Para sakin naman bro, for example may nagbahagi nung nakaraan ng patungkol sa dummy email ng coins.ph ( which is nakalagay coinrs.ph kung di ako nagkakamali), pwede naman na magthank you for the information pero kung magtethank you ka at yung thoughts e already given at halos laman ng post puro thank you that is the time para burahin para sakin.
madami kasing mga kapwa pinoy natin sa totoo lang nagpopost dahil bayad kada post, madami sa atin na di naman teknikal pero sana yung effort sa pagpopost e makita di naman porke may nagshare ng informative post thank you agad ang irereply natin pwede naman na magdagdag pa tayo ng kaalaman base sa eksperiyensya natin patungkol sa post na naibahagi o kaya naman magdagdag ng mahalagang katanungan kung may hindi naidagdag si OP sa thread na kanyang ginawa. Basta sakin magiging spam lang ang isang thank you post kapag may nauna ng nag post at yung laman ay iisa sa mga nauna.
Indeed, yan nga ang napapansin ko kadalasan, minsan yung iba parang gawa gawa na lang ang dating para may maidagdag lang sa post ng pagpapasalamat.
I know may iba iba tayong pananaw pero sana maliwanagan tayo sa thread na ito sa pagbibigay ng inyong opinyon.
This is the reason why I created this thread, for me kasi spam ang dating ng pagbibigay pasalamat na post, pwede naman ipm if it helps him a lot, may mga nareceive ako na ganyan instead of posting dun sa thread, para hindi masaturate ng generic thank you ang thread discussion.
Naisip ko lamang na kung nakatulong ito sa inyo ay bakit hindi ninyo bigyan ng merit ang gumawa ng thread.
As much as I agree with this, hindi talaga natin pwede pwersahin magbigay ang mga ayaw talaga magbigay.
Tama ka dyan , kadalasan ang merit ay napapaikot sa circle of friends, sila sila na lang nagbibigayan, pero karapatan nila yan and I respect that.
Ayun na yun. Ang catch lamang dito is baka magkaiba ang interpretation niyo ng moderator kung wala nga talagang dagdag sa discussion ang isang comment. May mga na-report na din ako dati na sa tingin ko ay walang substance but it ended up as "bad report".
Possible may sinundot yung nareport mong post sa thread na medyo on topic, if nirerepeat nya lang yung sinabi ng nauna, just make sure na ilagay natin sa description iyon..