1. Based on greater fool theory
Mukhang kasalanan din natin na hindi nila nakikita yung utility ng BTC at ibang crypto dito sa bansa. Kumbaga wala pa sila sapat na data na pwede pagbasehan. Meron ba nagbabayad ng bills o purchases gamit BTC directly? Ako kasi convert to fiat muna tapos fiat pambayad. Alam ko meron option si coins na crypto wallet (not Peso wallet) mismo gamitin pambayad pero hindi ko pa nasubukan.
2. Tool to hide assets
Huwag muna umasa na magkakaroon ng mas malawakang acceptance sa hanay ng ating Gobyerno dahil hindi naman nagbago ang panananaw ng mga taong nasa posisyon. Pro digital payments pero hanggang CBDC lang tatanggapin. Sabihin na din natin na pinapayagn mag-operate ang ibang kumpanya bilang VASP pero andun pa din mga warnings na risky investment ang crypto. Mukhang sa taxation na lang magkakaroon ng dagdag legitimacy ang crypto sa Pinas.