Makikisingit lang: GPUs ang gamit ni OP most likely dahil altcoins ang minimina niya.
And oo, mas efficient talaga ang antminers pag magmimining ng BTC. Though take into consideration rin natin na wala ng ibang purpose ang antminers. Pang mine lang talaga ng BTC. Whereas ang GPUs, pag nagsawa ka sa mining pwede mo parin gamitin pang personal computer, o ibenta(ng mas mababang presyo syempre).
Anyway, para kay OP: Paano ang pagbayad mo ng taxes nyan boss? Parang sobrang hassle.
Di pa nareregulate ang cryptocurrency sa bansa natin, kaya di mo aalalahanin ang tax sa ngayon, sa ngayon DTI lang ang binabayaran ko, no mayor's permit at barangay permit.. DTI para lang makatulong malift ang withdrawal limit ko sa bank.
Yes bro, talagang maganda ang crypto dahil di pa ito regulated, di ka pa sakop ng batas sa pagbabayad ng buwis.. Sa mga nasa crypto na, MUST talaga ang bank account, valid ID's kasi required yan sa mga KYC ng ibang ICO project, at need din sa pag-claim ng income natin, kung di man sa bank eh sa mga kagaya ng Cebuana etc.