Pages:
Author

Topic: Ingat sa mga Phishing Links sa Private Messages + tools para maiwasan - page 3. (Read 780 times)

hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Ang kaligtasan ay nasa ating mga kamay kaya ang nararapat natin gawin huwag tangkilikin ang mga ganyan.
Kahit anong gawing message ng mga hacker na yan o mmaing scammer na yan kung hindi no naman ikikiclick yung link na binibigay nila ay bale wala rin. Hindi pa kasi maubos ubos yang mga yan.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
I'm not just clicking any link, for security reason na rin, mas maganda kung as mismong website mismo.
Minsan yung phishing parang ganyan rin, you will receive a link, you click and you supply the information needed.

We need to be careful this time dahil nagkalat ang scammers and hackers dito, our best protection is to educate ourselves
and be aware of the latest news in the space, yun lan.



may na rereceive rin akong random PMs di ko nalang pinapansin.
Ako rin kabayan minsan may mga natatanggap ako na random na message lalo na sa mga baguhan or low rank na may mga link kaya ang ginagawa ko ay iniignore ko sila para iwas sa mga hindi magandang mangyayari at kung minsan ippm ka nila para jumnoin sa kanila lalo na yung mga project nila hinihikayat ka nilang mag-invest. Sana maging aware ang mga kababayan natin dito na huwag agad agad maniniwala kung kani kanino lalo na kung low ranks ang mga account.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
I'm not just clicking any link, for security reason na rin, mas maganda kung as mismong website mismo.
Minsan yung phishing parang ganyan rin, you will receive a link, you click and you supply the information needed.

We need to be careful this time dahil nagkalat ang scammers and hackers dito, our best protection is to educate ourselves
and be aware of the latest news in the space, yun lan.



may na rereceive rin akong random PMs di ko nalang pinapansin.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Mahirap yan makontrol ng forum mismo.
Mahirap talaga. Tignan natin kung maglalagay sila ng warning kagaya kapag mag-send ng message ang isang newbie.


Baka pwede i-apply sa lahat ng user at dagdagan yung warning na huwag basta-basta magbukas ng links sa pm.




Ano yan? May kaaway ka ba? haha. Salamat sa screenshot, kung ganun nakikita na pala yung red trust sa profile ng nagpapadala. Wala yata yan dati.

legendary
Activity: 2506
Merit: 1394
Well, kawawa yung newbie na yun. Talagang prone sila sa mga ganyan na attack at for sure marurupok sila kaya yung iba nahuhulog talaga.
Share ko din experience ko about sa mga private messages although hindi siya about sa scam.


Ingat always everyone, newbies or not.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Noon pa man duda na talaga ako pag may nagsesent ng link sa aking inbox para i click ito,
dahil sa mga nababasa kong mga experience ng mga user sa ating community base sa kanilang testimonia marami sa mga unknown link na yan ay nagiging sanhi ng pagka hack ng iyong account o di kaya pag ka hack ng iyong personal data.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1232
If someone asking your private key/12 words seed phrase diyan kana kabahan. Much better huwag kang magmamadali ask ka muna dito sa forum for better security at meron pang advice sayo. Well, Wala tayo magawa since the victim is newbie.

I think not all asking a help will scam you in private message kasi last month may nagpatulong sa akin na gumawa ako ng account sa exchange kasi para ma trade yung coins na minimina niya since restrict sa kanila sabi niya he came from US. When I researched legit naman yung exchange site kasi listed on CMC, so nag go ako. Ayon, after a week I received my tip which is 0.01 btc. Always keep in mind about always do research first and you will be fine.

Anyway thanks for the heads up OP. Newbies or feeling newbie should know this.
full member
Activity: 560
Merit: 105
Kadalasang nababasa nating phishing scams ay sa messages na natatangap sa mga emails o kaya naman pm's sa telegram at ibang social media sites. Kakabasa ko lang yung nangyari sa isang newbie dito na nakuhanan ng bitcoin, may nag-offer ng tulong sa kanya thru private message dito sa forum pero scammer pala.

Ito yung na-send na private message sa kanya
User:
dj6230
https://bitcointalksearch.org/user/dj6230-128222

The PM from dj6230 was:
Hi,
Mycelium uses the same bip39 standard and derivation paths as Ledger so let's use the Ledger toolkit to try to locate the address holding the funds:
1. Open https://xxxxxxxx (tinanggal ko na for safety reason)
2. Where it says "BIP39 Mnemonic" paste or type your 12 word seed from Mycelium
3. Scroll down and click "BIP32"
4. For client select "Coinomi, Ledger"
5. It will show ALL BTC addresses derived from your 12 word seed, try to locate the btc address hodling the funds
Reply when you have found it and i will show you how to import it again with the funds visible.

