ito sa banko para safe. Pero alam mo ba kung ano lang mangyayari sa pera mo? Ang sagot ay maghihintay lang siya dun na walang movement at walang dagdag. Dahil natatakot kang gumastos o magtake ng risk para palaguin ito.
At dahil sa sobrang pokus natin sa pagtitipid ay nakakalimutan natin na ang pera ay tulad ng isang halaman na kailangan din itanim sa tamang lupa para lumago. Ang mindset ng sobrang pagtitipid ay nagbibigay ng ilusyon ng security, pero ang totoo natatali tayo o ikaw sa comfort zone mo. Maaring iniisip mo na wala kang gastos, Pero hindi natin naiisip kung ano yung nawawala sa atin na yung pera ang magtrabaho para sayo o sa atin.
Ito realtalk lang mga kabayan ko dito, yung mga taong yumayaman ay hindi dahil lang sa marunong silang magtipid, kundi dahil marunong din silang maginvest, yung tipong iniisip nila na pano nila magagamit ang pera nila para mas kumita pa ng mas madaming pera? Hindi naman ito matatawag na reckless spending sa totoo lang naman, sa halip ito yung Calculated Risk na pwedeng magdala o magbigay sa ating ng tunay na wealth. So, bakit appealing ang mindset ng Pagtitipid lang? Kasi ito yung pinakamadaling gawin, walang risk, walang kailangang matutunan, pero kung gusto mong umasenso ay hindi mo kailangang maglaro sa estate zone mo lang. Siyempre kailangan nating baguhin ang perspective natin sa buhay, mula sa mindset ng pagtitipid patungo sa mindset ng GROWTH.
The Change of Mindset
Kailangan nating baguhin yung tanung na Pano ko ba matitipid yung pera? gawin nating, Pano ba ako makakapagpalago ng pera ko? Malaking tulong ito para maging game changer mo o ng sinuman, ang Mindset na di bale ng kaunti basta makatipid ay maganda lamang sa umpisa pero limitado ang resulta mo. Dahil kung gusto mong umasenso ay kailangan mong tignan ang pera bilang tool hindi lang basta ipon kundi isang paraan para maggrow ang yaman mo. Tanungin mo ang sarili mo, pano mo gagamitin ang tool na ito para makapagbukas ng mas madaming opportunity?
Halimbawa, isipin mo na ang ipon mo ay katulad ng isang ' Seed ' Kapag itatago mo lang ito ay hindi for sure magbubunga. Oo meron kang naitatabi pero hanggang dun nalang yun. Pero kung gagamitin mo ang Seed na ito para itanim, diligan at alagaan, pwede itong tumubo at maging puno at ang puno na ito ang magbibigay sa atin ng mas madaming bunga. Mga bunga na magagamit at pakikinabangan natin ng pangmatagalan.
Kaya nga ganito ang logic ng investing, let say merong kang 2k pesos, pwede mong ilagay ito sa banko kung saan kikita ito ng 0.25% interest kada taon literal na 2 pesos lang ang tubo mo. Worth it ba ang sakripisyo mo para lang sa mabagal na resulta? Pero kung gagamitin natin ito sa ibang opportunity tulad ng business, investment may potential pang magdoble o triple pa ang capital fund mo for sure as long as na tama yung pipiliin mo. At kung magfail ka man ay meron kang matutunan na magagamit mo naman habang buhay, calculated risk ang tawag dito. Hindi ito basta-basta lang paggastos kundi pinag-isipan mo, tinatantya ang return, at tinitignan ang potential ng success. At oo may chance na magfail ka, pero kung hindi ka magtake ng risk ay hanggang kelan ka naman kaya magtitipid?
Ang goal kasi ay hindi lang para makapagsave ng pera, kundi gamitin ito para makagawa pa ng mas maraming opportunity para sa sarili mo o natin. Try to imagine, kung puro pagtitipid ang pokus mo, ang tanung hanggang kelan ka magtitipid? Pero kung ang pokus mo ay pagpapalago ng pera for sure na walang limitasyon sa pwedeng marating ng finances mo. Ngayon, kahit pano naman siguro ay naintindihan mo na ang tamang mindset. Ngayon ang tanung ay pano naman natin ito maiaaply? Ano yung mga practical step para maging reality ito?
Scenario of Smart Spending
Ngayong alam na natin na hindi sapat ang pagtitipid lang at mas maganda na magshift tayo ng money mindset natin mula sa Savings to Growing. Pero I know na mapapaisip ka naman talaga na kung saan ay Pano mo gagawin yun? Ano ba yung mga dapat kung gastusan at talagang may balik?
1. Pag-improve sa ating mga Sarili
Hindi ito yung pagbili natin ng mga design na mga damit para lang magmukha tayong pogi o cute ah. Ito yung mga gastusin ay para maglevel-up ka ay tulad ng sa Skills, knowledge, na makakapagpabuti sa kakayahan mo.
2.Asset
Maginvest sa mga bagay na pwedeng makapagbigay sa atin ng long-term value, like bitcoin o cryptocurrency na nasa top listing lang palagi ang piliin natin, real estate, business, stocks at iba pang mga katulad nito.
3. Time Saving Tools
Madalas iniisip natin na ang pagtitipid ang paghandle ng lahat ng bagay mag-isa, Pero alam mo ba na mas mahal ang nasasayang nating oras. Halimbawa yung iba naghahire sila ng tutor na magtuturo sa kanilang anak imbes na magulang yung magturo, Bakit? para mas gumaling sila at makahanap ng ibang opportunity in the future. Kaya kung iisipin mo na dagdag gastos lang ito sa kanila ay isipin mo kung ano magiging balik nito sa kanila sa hinaharap. Ang point nito ay Gastos na may strategy hindi gastos para sa luho kundi para sa mga bagay na may balik.