Pages:
Author

Topic: Huwag magpadala sa at maging practical - page 2. (Read 289 times)

hero member
Activity: 3024
Merit: 614
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 11, 2024, 08:50:51 AM
#5

huwag nating ulitin ang ating mga pagkakamali dati na profit na iniisip pa natin na mas lumaki, ang taktika ko dito ay ilabas ang kahati at iwan ang iba, meron namang iba na nilalabas na nila at naghahanap ng ibang options at magsimula ulit, sabi ng aking kaibigan kung masaya kana sa profit magtp kana, kasi sa crypto volatile talaga maaring profit ka now mmya negative kapa.
Anung masasabi ninyo ganeto nadin ba kayong magisip?

Isa ako sa mga nag suffer ng 2017 massive hype ng altcoins, tumubo talaga ako thinking na continous ito at hindi matatapos kaya ako bili ako ng bili at nag bounty ako ng bounty thinking na tuloy tuloy na ang pag taas ng market, ito ang isa mga biggest regret ko.

Napasukan na kasi tayo ng mga scammers sa atin at maraming mga investors ang naloko kaya tama yung sinabi na hindi sa lahat ng oras ay tiba tiba need mo rin mag isip sa mga susunod na hakbang kung sakaling bumagsak ang market yung nangyari noong 2017 - 2019 ay isang malaking aral sa ating lahat ba dapat tayo maging handa sa bawat situation.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
March 11, 2024, 04:50:56 AM
#4
Sabi nga sa isang kanta ng Brownman Revival na "marami ang namamatay sa maling akala". What I mean is that need natin ng skills para maganda ang decision making since may nalearn naman na yata tayo sa previous mistakes natin sa pagpili ng projects at assets na bubuhusan natin ng time, effort at syempre puhunan. Kung kutob lang kasi ang pagbabasehan mataas talaga ang chances of losing at isa na ako sa nabiktima nito nung bago palang ako sa crypto. Dalawang klase kutob na ginawa ko dati yung una is akala ko tataas pa ang presyo nung token na meron ako kaya hinayaan ko lang sya tapos nung pagcheck ko ulit nagplummet na sya at hanggang ngayon yata di na nagbounceback tapos yung pangalawa naman yung akala ko successful yung project kasi yung team is reliable at active sa community kaso biglang nag-iba ang ihip ng hangin kaya ayun kulong na yata yung CEO. Pero ganun paman ay wala naman akong nilabas na pera kaya okay lang pure time and effort lang to promote ng project kaso halos lahat ng sumali ay nabackstab.

Kaya sa ngayon kung maglalabas man ako ng pera to invest in something na may potential talagang paglalaanan ko na ng time at effort na gumawa ng own due diligence bago sumakay o kaya naman ay sa mga reputable crypto na lang talaga like Bitcoin, Ethereum at iba pang promising at may use cases na tokens para safe ang puhunan. Kutob ay kadalasan din nangyayari sa trading kasi minsan marami naglalaro sa isipan natin pero di talaga sya dapat asahan sa totoo lang.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
March 11, 2024, 03:40:02 AM
#3
Bago ang lahat gusto kung econgrats ang mga naghold ng token sa nakaraang dalawang taon worth-it lahat ang paghold natin ng token, ganun paman huwag tayong, maging maramdamin at huwag magpadala sa mga kutob, anung ibig ko bang sabihin na kutob, sa mga panahong ito meron ilan sa atin na nangangarap na maging  one-time bigtime, na kung saan mayroon tayong hawag na token, na maaring malaki na ang ating profit iyong iba ay sakop na ang pang dalawa-limang taon or sampung taon na sahod, anu nga ba ang nangyayare sa ganeto base sa aking experience din dati na limang taon na ang ating profit compare sa ating trabaho, pero dahil sa ating kutob ay iniisip natin na maging milyon pa ito kung saan maliit lang naman talaga ang puhunan, ibig sabihin nagiging greedy tayo aminin natin lumalabas at lumalabas iyan.
huwag nating ulitin ang ating mga pagkakamali dati na profit na iniisip pa natin na mas lumaki, ang taktika ko dito ay ilabas ang kahati at iwan ang iba, meron namang iba na nilalabas na nila at naghahanap ng ibang options at magsimula ulit, sabi ng aking kaibigan kung masaya kana sa profit magtp kana, kasi sa crypto volatile talaga maaring profit ka now mmya negative kapa.
Anung masasabi ninyo ganeto nadin ba kayong magisip?

      -   May mga ibang pagkakataon na totoo ang instinct, pero kadalasan sang-ayon sa karamihan ay hindi ito totoo siyempre. Kaya nga minsan ay kung meron man tayong gustong gawin na ihohold na isang bagay dahil nakikitaan natin ito ng potential na tumaas ang value sa hinaharap ay hinahawakan natin ito ng ilang taon.

Ngayon, since nandito tayo sa crypto space, dapat hindi lang paghold ang gagawin natin, sa halip meron tayo dapat na parget price kung kelan natin ito ibebenta, at kapag nahit na agad yung price target natin ay ibenta na natin, dahil kapag hindi natin ginawa yung plano that's the time na napasukan kana na greediness ganun lang yun kasimple. At lalabas din kasi na hindi mo kayang panindigan yung planong ginawa mo.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
March 11, 2024, 02:37:04 AM
#2
need yata i edit ang title mo kabayan mukhang di mo nailagay yong word na Kutob .

____________________________________

About sa Kutob , minsan ginagamit ko din ang instinct ko kabayan , pero gumagana naman MINSAN pero kadalasan eh nag babase pa din ako sa community about sa stats and movement ng mga projects na ppasukin ko.
and now naka focus naman na ako sa mga old coins para mas safe na ako and hindi na ganon ka risky .
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
March 11, 2024, 02:05:46 AM
#1

Jump to: