panahong adik na adik pa sa dice and sportsbetting and btc price nasa 20k+
nakakalungkot pagmakita ko mga history.. wala pa dito localbitcoins transaction ko..
meron din ako around 4M na dogecoins sa crypty. pero sinugal lang sa dice
Grabe no, sa akin naman dati siguro mga year 2016 parang nagplano ako bumili ng millions na doge kasi nga feeling ko paano kung maging piso edi paldo at may milyones na ako. Kaso nga lang nilaro ko lang din sa dice yun hanggang sa naubos kasi parang wala namang movement hanggang wala na, huli na lahat at umeksena na sila Uncle Elon sa mga meme coins na yan. Tinanggap ko nalang din ang katotohanan na hindi na ako makaka-acquire ng ganun kadami. Sobrang saya na makaexperience na makahold ng mga ganyang halaga hanggang nakikita nalang natin mga history natin tapos nakakapangsisi lang. Pero ngayon, may naiwan ka ba na hinohold kahit mga btc o ibang altcoins?
Speaking of dogecoin.... pagnababanggit ng asawa ko o natatanong na magkano na dogecoin ngayn umaalis na agad ako.. kasi sa akin na mismo nanggaling sabi ko sa asawa ko nong meron pa ako around 3M "iponin natin to maging piso lang to per doge my 3M php na tayo" wala talaga kapag sugarol ka tsk tsk...
Aw, grabe ang sakit. Parang sa akin din kasi ang ATH kasi ng Doge ay $0.74. Kung kokompute-in natin yan, grabe hayahay na sana mga buhay natin. Kaso nga lang, nakakainis kasi yung sa akin nadale ng dice at ubos. Hays, kung maibabalik lang talaga ang panahon sana ihold ko nalang yung mga doge ko na yun at hindi ko din naman inaasahan na grabeng ATH ang mangyayari. Tingin ko hindi na natin makikita yang ATH, kahit hindi man sa ATH nakabenta kahit naabutan man lang yung $0.1 solve na solve na sana.
nadale kadin pala ng dice na yan anoh? saklap lang talaga kapag makita mga history.. kahit hanggang sa ngaun sa cloudbet history ko (sportsbetting) tumataya ako 1-3BTC per basketball game. mga nasa 20k+ palang BTC non. pero nag start ako sa btc nong 6k per BTC palang wala pa yong coins.ph localbitcoin days palang.. dito sa crypto patience lang talaga pinaka importante dito. pag my patience ka dito na maghold mga 2-3years puedeng magbago buhay mo in the future.
ito doge withdrawal ko sa cryptsy.com noon papunta sa wallet ko..
nasa 7M+ na doge in total...
Akala ko ako lang ang nakaranas ng mawalan sa crypto pero marami pala tayo dito. Masakit talaga isipin na kung kailan natin binenta ang isang currency na hinahawakan natin ay dun pa aakyat ang presyo. Kung hindi mo lang sana sinugal yung doge, ay siguradong milyonaryo na ngayon. Pero kailangan nating tanggapin ang nangyari at magmove on. Sakin kasi, may token ako na nagkakahalaga ng million noon pero hindi ko muna binenta kasi nag-iisip pa ako ng mga plan kung anong gagawin ko dito. Habang gumugol ng panahon sa pag-iisip, nawala ang value ng token dahil nahack daw. Ayon wala akong napala sa pera. Medyo may kaibahan lang sa nangyari sayo mushijapann kasi nagamit mo pa, ako wala talaga. Nahirapan lang talaga ako na makatulog noon kasi yung akala mong ikakaangat mo, ay mawawala pala na parang bula.
anong token yon kapatid? uso yan noon, sa mga matatagal na dito kng naabotan niyo Mt.Gox wala pang coins.ph non, and kahit sa sakin cryptsy.com nagsara din.
sa akin naman malaki kasi kinikita ko noon... medyo underground sa online literal na kumikita ako 100k-250k php weekly kaya malaki din halaga nagagastos ko sa pagbili ng BTC. kung check mo yong screenshot ko sa coins.ph nasa 20k+ 1BTC noon bumibili ako 5-15BTC sa kanila. sa kanila din ako nagbebenta ng BTC sa dating CEO ng coins.ph na si Ron sa BGC..
sa akin naman nakakatulog ako kasi kumikita ako ng malaki noon, ngaun lang ako hindi na makatulog kasi hindi na kumikita ahahahahahahaa!
pero minsan nakachamba ako habang nag oopen ako sa mga dating account sportsbetting (nitrogensports) site my na open kami ng asawa ko na account noon nasa 0.12BTC balance nasa 80kphp din value niya..
pero sigurado napakarami pang crypto ang tutulad sa dogecoin it's all about RISK and PATIENCE kaya goodluck sa mga pinoy.
Mas mabuti ng hindi ko nalang imention dito pero galing yun sa bounty campaign. Alam naman natin na patok yung mga ICO dati kaya malaki talaga kikitain mo kung sakaling magsuccess yung project at malist sa mga big exchange unlike ngayon na hindi na masyado. Mga matatalino na kasi yung mga investors ngayon, hindi na sila nagpapadala sa hype kaya konti nalang talaga kikitain sa bounty.
Yung about sa Mt. Gox, matagal na ako dito sa Bitcointalk pero hindi ko yan alam, since 2016. Pero Coinsph lang naabotan ko at napakaliit pa ng presyo ng Bitcoin.
Siya nga pala, alt account mo na pala ito kasi since 2020 pa ito ginawa.
Ang yaman mo naman pala no, 100k - 250k weekly
Medyo natawa ako ng konti nung sinabi mong hindi ka na makatulog ngayon kasi hindi na kumikita
May iba ka naman sigurong pinagkakakitaan like nakapagtayo ng mga negosyo. Madami kasi dito ang may mga negosyo na eh at masaya ako sa mga naabot nila.
Totoo yan, kahit mga meme coin nga eh nagboboom. DYOR lang talaga at invest at your own risk kasama na yung patience.