Guys if gusto niyo maging employed on a permanent basis o full-time home-based employee and not as a freelancer o project-based employee I would suggest this site:
https://www.linkedin.com/ , masu-surpresa kayo sa mga big companies na nag-hahanap ng work from home (wfh) na empleyado. Even before the enhanced community quarantine started may mga kumpanya na naghahanap ng work from home employees and hindi lang mga simpleng "encoder" type jobs ang makikita niyo dahil meron mga full-time data analyst, market analyst, at software developers na hinahanap ng mga kumpanya na ito. One handy feature I like is yung "easy apply" function nila na kailangan mo lang click yung "easy apply" button and sila na magsa-submit ng resume na prinovide ninyo.
Buti na lang pala talaga naisip ko ipost ito.
Dami na nagshare ng mga experience nila.
Sobrang natutuwa ako at naeexcite na rin. Kalma!
Thank you Theb sa pagshare.
Currently, yung misis ko eh home-based yung naging work niya after niyang magresign sa isang corporate company from Ortigas due to its ever-changing policy that only benefits the employer and not its employees. Sakto din na buntis siya noon kaya napilitan din siyang magresign. The problem that we encountered from it is that yung lifestyle at gastos namin eh hindi kayang suportahan ng work ko lang. Need talaga namin na pareho kaming nagwo-work kaya naisipan niyang mag-try ng work-from-home jobs.
Halos parehas pala tayo situation.
Sa akin naman dahil wala na mag alaga sa dalawang bata at yung isa ko baby pa.
Kaya nag-resign si misis.
Papabasa ko nga ito sa kanya para ma-push na siya na mag home base na lang.
Problema nalang isa pang computer para talagang personal niya lang.
Salamat sa lahat ng shares niyo, nakakainspire sobra. Mukhang ito na rin talaga ang new norm sa pagtrabaho ng mga tulad natin na computer base ang mga job.