May nag-raise na ng issue na 'to sa Meta at sana nga magawan ng paraan para mabigyan tayo ng proteksyon lalo na mga newbies. Pero habang wala pa, dagdag ingat. Ugaliin i-double check ang mga link bago isumite ang mga private key o seed phrase. 
Karamihan ng nabibiktima ng mga ganito e yung mga newbie na gusto kumita agad , makatanggap lang ng mga ganitong mensahe hindi na nila iniisip ang kahihinatnan kung maclick nila yung link at hindi nila alam e phishing pala. Noong ako ay naguumpisa din muntikan din ako mabiktima ng mga mapagsamantalang tao mabuti na lang at nagtanong muna ako bago ako gumawa ng hakbang.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
Kahit saan meron talaga nito kaya dapat mag-iingat lagi at may mga tao na magaling manloko at gagawin lahat moconvince ka lang. Pag may nag offer sayo ng kung ano-ano wag mo nalang pansinin o tanggihan mo kase panigurado lalamangan ka lang nya. Yung friend ko recently lang navictim ng investment scam gamit yung mga links na mapangakit.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
May nag-raise na ng issue na 'to sa Meta at sana nga magawan ng paraan para mabigyan tayo ng proteksyon lalo na mga newbies. Pero habang wala pa, dagdag ingat. Ugaliin i-double check ang mga link bago isumite ang mga private key o seed phrase. 

Mahirap yan makontrol ng forum mismo.

The best protection is tayo na mismo. About sa newbies, sana kahit papaano maging vigilant. I know some newbies na talagang bago sa larangan ng crypto but not to the point that they are clueless about sa mga dapat gawin kapag naka-encounter ng mga links. Not just in crypto, but sa labas ganyan din ang approach gaya ng lahat ng mga natatanggap nating email or spam message sa kahit anong platform.

Di mawawala ang mga ganyang attempt at talagang may mga taong gagawa at gagawa ng paraan para makapanlamang.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Hindi pa rin tamaga tumitigil ang mga sakim na tao at patuloy pa rin talaga sila sa ganitong gawain na hindi maganda.
Yes doble ingat ang kinakailangang nating gawin lalo na ngayon nagkalat ang mga hacker na gustong makuha ang ating mga information dhil kapag nakuha nila ito ibigsabihin ay pera at posible silanv yumaman ng mabilis o walang kahirap hirap.
sr. member
Activity: 840
Merit: 268
Hindi sa pagbi-victim blame pero I think may kasalanan din yung newbie sa part nya. Since newbie siya alamin nya muna yung parang rules dito sa forum and kung ano ba yung + and - sa profile. Eh, 2016 pa naredtaggan yan nang maraming tao eh. So dapat he should take part to know which people will help you and those will scam you.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
Up. Always remember, kung ang isang tao e tutulong sayo, pero ang gusto pa e sa private message pa isesend imbis na sa topic magreply, e mag isip isip na agad.  Grin

Though naka un-check by default, make sure na laging naka un-check ung "Allow newbies to send you PMs." sa Personal Message Options sa settings. Para as much as possible hindi tayo ma-spam sa ganito. Un nga lang kasi nabibili kasi ung mga Jr member/member accounts kaya mahirap. Best way parin as always is mag duda lagi sa private messages.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136

Hindi natin maiitangi na meron talagang nabuhay para manlamang ng kapwa. Marahil sabihin na nating matalino sila sa paggawa ng mga masasamang gawain at ang matatanging magagawa na lang natin para maiwasan yung masamang intention nila ay maaring magtanong muna sa mga kakilala bago subukan or gawin ang isinumite sayo ng isang stranger.

Newbie must read this thread, for them na ma aware sa mga ganitong paraan ng scam sa cryptocurrency world.

sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Kadalasang nababasa nating phishing scams ay sa messages na natatangap sa mga emails o kaya naman pm's sa telegram at ibang social media sites. Kakabasa ko lang yung nangyari sa isang newbie dito na nakuhanan ng bitcoin, may nag-offer ng tulong sa kanya thru private message dito sa forum pero scammer pala.

Ito yung na-send na private message sa kanya
User:
dj6230
https://bitcointalksearch.org/user/dj6230-128222

The PM from dj6230 was:
Hi,
Mycelium uses the same bip39 standard and derivation paths as Ledger so let's use the Ledger toolkit to try to locate the address holding the funds:
1. Open https://xxxxxxxx (tinanggal ko na for safety reason)
2. Where it says "BIP39 Mnemonic" paste or type your 12 word seed from Mycelium
3. Scroll down and click "BIP32"
4. For client select "Coinomi, Ledger"
5. It will show ALL BTC addresses derived from your 12 word seed, try to locate the btc address hodling the funds
Reply when you have found it and i will show you how to import it again with the funds visible.

May nag-raise na ng issue na 'to sa Meta at sana nga magawan ng paraan para mabigyan tayo ng proteksyon lalo na mga newbies. Pero habang wala pa, dagdag ingat. Ugaliin i-double check ang mga link bago isumite ang mga private key o seed phrase.  



May nabasa akong topic kung saan pwede malaman kung ang website ay posibleng phishing site. Another preventive measure para hindi tayo mabiktima, gamitin lang natin.

Code:
https://www.phishtank.com
Code:
https://dnstwister.report
Pages:
Jump to: