Pages:
Author

Topic: [Hospital] Accepting Bitcoin - page 2. (Read 562 times)

sr. member
Activity: 1372
Merit: 261
November 14, 2019, 09:42:03 AM
#39
~snip~

if i am not mistaken years ago meron akong nakitang Project tungkol sa medical area,hindi ko lang matandaan yong token pero ang alam ko naging successful yon at umabot ng Hardcap.
Sa tingin ko ang sinasabi mo ay ang Medichain, o kaya naman ay Docademic. Kung naging succesfull yun Docademic yun kabayan, Bounty campaign yun noong 2018, ang nabasa ko ay mayroong silang app na maari kang makipag usap sa mga doctor mismo at makapag tanong at mabigyan lunas ang kanilang mga sakit.

At sa balita naman ni @op nag search din ako sa google kung totoo ito, pero wala naman akong nakita na tinatanggap na ng hospital ang bitcoin para sa pagbabayad, ang nakita ko lang ay yung blockchain base platform. Nag search din ako sa facebook page nila ay wala silang annoucemnt paukol dito. Kaya medyo duda din ako sa facebook page na iyan.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
November 14, 2019, 02:06:42 AM
#38
Maski anong establishment kung gugustuhin maaaring iimplement ang bitcoin payment. Yun nga lang hindi pa ganun kalawak ang cryptocurrency awareness sa atin kaya hindi ganun karami ang mga establishment na tumatanggap ng bitcoin. Pero kung iisipin napakalaking convenience nito para sa lahat.

ang tanging problema lang naman kasi dyan bro is yung process, madami pang hindi nakakaalam kung paano nila gagamitin at walang vouch ng government kaya yung ibang establishments  kahit may idea na ayaw pa ding nilang pasukin kasi even government instead of giving a go signal na pwede naman nilang iadopt ang ginagawa pa ng government is either being neutral lang sila o kaya naman dinidiscourage nila ang tao about sa use ng cryptocurrency.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
November 14, 2019, 01:39:09 AM
#37
Ang tanging nakikita ko lang sa larawan ay isang QR code ng wallet address na nagmula sa "ABRA Wallet" IOS version.
Sang ayon ako sa mga may alinglangan sa balitang ito.
Kahit saan pwedeng gamitin ang larawan na iyan.
Dahil walang ibang detalye ang kasama sa larawan.

EDIT: added the scanned QR code

Code:
bitcoin:17KvC9cnJAksVX2fjScyJLrFoDsWHWxoj?abra_user_uid=XEE29Z2


EDIT: sample QR code from abra


https://support.abra.com/hc/article_attachments/360004724032/newadd_moneyIOS_BTC.png
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
November 13, 2019, 12:52:51 PM
#36
Mukhang wala pang exposure ito dahil eto palang ang transaction nya 3 palang ang receiving transaction (https://btc.com/17KvC9cnJAksVX2fjScyJLrFoDsWHWxoj) at maliliit pa kaya most likely sila palang din ang tumesting nito. Pero sana makilala pa sa simpleng poster na yan makakapag create na ito ng awareness sa tao.


Isang magandang simula na yang 3 receiving transactions.  Hintay hintay lang tayo at makikita rin natin ang iba pang hospital na magaadopt din kay Bitcoin bilang mode of payment once na maestablish ang enough popularity at reputation nyan dito sa Pilipinas.  At isa pa, a single post with  millions share ay talagang lalawak ang sakop na awareness ng post na iyan, kaya if maari ishare natin yang post na yan sa FB para makita ng ibang Hospital na maraming nagkakagusto sa ganung klaseng mode of payment.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
November 13, 2019, 10:16:58 AM
#35
Ngayon ko lang nabalitaan na mayroon na palang ospital na tumatanggap ngayon ng bitcoin bilang pagbabayad,  Pero sa tingin ko kaunti palang ang gagamit nito dahil ang iba ay hindi pa aware sa bitcoin, crypto currency. Pero magandang simula narin ito upang magkaroon ng idea ang mga tao na makakakita nito na ang bitcoin pala ay nagagamit din bilang pagbabayad.
Un dapat ang mangyari maipaalam sa mas nakakarami na hindi Lang investment ang Bitcoin kundi pde itong maipambayad, malaking bagay ang pagaadopt ng hospital na to dapat tangkilikin ng mga bitcoiners yun ang magandang tulong na maaaring magawa ng bawat isa. Dapat sa twinang makakita tayo ng establishment na nag accept ng bitcoin tayo na ang maunang gumamit sa gayon makaengganyo tayo ng mas marami pang tao na magkakainterest matuto ng pag.
sr. member
Activity: 1932
Merit: 442
Eloncoin.org - Mars, here we come!
November 13, 2019, 09:58:43 AM
#34
This hospital must have good knowledge about bitcoin, I wonder how they are going to control the bitcoin's price volatility.
Maybe they hire and expert trader or they partner with a company to that's mission is to control volatility, I just don't think it's possible that they are doing it their own because it might hurt them in the long run, you know BTC is very volatile and unpredictable.
Well, pweding mangyari yan pero alam na nila siguro yan at hindi lang diyan naka base ang lahat na kinita nila. Kasi kong totoo man yan, siguro alternate of payment method lang siguro. Sana may malapit dito na maka pag-confirm at bumisita doon, alamin kong totoo ba talaga.
Well, magandang balita pa rin yan kasi isa sila sa nag adapt ng blockchain sa atin para sa kanilang ecosystem. Sana tularan din sila sa ibang Institution or ibang ehinsya para mag adapt ng blockchain at ang Bitcoin na rin. Indeed, thank you OP.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
November 13, 2019, 09:46:04 AM
#33
Ngayon ko lang nabalitaan na mayroon na palang ospital na tumatanggap ngayon ng bitcoin bilang pagbabayad,  Pero sa tingin ko kaunti palang ang gagamit nito dahil ang iba ay hindi pa aware sa bitcoin, crypto currency. Pero magandang simula narin ito upang magkaroon ng idea ang mga tao na makakakita nito na ang bitcoin pala ay nagagamit din bilang pagbabayad.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
November 13, 2019, 09:34:42 AM
#32
Pero kung iisipin napakalaking convenience nito para sa lahat.

