Pages:
Author

Topic: How filipino traits contribute to promoting cryptocurrency - page 2. (Read 334 times)

sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Tayong mga pinoy ay may natatanging katangian na tanging tayo lang ang mayroon at alam nyo ba na kaya nating mai-promote pa ang cryptocurrency sa pamamagitan nito?. Ito ang mga ilang filipino traits na ating pwedeng magamit.



FAMILY ORIENTED

Hindi lingid sa ating kaalaman na kapag nabanggit ang salitang "pinoy" ay kadikit kaagad nito ang salitang "family oriented". Isa tayo sa mga bansang pinipiling buo ang pamilya kahit ito ay may mga kanya kanya na ding pamilya. Hindi katulad sa ibang bansa na kapag ang bata ay tumuntong na ng 18 years old, marapat lamang na ito at bumukod na at maging independent. Mayroon din namang pati ang kanilang tito , tita at lolo ay nakatira din sa iisang bahay. Dahil dito,mas napapalapit tayo sa ating pamilya at nai-oopen natin sa kanila ang mga bagay na alam nating makakabuti sa kanila. Kagaya na lamang ng pag iintroduce ng cryptocurrency sa kanila. Kung ano ang ibig sabihin nito at kung paano tayo kikita ng pera dito. Halimbawa nalang ay kung ang pamilya ay may higit sampung miyembo, mas madami ang makakaalam na may ganitong bagay pala na nag eexist sa mundo. Sabi nga nila, kung gusto mong yumaman, ang unang dadalhin mo dito ay ang pamilya mo.


BEING FRIENDLY

Tayo na yata ang nag iisang lahi na kahit saang bansa mo ilagay ay mayroon at mayroon tayong makikilalang kaibigan dahil sa taglay nating hospitality at masayahing ugali. Dahil dito, mayroon tayong mga group of friends tulad ng kababata, highschool friends, college friends , workplace friends, chuchmates at marami pang iba. Minsan nga ay mayroon pa tayong isa pang circle of friends sa loob ng group of friends gaya ng soprano group, row 4 group, taga taas group at madami pang iba. Ito din ang dahilan kung bakit ito ang pinaka mabisang paraan ng paglaganap ng kaalaman sa cryptocurrency dahil alam mo na may tiwala sayo ang kaibigan mo at maipapliwanag mo sa kanila ang mga bagay bagay. Naipapamahagi mo ito ng halos triple ng dami ng pamilya mo.



SOCIAL MEDIA

Sink ba naman sa atin ang makakalimot nito na halos lahat tayo ay mayroon ng Facebook maging mga batang paslit. Ultimo paghakbang na nga lang ay pinopost pa natin sa sobrang hilig nating gumamit nito. Nag number one pa nga tayo sa isang survey noon sa dami ng tao na facebook user kaya isa din ito sa maaaring maging malaking contributor ng crypto promoting sa bansa. Medyo nakakabahala nga lang ang mga fake news na lumalabas kaya maraming tao na din and hindi naniniwala sa mga ilang istoryang pinopost dito. Sayang ang opportunity kung baga. Pero di padin ako sumusuko na darating ang araw, may isang social media influencer ang mag po-promote ng bitcoin sa pilipinas.



TECHY

Tayong mga pinoy, may ugali din kung minsan na di bale nang tuyo ang ulam sa opisina bastat may iphone lang sa bulsa. Social climber daw kung baga. Ngunit isa din ito sa pwedeng maging rason kung bakit madali tayong maka adopt sa mga bagong technology na hatid sa atin ng mundo. Isa tayo sa mga laging IN pagdating sa bagong cellphone, gadget, maging sa mga bagong appliances na inilalabas ngayon. Kung magkakataon nga na gagawin na ng ating pangulo na cashless na ang Pilipinas, hindi na tayo mahihirapan dito. At kung sakali lang na mangyari ito, malamang sa malamang ay makakarating agad ang balita sa buong bansa dahil sa hilig natin sa mga bagong bagay.


Iilan lamang ito sa mga maaaring mangyari kung seseryosohin at gugustuhin talaga nating maging effective ang cryptocurrency sa bansa. Kung sisimulan mo ito sa iyong sarili, di malabong mangyari ito ng mas mabilis.
Pages:
Jump to: