Marami naman magagandang coins o crypto, so ang gagawin mo lang para malaman kung ano ang pinka-hot Google search mo lang... halimbawa, what is the best cryptocurrency to invest in 2019, o kaya what is the best cryptocurrency to buy makikita mo napakaraming search words na lalabas. Kapag lahat ng word phrases na lumabas ay iyong nai-search baka magsalawahan ka sa dami ng pagpipilian. Subukan mo agad, kaibigan.
Yan ang pinaka pangit na advice na nakita ko sa buong forum na to. Alam ng lahat dito na halos shills ng mga iba't ibang coins ang lumalabas kapag nag search ka sa google. Karamihan dyan lalabas "Bitcoin" "Litecoin" "Ethereum" tapos lalapatan nila ng shitcoin na hindi naman masyado kilala. Ganun ang marketing strategy nila sa google. Halos hindi advisable na tumingin ng cryptocurrency sa google. Mas mainam na dito siya mag tanong sa forum kasi active ang community dito at ma-guguide siya ng maayos.
Natawa naman ako sa reply mo, talagang direct to the point, and I agree with you. Hindi na dependable kung ang pagbabasihan natin ang mga nasearch natin na "hot" sa treanding sa google lalo na kung investment. Marami na rin kasi akong nakitang ganito, "hot coins to invest" then after some day bagsak presyo na. Kawawa ang mga kumagat. Mahirap din magtanong dito sa forum, kasi kadalasan haka haka, yung iba naman nagpopromote ng kanilang holdings, iilan lang din ang makikita nating talagang alam ang kanilang sinasabi.
Regarding to OPs investment, I suggest na i-search mo muna yang mga nirerecommenda ng iba sa taas, especially yang Ethereum, Litecoin, at iba pang nasa top 10 ng coinmarketcap. Kadalasan kasi ang mga nasa top 10 ay sumasabay sa galaw ng presyo ng Bitcoin.
Maganda ring tingnan ang nasa middle rank at hindi pa napapump na mga token at coins na may matatag na development team.
Try mo i-search ang price history ng bawat coin nayan para makita mo kung paano ang galaw nila sa mga naka lipas na panahon, kung papatok ba sayo or hindi.
Mahalaga rin tingnan ang fundamentals ng mga token. Maganda kasing pinagsasama ang chart reading at history ng development team accomplishes. If napag-aralan na ni OP ang lahat ng magagandang pointer ng mga reply dito at alam na nya kung ano ang pagiinvestan nya, price target, time frame at sa tingin nya ay magiging profitable venture ang gagawin ngyang pagbili, then I can say, na right time na para maginvest.