I'm with bitcoin and optimistic sa future nito pero pagdating sa payment process need natin tanggapin na mas maraming mas mabilis pa kaya kaunti pa rin ang nag-iinclude ng bitcoin sa list of payment methods. Siguro pag mas na-improve pa ang lightning network, mas marami pa mag-coconsider na gamitin ito.

Gcash, Bank Transfer, Debit, Paymaya, Credit Card - one click lang ang kailangan at matatanggap na ng other party ang payment kaya mostly ito ang madalas na alternatives kapag walang cash.

Hangga't more on investment ang tingin sa bitcoin, malabo ito ma-accept globally as a working currency. Kaya magandang hakbang na rin na may company or establishment nag-ririsk mag-accept ng bitcoin payment.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
November 13, 2019, 09:16:45 AM
#31
Nakakamangha lang dahil pati ang mga ospital ay nakikisabayan na din sa mga makabagong teknolohiya kagaya na lamang ng bitcoin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito at dito sa Metro manila ay walang ganito kaya nakakamangha lang talaga na isipin. Sana mas maraming mga establishment ang mag accept ng bitcoin hindi lang ospital pati na rin yung iba dahil malaking tulong talaga ito lalo kung tataas ang value ng bitcoin.
full member
Activity: 1344
Merit: 110
SOL.BIOKRIPT.COM
November 13, 2019, 09:12:39 AM
#30
Sana tumatanggap den sila ng ibang coins kagaya ng XRP na mas mabilis ang txt processing kumpara sa bitcoin pero bka nga gumagamit na rin sila ng LN jan o 3rd party gateways para mas madali ma convert kasi volatile pa naman masyado sa ngayon ,unti unti na talagang sumisikat ang btc di na ako magtataka 10 years from now marami na ang tumatangkilik ng btc dito sa bansa natin, ano kaya ang nakita nila ke btc at ngdecide sila na gumamit nito?

