kaya nga sa mga provinces madalas nag fofocus mga yan kasi alam nila mataas pa ang respeto ng mga tao dyan sa mga kilalang tao,
~
Ganun na nga, alam na alam ng mga ponzi operators mga yan.
~snip
I think yung KAPA talaga pinaka mga mandurugas. Biruin mo, ginamit nila pati relihiyon sa panloloko. Diyos na mismo ginamit nila for marketing.
Yung mga "donations" ay gagamitin kuno para mapalaganap ang pananampalataya at magtayo ng mga livelihood program para sa mga members.
Ang ending, ayun scam din pala. Yang Ex vice-mayor nayan, wala talagang lusot yan. The mere fact na nagpagamit siya sa mga investment platforms nayan, meaning, either tumatanggap siya ng pera from them o binabayaran siya. Buti nahuli na yang mokong.
Hindi ko alam kung sila nga ang pinaka-unang gumamit ng ministry para makapag-solicit ng
donation investment pero isa talaga sila sa may pinakamalaking nahikayat. Meron pang radio announcer/s na akala mo malinis talaga magsalita, kinalaunan eh nahuli din sa isang parang entrapment operation.
^^Kapag mga pyramiding or networking style na wag na dapat patulan pa ng mga pinoy, sa dami ng mga networking companies na walang product na biglang wala, wala pa bang nadadala?
To be clear, magkaiba ang networking sa pyramiding. One is legit while the other is illegal.
Lesson learned din nato para sa mga artista and official na basta kuha lang ng endorsement without checking since once they promote or yung pangalan nila ay madawit dito, they should be responsible in the outcome since they are influencers and they help scammers to perform their plan in a smoother process.
Marami sa kanila ay hindi naman talaga educated. Basta napakitaan ng malaki-laking kita, madalas ay go na.