Gusto ko lang magdagdag pa sa mga suggestions ng iba:
1. Magsubscribe sa mga newsletters about cryptocurrencies. Hindi masamang magbasa ng English books, pero kuung may target field ka rin lang kaya ka nag-aaral ng English, aralin mo na yung field na yun in English. So di ko irerecommend na magbasa ka ng Harry Potter novels or English manga para lang matuto ng English. Matagal-tagal pa aabutin mo dun lalo pa may mga terms sa crypto na dapat matutunan.
2. Manood o magsubscribe sa youtube channels ng experts (or claiming to be experts) pagdating sa cryptocurrency. Again, kesa magsayang ng oras sa panonood ng English movies kahit may subtitle pa yan, mas mapapabilis ang pag-aaral mo ng English kung related na yung papanoorin mo sa inaaral mong field (crypto).
3. Kung ang kailangan mo lang e magchecheck kung tama ang grammar construction mo, magdownload ka ng grammarly. May free version sila na enough na sa tinatrabaho natin.
4. Kung dictionary naman, di mo na need bumili ng libro. Nung nagtuturo pa ako ng foreign students, madalas kong nirerecommend ang Longman Dictionary of Contemporary English Online (
www.ldoceonline.com). Madaling gamitin at ipapakita niya sa'yo ang iba't ibang gamit ng iisang salita. May mga examples pa na madaling intindihin.
5. Makipag-chat sa foreigners about cryptocurrency para nahahasa na yung conversational skills.
I hope nakatulong po.