Hindi naman imposible ang gusto mong mangyari, sa tingin ko lang eh mas trusted nila ang Bitcoin kesa sa ibang mga alts, sa ngayon okay na ata ang ganyang simula, kahit papanu nagkaroon din ng magandang imahe ang bitcoin, di tulad ng nagdaang taon eh nadamay ito sa mga pangunahing scamming scheme dito sa pinas dahil sa kagagawan ng isang trader na tinakbo ang mga investment ng tao.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
November 13, 2019, 08:47:40 AM
#29
Kahit ako tatanungin kung bibigyan ako ng pera o bitcoin, pipiliin ko ay bitcoin, good choice yan para sa mga nagbibigay ng service, dahil kapag bitcoin ang gagamitin at gagawing currency mas okay ito dahil yung hawak mong amount ay pwedeng tumaas pa unlike fiat.
Kapah marami ka kasing bitcoin mas malaki ang chance na dumami ang pero mo,  sana nga lang kabayan yung mga nakukuha nilang nitcoin ay hindi direct sa pera para kapag tumaas ang bitcoin nito ay mas malaking profit ang makukuha nila, na talaga naman kung fiat yun stable lanh yung value kung ano yung halaga na yun ,yun na talaga iyon. Sana mas makilala ang kanilang hospital dahil sa ginawa nila.
sr. member
Activity: 896
Merit: 272
OWNR - Store all crypto in one app.
November 13, 2019, 08:33:13 AM
#28
Maski anong establishment kung gugustuhin maaaring iimplement ang bitcoin payment. Yun nga lang hindi pa ganun kalawak ang cryptocurrency awareness sa atin kaya hindi ganun karami ang mga establishment na tumatanggap ng bitcoin. Pero kung iisipin napakalaking convenience nito para sa lahat.
Hindi pa sa ngayon pero balang araw lalawak din yan pag marami pang mga news na lumabas pa tungkol sa bitcoin. Last year lang may mga news ako nakita na nagturo kung pano siya kumita siya online sa pag trade ng crypto magandang awareness nadin yun, lalo kung marami pang lalabas na ganung balita din.
Simple tutorial dito satin on how to use crypto and more often how to earn money on crypto will make a person engage on learning crypto. Madaming way of showing people about crypto and making them engage into it. One way ay yung nasa OP, They show to people that they accept bitcoin payment and pwedeng sumagi sa utak ng mga tao na nakakita nun na "what is bitcoin and why will they accept it as a payment". Curiosity ang nag titrigger sa tao para mag discover ng mga bagong bagay. Even me I was triggered by curiosity, Now here I am using crypto on my daily activities.
Actually just like you, it is also the reason why I'm here. The reason why I got interested is when my friends wore a shirt with the bitcoin logo and I don't know the reason why I ask him about it, there is something about that logo that makes me wonder it's real meaning. After that incident, I have decided to ask him some things to clarify and enlighten me. He told me that it was a virtual currency that I am not familiar but I am still lucky because he's there to guide and give me some knowledge. It's true that there are different ways, but it still depends on the person if he/she is going to adopt it because we can't just force them. Also, there are some people these days that when we say bitcoin they think that it was a sort of scam or a digital currency that was used in illegal activities. It is good to see that our fellow Filipinos are adopting bitcoin and use allow it as a payment for their service. It makes me realize that the adoption of bitcoin in our country is improving. It can influence other companies and hospitals to do the same thing because we can't change the fact that using bitcoin the transaction will be easy and less hassle which is an advantage.
sr. member
Activity: 630
Merit: 250
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
November 13, 2019, 08:25:51 AM
#27
I'm also working on a hospital and it is on a government hospital and I can say na this is a good way to pay bills though mostly of our patient was on NBB or No Balance Billing. Magagamit ito kapag may excess lang sa bill ng patient namin sa hospital most likely sa mga non indigent na patient.
sr. member
Activity: 1414
Merit: 260
November 13, 2019, 02:59:10 AM
#26
Mukhang umaangat na tayo pagdating sa payment through bitcoins mga kababayan, kailan lang ang nakita ko na may nag post dito sa Locals ay isang sari2x store na tumatanggap ng bitcoin bilang bayad, ngayon naman Hospital na. baka sa mga susunod na taon unti-unti ng darami ang mga mag aadopt nito dahil na rin sa marami ng mga kababayan natin ang gumagamit ng cryptocurrencies. hindi na rin nakapagtataka dahil sa dala ng convenience ng pagconvert ng bitcoins sa coins.ph to Peso, hindi maikakaila ng umaabante na tayo sa ibang mga karatig bansa natin.
Hindi lang sari2x store or hospital brad baka hindi natin alam na sa pagdating ng panahon yung mga nag trabaho sa company baka sahod na nila ay bitcoin na rin, Alam naman natin na pa unti2x na talaga nakilala ang bitcoin dito sa ating bansa at sana mag tuloy2x na ito. Sa tingin mo brad kung ito na gamitin pang bayad may chance pa kaya mawala ang cash ? Sa tingin ko rin naman talaga hindi naman mawawala ang cash siguro anjan pa rin yan.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
November 13, 2019, 02:39:04 AM
#25
Maski anong establishment kung gugustuhin maaaring iimplement ang bitcoin payment. Yun nga lang hindi pa ganun kalawak ang cryptocurrency awareness sa atin kaya hindi ganun karami ang mga establishment na tumatanggap ng bitcoin. Pero kung iisipin napakalaking convenience nito para sa lahat.
Hindi pa sa ngayon pero balang araw lalawak din yan pag marami pang mga news na lumabas pa tungkol sa bitcoin. Last year lang may mga news ako nakita na nagturo kung pano siya kumita siya online sa pag trade ng crypto magandang awareness nadin yun, lalo kung marami pang lalabas na ganung balita din.
Simple tutorial dito satin on how to use crypto and more often how to earn money on crypto will make a person engage on learning crypto. Madaming way of showing people about crypto and making them engage into it. One way ay yung nasa OP, They show to people that they accept bitcoin payment and pwedeng sumagi sa utak ng mga tao na nakakita nun na "what is bitcoin and why will they accept it as a payment". Curiosity ang nag titrigger sa tao para mag discover ng mga bagong bagay. Even me I was triggered by curiosity, Now here I am using crypto on my daily activities.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 329
November 13, 2019, 01:20:48 AM
#24
Maski anong establishment kung gugustuhin maaaring iimplement ang bitcoin payment. Yun nga lang hindi pa ganun kalawak ang cryptocurrency awareness sa atin kaya hindi ganun karami ang mga establishment na tumatanggap ng bitcoin. Pero kung iisipin napakalaking convenience nito para sa lahat.
Hindi pa sa ngayon pero balang araw lalawak din yan pag marami pang mga news na lumabas pa tungkol sa bitcoin. Last year lang may mga news ako nakita na nagturo kung pano siya kumita siya online sa pag trade ng crypto magandang awareness nadin yun, lalo kung marami pang lalabas na ganung balita din.
sr. member
Activity: 896
Merit: 267
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
November 13, 2019, 01:07:45 AM
#23
May way naman kasi na mabilis siya ma convert sa php kaya hindi nakakapag taka na possible talaga mangyari ito.
Pero sana talaga mas dumami pa ung mag addopt   mas malaking tulong kasi un satin na may mga bitcoin para hindi na tatayo mag papalit pa or mag widraw bago makapag bayad.

