Pages:
Author

Topic: Inflation sa Pilipinas - Kamusta ang mga kabayan natin dito sa forum - page 2. (Read 214 times)

full member
Activity: 2086
Merit: 193
Sobrang mahal na ng mga bilihin at kung aasa ka lang talaga sa isang source of income, ay mahihirapan ka pangaraw-araw.
If you are here in the forum, I believe malaki ang exposure mo sa crypto at maganda ang opportunity mo dito. Sa totoo lang

Hinde talaga maiiwasan tumaas ang Inflation due to the world economy, apektado ren tayo specially with other big countries. Ang nakikita kong solution talaga dito is maginvest at kumita ng malaki.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Kung ikaw lang ang nagtatrabaho sa pamilya mo at minimum lang ang kita mo talong talo ka hindi level yung minimum na sahod dito sa Pilipinas para sa mga gastusin ang taas ng bayarin sa upa at sa kuryente at lao na sa pagkain kahit yung mga mag nenegosyo naghihigpit na rin ng sinturon.
Ang ideal na pamilya talaga at least 3 dapat nagtatrabaho para malabanan ang inflation at isa pa sa solusyon ay ang pag aabroad kasi sa baba ng pasahod at taas ng bilihan nasa ibang bansa talaga ang pag asa ng isang pamilya para maka survive at mapag aral ang kanilang mga anak.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Aba sa totoo lang yung pagtaas ng bilihin sa tingin ko hindi na yan maaalis, sa kinakaharap ko ngayon dito sa bansa natin ay nakakaiyak parin ang presyo ng sibuyas, hehehe, bagamat malaki narin naman ang binaba kumpara before na grabe talaga ang mahal.

Pero sa bawat buhay na dumadaan sa akin nakakasurvive pa naman kahit pano sa biyaya ng Dios, pero nakakaaray parin talaga ang presyo ng mga bilihin. Sana magawan parin ng paraan ng administrasyon ngayon ni PBBM.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
Wala na atang pag-asang bumaba muli ang mga bilihin , nakakamiss yung dati na kahit maliit lang ang sahod ko marami parin akong nabibili . Samantalang ngayon na yung sahud na minimum ay saktong pangkain lang sa isang araw ng pamilya. Kaya ngayon nagttyaga kami sa gulay at minsan lang kumain ng masarap para lang mapagkasya yung kinikita sa araw-araw. Kaya hindi natin maikakait na grabe talaga yung epekto na naidudulot nito. Sa ngayon dumidiskarte na lang ako ng ibang pagkakakitaan at hindi lang ako umaasa sa aking sahud dahil mas mainam na may pangsuporta pa tayo kahit papaano ay makaipon tayo para sa kinabukasan.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Ramdam na ramdam, yung pag mag grocery ako dati yung 1k-2k sobrang dami. Ngayon, yang ganyang halaga napaka konti nalang ng mabibili. Sobrang bilis din ng inflation kaya dapat hindi lang source of income natin at dapat mas dagdagan pa natin kasi doon tayo makakabawi.
Ang hirap lang ngayon kapag hindi ka madiskarte kasi parang mababaon lang yung pera mo sa inflation lalo na kapag ise-save mo lang sa bangko, yung value talaga namang mabilis lumiit.
hero member
Activity: 1484
Merit: 597
Bitcoin makes the world go 🔃
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Para sa akon ay halos ganun pa dn naman ang life style ko. Ang pinagkakba lang ay tumaas yung number ng mga binabayadan ko pero nagadjust din kasi ang sahod ko kaya halos hindi ko ramdam ang pagtaas ng bilihin kung ibabase ko sa ratio ng sahod ko. Mabuti nlng talaga at consistent ang promotion ko kaya nakakasabay ako sa inflation tapos hindi din naman ako pala gastos kaya halos walang pinagkaiba para sa akin.

Sa presyo ng gas lang talaga ako sobrang nagulat hanggang ngayon dahil halos doble ang itinaas simula ng magka gyera sa Russia.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Grabe at ramdam na ramdam ang taas ng bilihin ngayon dahil sa inflation. Kada lakas ko makikita ko nalang kung gano tumataas ng presyo ng bilihin. Yung dating pang isang buwan na grocery nagiging pang dalawang linggo nalang. Yung dating kain sa restaurant na 1,000 pesos nagiging 2,000 pataas minsan kulang pa. Halos wala ng produkto ang hindi tumataas ng presyo na yung kita kada buwan ay halos kulangin na.
full member
Activity: 742
Merit: 101
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Sa sitwasyon ko naman, sobrang ramdam ko ang pagtaas ng bilihin. Yung mga bagay na nagagawa ko dati tuwing sahod ko ay naging "luxury" na ngayon. Sobrang dalang ko na kumain sa mga fastfood dahil 150-200 pesos na ang mga meals na binibili ko dati. May mga ulam din na minsan ko na lang lutuin dahil sa mahal ng mga ingredients nito tulad ng sinigang na may maraming gulay. Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.
Pages:
Jump to: