Sa totoo lang kabayan napakahirap maginitiate ng topic about bitcoin sa aking mga kaibigan, parang iniisip nila na isa akong nagaalok ng networking. Sa aking palagay, para mahikayat natin sila na pagaralan ang bitcoin ay ipakita na tayo ay nagiging successful sa paraang ito, halibawa: mga materyal na bagay na ating nabibili hindi kasi sila maniniwala kapag kuwento lamang.
Na experience ko na din yun, yung mahirap simulan ng topic kasi the first time I brought it up to my best friend, skeptic na siya eh. Parang hindi na siya interested dahil sa mga naririnig niya. Nag tataka nga ko eh, para lahat na lang pag nag aalok ka, feeling na nila networking. It's not bad if you really think about it, it's making connections pero yung the fact na inaabuso din ito. Ang makakapag bigay attention sakanila ay yung makikita nila ito ng aktwal.
hindi ko sila ininspire Op na mag invest sa bitcoin at hindi rin ako nag shashare ng mga idea kung pano kumita sa bitcoin, kung may nagtatanong sakin pano kumita sa bitcoin o ano ang bitcoin, isa lang ang sagot ko sa kanila, mag reseach kayo kung ano ang bitcoin or pano kumita dito. kasi once na mag share ka ng idea at ininspire mo sila na mag invest baka ikaw pa ang sisihin nila kung ma scam mn sila or malugi. .
Hmm. Maganda din yung idea mo na hindi mo na lang isshare, kasi baka sisihin ka pa nila or something. Ang nakakapang hinayang lang ay hindi agad nila masimulan. Meron akong mga kaibigan na nung una pa lang, inalok ko na sila mag join dito sa forum, para makapag start na agad ng account at iba pa, hindi nila ito ginawa. Nung nalaman nila na pwede kumita pag may pag kakataon, nag sisi sila.
I think what everyone needs is open-mindedness towards everything. Believing but still skeptical with things na pwedeng opportunity to grow.