That's okay you, don't need to bother and think like paranoid what will happened next few decades, just live the life today at pano mabuhay at present.
I agree. Mahirap mag overthink sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari kaya mas mabuti pang mag focus sa kasalukuyan.
Well, about the news, lahat ata ng induatry needs na ng internet, both government, banks and private system kaya daming maaapektuhan at baldado lahat ng transactions yan.
Magiging back to basic tayo nito pag nagkataon. Dahil na adopt na ng ating sistema ang makabagong paraan ng pamumuhay at transaction gamit ang internet. Kung meron man itong mabuting dulot, mas marami naman ang hindi maganda at worst ay mawawalan ng trabaho ang maraming tao na related sa internet ang ikinabubuhay.
Yung sinabi naman kasi ng NASA batay sa articles ay may mataas na chance talaga na mangyayari sa hinaharap wala nga lang definite time ng date, year o araw. Mahirap naman din kasi na saka lang tayo maghahanda kung kelan sa araw na ngyayari na. Kaya iba parin yung handa tayo sa ganitong mga pangyayari.
Saka pagngyari na yan, lahat ng Decentralized at Centralized exchange platform ay mawawalan na ng silbi dahil hindi na natin ito maoopen sapagkata wala ng internet. Dahil lahat ng yan ay konektado sa internet, kahit tayo lahat ng crypto enthusiast ay apektado sa bagay na yan. Sana nga magawan pa ng ibang paraan yan ng NASA.