Sa larangan ng crypto currencies napakalahalaga ng Influencer at popular na advisors para sa pagtaas ng presyo nito o kaya naman mabenta sa panahon ng ICO. Madaming nabubulag sa ganitong sistem kahit ng kung titignan maigi ay panget ng Idea ng project at hindi na unique sa mata ng tao. Baguhin na po natin mga kababayan ang sistemang ganito wag kayo mag rely sa mga influencer at mga advisors bagkus pagtuunan ninyo ng pansin ang sinasaad sa whitepaper at maganda ang use case. Dahil kung titignan ninyo tulad ng kilalang si MCAFEE oo lahat ng na tweet nya na project nag pump pero panandalian lang at biglang bulusok ang presyo pababa. Sila lang ang kumikita sa ganitong sistema at ito mga trap. Mas mainam na paniwalaan mo sarili mo sa pagpili kaysa maniwala ka sa mga sinasabi ng mga taong ito.
#Support Vanig
Tama ka dyan lodi. Lagi talagang dapat aralin lahat ng proyekto kahit hindi sa crypto pati na rin sa iba pang investments na papasukin ng sariling sikap. Hindi lang para walang sisihan para na rin sa sariling karanasan at makaiwas na rin sa mga nagpapanggap lamang na walang alam naman talaga at scammers.
Do your own research, Fundamentals, Technical Analysis, Events, Whitepapers, ilan lang yan sa mga kelangan mo na basics bago pasukin ang isang crypto. Karaniwan kasi sa mga influencers ngayon like McAffee ay binabayaran ng mga Alts para ihype ang token nila, kadalasan talaga pera pera lang, walang maipakitang actual na product, mas madalas pa pag nakakulimbat na ng pera, tatakbo na, or mamamatay na yung token, or "hack" kuno. Kaya kelangan talaga sa panahon ngayon maingat ka dapat bago mo pasukin ang isang altcoin.
Eto talaga ung malupit na dapat ginawa eh. Aralin din talaga lahat ng aspeto ng trading pero piliin lang talaga ung sa tingin nyo eh naayon sa bawat proyekto o trade dahil hindi lahat yan applicable sa lahat.