The Power of Blockchain!
UPDATED: NOVEMBER 24, 2021First of all, alam kong maraming existing thread about blockchain even sa
Beginners & Help ay mababasa niyo about ang blockchain dahil ito ang basic knowledge na dapat alam mo bago ang bitcoin. Ang thread na ito ay para sa mga taong interesado pa sa kakayahan ng makabagong teknolohiya na tinatawag ay blockchain. Karamihan sa atin ay alam lang ang blockchain dahil sa cryptocurrency kaya magbibigay ako ng isang halimbawa kung saan magagamit natin ang blockchain. As a tech-related course student, I want to share my knowledge about it because I'm currently making a research study about it.
OLD THREADObjectives- Matuto about sa iba pang kakayahan ng blockchain.
- Matuto about sa blockchain.
- Matuto about sa halimbawa kung saan pwede gamitin ang blockchain.
- Matuto about sa Election system ng Pilipinas.
Blockchain
Ano ang Blockchain?Ang
blockchain ay isang
p2p network na may database na kung saan ay pwede ka maglagay ng impormasyon at ito ay magiging block. Dito ay maaaring magkaroon ng record sa lahat ng mga impormasyon na maipapasok dito at hindi basta basta ito mababago. Lahat ng kasali sa network ay may kanya kanyang kopya ng nilalaman na impormasyon kaya imposibleng manipulahin ang bawat info.
Basically, Ang blockchain ay isang network na unang ginamit sa
cryptocurrency transaction. Ang dahilan kung bakit nageexist ang blockchain nung una ay dahil sa bitcoin from
digital signatures or hash keys. Ang bawat transaction ay may tinatawag na transaction hash at ito ang nagbibigay ng transparency sa ating blockchain kaya nakikita natin ang transaction.
Kaya naman naisip ng mga scientist/technicians/engineers na kung pwede bang gamitin ito sa iba pang mga bagay, kaya naman pumasok naman ang tinatawag na Altcoins or alternative cryptocurrency. Kaya laking pasasalamat ng iba pang developers kay Satoshi Nakamoto na kung saan siya ang nakatuklas ng blockchain at nagamit nila ito sa iba pang development ng cryptocurrency sa mundo.
Halaga ng BlockchainLaging usapin ang blockchain sa halos lahat ng section dito sa forum pero sumanggi ba sa utak mo ang halaga ng blockchain? Una sa lahat, kapag walang blockchain na nageexist ay wala ring bitcoin at iba pang cryptocurrency. Ayon sa mga articles na nabasa ko regarding blockchain, may kakayahan itong magbago at magpaganda ng ating hinaharap. Ang blockchain ay nagawa kasabay ng bitcoin at ito ang nagbigay sa ating ng kapangyarihan para kontrolin ang sarili nating pera sa pamamagitan ng pagiging decentralized ng bitcoin. Kahit ang government natin ay mahihirapang kontrolin ngunit maaari silang maglagay ng tax sa bawat pasok ng pera sa local wallet natin. Maraming application ang magagawa sa blockchain at naniniwala akong magagamit at maa-apply ito sa pagunlad ng ating ekonomiya.
Applications
CryptocurrencyIto ang pinaka-common na kakayahan ng isang blockchain, ang maglagay ng pera sa blockchain at walang sinuman ang maaaring makakuha nito kung ang may hawak ng data na yon. Pwede kang maglagay ng maraming digital money sa blockchain at magsilbi itong bangko sayo.
Social MediaMaaari ring gamitin ang blockchain sa isang social media platform katulad nalang ng facebook at twitter. Karamihan sa atin ay naglalagay ng personal information, mas mase-secure ng developers ang mga ganitong information kapag nasa blockchain na ito. Usong uso na ang mga hacking issues sa social media platform at maraming nasisiraan ng social status dahil sa mga nagleleak na hindi magandang information. Ang blockchain ang magbibigay sayo ng full control sa mga personal information na nilalagay mo sa isang social media platform.
IdentificationMaarin ring gumamit ng blockchain para sa identification ng bawat tao sa bansa. Karamihan na sa atin ay may tinatawag na valid ID na ginagamit natin para sa pag-apply ng trabaho at sa kung ano ano mang transaction sa buhay. Madalas na ang paglaganap ng pagagamit ng fake ID dahil nagkakaroon sila ng access sa iyong personal information kaya nakokopya ito. With the use of blockchain, all of the stored personal information ay secured. Since uso na rin ang scammers, Identification Card is the most valuable thing na pwede mong pakita for the assurance of the business so implementing blockhain in identification will be a good advantage.
Election Voting System with Blockchain
Ito ang pinaka highlight ng aking thread since lately nagkaroon ng election 2019 na kung saan ay boboto tayo for Senators, Mayors atbp. ng ating bansa. Gumagamit tayo ng PCOS machine na kung saan ay nagtratransmit ito ng data na ipinapasok sa kanya sa server ng
COMELEC. Ayon sa aking kaalaman, the election system is like a sms text message na dumadaan din sa server at narerecord.
Election FailureAng ating election system ay sobrang hindi secured, it means pwede itong ma-trace at ma-bypass ng kahit sino mang tao with the basic/advanced knowledge of IT. Since ang algorithm ng ating election system ay basic operations lang, +1 method sa kada tuwing nakakareceive ng data for that specific information na naglalaman ng mga pinili ng ating kandidato. Ang mga data na natatanggap sa server ng
COMELEC at hindi concrete, pwedeng mapalitan at mabago ng kung sino man ang may access sa server ng
COMELEC which is a big disadvantage.
Voting System using BlockchainImagine if our voting system ay na-implement with blockchain, is it possible?TransparentTransparency ay isa sa magandang katangian ng blockchain na mas dapat nating pinagaaralan. Lahat ng transaction na mangyayari sa isang network ay kayang ma-traced at mapupunta sa database and walang sino man ang kayang mag-manipulate ng data. For example, ang iyong vote ay magsisilbing data sa blockchain, once na na-stored na ito sa database, hindi na maaari pang palitan ang vote ng kahit na sino. Sa tingin ko ay magiging mas maganda ito dahil alam naman natin na may mga dayaan na nangyayari sa election ng pilipinas.
VerificationAng mga tao na bumoto ay may kakayahang ma-verify kung tama ba yung mga binoto nilang tao. Ito ay isa sa mga mahalagang factor dahil malalaman mong tama at mapapanatag ka during voting. Lahat din ng boto ay maveverify rin lahat ng results after election kaya imposibleng magkaroon ng magic/dayaan dahil bantay sarado ng sambayanang Pilipino ang sistema.
No PCOS MachineKatulad nga ng sinabi ko kanina about sa PCOS machine, it's just a basic transmitter of data na kung saan pwede itong mabago sa server ng COMELEC. Posible rin na magkaroon ng dayaan dahil hawak nila ang machine, mas madaling makapangdaya kapag kontrolado mo ang bagay na nagsesend ng data sa server. Marami na ring cases ang nangyari about sa PCOS machine na palagi nalang sira.
Ang failure rate ng PCOS machine ay sobrang taas dahil machine lamang ito with basic algorithms, what if gumamit ka ng blockchain during election, sobrang complex ng algorithm at mas baba ang chance na magkaroon ng failure during election.
I hope this information might help and inspire you to build another application using blockchain kasi sobrang lawak talaga ng blockchain. Madami kang knowledge na mabubuo and mas makakatulong ito sa pag-develop ng ating economy basta sa tama gagamitin. Calling out all of the innovative researchers there na mag-implement ng ganitong project study at sana mapansin ng COMELEC.
Thanks for reading!Have a good day!
-finaleshot2016