Guys no offense bakit hindi po tyo gumawa ng competitive na threads, like technical threads, analysis, or current event regarding Bitcoin kung saan magkakaroon tyo ng pagkakataon magresearch sa internet. Sa totoo lang karamihan sa thread dito low quality thread tapos yung mga sagot pa (di ko naman sinasabi tyong Pinoy) nakakabobo. Kasi wala man lang flow yung karamihan sa discussion. Mas ok pa kung nagopen ka ng topic about learning ng English Language kesa rating ng English capacity ng tao. At saka most effective rating is done by third party kesa sa sariling rating.
Eto ang overview kapag English learning ang topic na inopen mo, magkakaroon ka ng continuous participation sa discussion. Meaning di ka na mahihirapan sa paghahanap ng thread para sa pagpopostan ng Signature campaign na nasalihan mo . Mas maganda kasi kung broad yung cover ng topic, robust ang magiging discussion. Gawin mo nga lang moderated ang thread para idelete ang mga nonsense replies. Tapos Ireserve ang ikalawang post for updates or Organization of discussion.
English rating 5/10 di ako confident sa English skills ko, sa rating kasi maraming component yan like spelling, grammar, sentence struture etc. Mostly nagkakaroon tyo ng problema sa grammar at konte sa sentence structure.
curious lang kung gaano kaaccurate ang pagrate natin sa mga sarili natin
; di ko lang alam kung gaano kaacurate itong site na ginamit ko. Kumuha ako ng random post sa mga nagreply dito then pinarate ko sa site na yan yung message inside that post.
note: higher score is better and lower grade is better