Hindi po konektado sa image na ito kung bakit hindi po nag iinvest ang mga kababayan sa crypto, aminin na natin na kaya hindi nag iinvest ang karamihan sa ating mga kababayan ay, sa pagkat hindi pa nila lobusang alam ang tungkol sa cryptocurrency at kaunti lang talaga sa ngayon ang nakakaalam nito.
Halimbawa. Yung KAPA investment diba marami ang nag invest ng pera yung iba pa nga nagbenta ng ariarian nila para lang may pang invest, kasi naipaliwanag sa kanila ang mga benepisyo na matatangap nila. Kaso nga lang ayun pinasara na ng pamahalaan.
Tama ka naman dyan lahat naman ng tao kayang mag invest, pero may gusto mona tayong malaman gaya nga ng sinabi mo na benepisyo, kung anong makukuha kapag nag invest? Kung safe ba? May permiso ba ito sa gobyerno etc... Iyon ang mga hinahanap ng mga investor.
Pero marahil pag pinapaliwanag na nila ang benepisyo nila madami sa atin ang naaakit nito dahil maganda nga daw yung mga benepisyo nito, parang nang b-brainwashed sila.
Kaya't mas mabuti monang alamin mona natin ang background ng pag i-investsan natin, upang hindi ma-scam.
Dating nung panahong 2016/2017 lagi kung binabasa ang whitepaper ng isang project/ICO at kung magustuhan ko to, permis akong nag i-invest, pero ngayon puro pangako pero hindi naman natutupad at iba naman copy/paste lang sa ibang projects.
Mas mainam daw basahin ang whitepaper ng kada project kasi doon mo talaga malalaman kung ano talaga nag future plan nila, hindi yung basta-basta kana lang mag i-invest, at saka malalaman mo din daw dito kung scam yung isang project kaya mas mainam basahin lagi ang whitepaper ng isang project para kung may makitang katuda tuda sa mga plano nila.