Itong post na ito will serve as a follow up sa orihinal kong
post kung ano nangyari sa network ng Bitcoin after 1 day (24 hours) nung halving event nya. Sa totoo lang hindi na ako dapat gagawa nito pero nag-tuon ng pansin sakin yung
reply ni ralle14 sa post ko na bumababa na nga nga yung average network fees ng transaction sa Bitcoin as well as yung pagbaba ng network difficulty nito na sa totoo lang hindi ko napansin gawa na din na wala pa akong Bitcoin transaction recently. Kaya binisita ko ulit yung mga recent changed after 2 weeks (15 days to exact) after natapos ang halving ni Bitcoin para malaman natin kung may mga nag-improve ba from miner's revenue, total hash rate hanggang sa daily volume ng Bitcoin transactions para malaman natin kung bakit bumaba yung network fees.
1. Bitcoin Mining's Total Hash Rate Dropped by 25.76% (-32.378 TH/s) 2 Weeks after HalvingBitcoin Mining Total Hash Rate Key Statistics
May 11 - 125.69 TH/s
May 12 - 116.884 TH/s
May 17 - 81.659 TH/s (Lowest after Bitcoin Halving)
May 18 - 102.474 TH/s (Highest after Bitcoin Halving)
May 26 - 93.312 TH/s (Present Total Hash rate)
The chart speaks for itself, makikita naman natin na after ng dalawang linggo patuloy pa din ang pagbaba ng mining hash rate natin para sa network ng Bitcoin. Aside sa
news na ang Sichuan province ng China ,na naglalaman ng 10% total hash rate ng Bitcoin, ay inutasan ng gobyerno nila na i-shutdown yung operations ng Bitcoin mining sa region nila wala ka ng makikitang news na masasabi mong anong dahilan bakita bumaba ng ganito yung hash rate ng Bitcoin mining. Siguro tuloy pa din ang pag-shutdown ng mga maliliit na operasyon o di kaya mga Mining Pools ay gumagawa ng selective temporary shutdown para ipa-baba yung mining difficulty ng Bitcoin either way makikita naman natinsa sideways movement ng chart na hindi tuloy tuloy o diretso ang pag-baba ng total hash rate ng mining sa Bitcoin.
2. Bitcoin's Network Difficulty Dropped by 6%Bitcoin's Network Difficulty (in trillions) Key Statistics
March 27 - 13.913 (Lowest Network Difficulty in 2020)
May 11 - 16.105
May 20 - 15.214
May 26 - 15.138
As expected bumaba yung network difficult sa pag-mine ng Bitcoin as a result na din sa pag-baba ng total hash rate ng Bitcoin mining. Yung pagbaba ng network difficulty nagsimula 9 days after halving (May 20) and even though naging taas baba yung total hash rate ng Bitcoin even after May 20 patuloy pa din ang pag-baba nya so I would expect na hindi pa ito yung masasabi natin final adjustment ng network difficulty considering na din na almost 26% ang nawalang total hash rate natin, ang 6% drop wouldn't be enough to compensate the lost in hash rate. Also ito na din ang pinakamababa na network difficulty ng Bitcoin since March 27 (13.913) na nuong panahon na yun 97.885 TH/s ang total hash rate ng Bitcoin Mining so ma-aaring bumaba pa din yung network diffculty ng Bitcoin sa mga susunod na araw.
3. Miners' Revenue Remained Sideways after HalvingEstimated Revenue (in millions of USD) assuming the Miner's Sell their BTC at current market value
May 11 - 17.168$
May 12 - 8.951$
May 17 - 7.112$
May 19 - 9.801$ (Highest after Bitcoin has halved)
May 26 - 7.688$
Kahit na continue pa din ang pagbaba at pagiging volatile ng total hashrate natin tuloy pa din o masasabi kong stable pa din yung revenue na pumapasok para sa mga Bitcoin miners natin. I would expect this to change sa mga susunod na linggo kapag nakapag-adjust na ang network difficulty natin ng tuluyan, of course hindi na natin makikita na aabot sya nung katulad ng May 11 since nanga-halati nga yung block rewards pero sa tingin ko yung average dapat ay nasa sub-8 or sub-9 level dahil ang average na revenue nila before halving was around 17 million dollars but since we all know na patuloy pa din ang pag-taas ng total hash rate natin baka sandali lang ay umabot na ito ng nasa 10 million dollars or above.
4. Confirmed Transaction Per Day & Average Cost Per Transaction Blockchain's Confirmed Transactions per Day (in thousands) Key Statistics
May 11 - 305.839
May 12 - 345.215 (Highest after Bitcoin has halved)
May 20 - 280.037 (Day when Bitcoin had the highest average network fees)
May 24 - 214.53 (Lowest after Bitcoin has halved)
May 26 - 295.782
Average Cost per Transaction Key Statistics
May 11 - 2.547$/transaction
May 12 - 2.789$/transaction
May 20 - 6.633$/transaction (Highest after Bitcoin has halved)
May 26 - 2.402$/transaction (Lowest after Bitcoin has halved)
Kung titignan niyo yung chart mukhang wala namang rason kung bakit bumaba yung network fees at lalo kang magiging clueless kung bakit during May 26 kahit tumaas yung transaction nuong araw na yun pero bumaba yung network fees dagdag mo pa yung pag-baba ng total hash rate natin sa mining. Well ang totoong dahilan kung bakit bumababa na yung fees natin ay dahil lumuluwag na yung volume ng transactions sa network ng Bitcoin as well na din yung average size ng mga transactions nito bukod dun kumokonti na din yung mga taong willing mag-bayad ng mas mataas na transaction fee para ma-prioritize yung transaction nila. Kung titignan niyo yung chart sa baba makikita niyo na patuloy na ang pag-baba ng network activity natin in terms of transactions per day. Pag patuloy pa din ang pagbaba ng network activity natin at tumaas ulit yung mining power ng Bitcoin expect niyo na na maging normal na ulit yung network fees natin sa mga Bitcoin Transactions natin.