Dapat lang meron nang services na mag accept dito sa ating bansa, gaya ng kasalukuyan kung sitwasyon ngayun admitted sa ospital itong bunso ko. Maraming gastusin ang hospital, lalo na sa pagkain at ibang kailangan kaya na convert ko sa coin.ph yung xrp holdings and then withdraw ko sa mlhulier para may magamit na cash.
Pag meron nang system sa kahit anong hospital o establishments, mas pinadali ang proseso neto para makapag bayad agad.

Sobrang laking advantage talaga na magkaroon ng ganitong options ng pagbabayad sa ospital dahil hindi lang ito makakatulong sa atin sa mga biglaang bayaran, tutulungan din na maikalat ang cryptocurrency sa bansa. Hindi mo na kailangan maghagilap ng pera para sa pambayad or pangdown payment sa ospital dahil sa bitcoin payment option, mas makakapagfocus sila na bantayan yung taong naospital at mas mailalaan mo yung fiat money mo sa ibang gastusin.
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
November 13, 2019, 12:30:00 AM
#22
Maski anong establishment kung gugustuhin maaaring iimplement ang bitcoin payment. Yun nga lang hindi pa ganun kalawak ang cryptocurrency awareness sa atin kaya hindi ganun karami ang mga establishment na tumatanggap ng bitcoin. Pero kung iisipin napakalaking convenience nito para sa lahat.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
November 12, 2019, 10:55:02 PM
#21
Mukhang umaangat na tayo pagdating sa payment through bitcoins mga kababayan, kailan lang ang nakita ko na may nag post dito sa Locals ay isang sari2x store na tumatanggap ng bitcoin bilang bayad, ngayon naman Hospital na. baka sa mga susunod na taon unti-unti ng darami ang mga mag aadopt nito dahil na rin sa marami ng mga kababayan natin ang gumagamit ng cryptocurrencies. hindi na rin nakapagtataka dahil sa dala ng convenience ng pagconvert ng bitcoins sa coins.ph to Peso, hindi maikakaila ng umaabante na tayo sa ibang mga karatig bansa natin.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
November 12, 2019, 09:14:49 PM
#20
While browsing my facebook, I saw this post from Crypto Pinoys group page:


University of Perpetual Help System Dalta Medical Center - Imus, Cavite is now accepting bitcoin as a payment. Magandang isipin na sa larangan ng medisina o sa hospital field ay unti unti na rin na aadopt ang bitcoin.

I am very optimistic that other hospital will reconsider to accept bitcoin as a payments for billing transactions, etc.

Ref link and image
Code:
https://m.facebook.com/cryptopinoys888/photos/a.193672614688026/468932783828673/?type=3

if i am not mistaken years ago meron akong nakitang Project tungkol sa medical area,hindi ko lang matandaan yong token pero ang alam ko naging successful yon at umabot ng Hardcap.

so i think meron na talagang mga teams na gumagawa ng hakbang para maidagdag ang Medical sa cryptocurrency.and having this sa mismong bansa natin ay anlaking hakbang dahil alam naman natin na pag na confine ang pasyente mo lalo na at hindi charging ang systema ng hospital ay andaming ipapabiling mga gamit at gamot na minsan sa alanganing oras pa,so pag meron ganitong pagtanggap ng bitcoin ay makakaluwang sa ating mga Bitcoin holders.
Pages:
Jump to: