Pages:
Author

Topic: Kaalaman para maiwasan ang scam ICO (Para sa pinoy Hunter)(Translated Topic) - page 2. (Read 509 times)

full member
Activity: 476
Merit: 100
 Salamat dito, makakadagdag ito sa aking kaalaman bilang bounters kailangan talaga manigurado tayo sa ating sinasalihan para naman di masayang ang ating effort sa pag post ng mga topic dito sa forum tapos scam lang pala kaya mag ingat po tayo sa pagpili para di tayo malungkot sa huli
full member
Activity: 532
Merit: 148
Why most of people is always taking on how to avoid scam? It seems like everyone is afraid right?  What if we make a post which is "How to find legitimate ICOs" which will help everyone to join a legit ICO and especially to avoid scam. When someone make that topic I guess he/she will be a good forum distributor of good and useful ideas.
full member
Activity: 868
Merit: 108
Sa dami ng nagpapa ico hindi na natin alam kung scam ba ito o hindi kung magbabayad ba sila ng tama sa bounty hunters o hindi. Nakakalungkot lang kasi ang dami ko nang sinalihan pero yong iba hindi na kami binayaran pa.

Tama ka dyan kabayan, sa panahon ngayon napaka dami na ng mga scam ico, at napakahirap na talagang malaman kong alin ang mga ICO na tutuo na posibling magbibigay ng malaking kita para sa mga bounty hunters, at minsan ay hindi natin nalalaman na scam na pala ang ating bounty na sinasalihan kayat nasasayang lang ang ating mga oras, kayat mahalaga talagang  malaman natin kong paano maiiwasan ang mga scam na proyekto.
member
Activity: 434
Merit: 15
Sa dami ng nagpapa ico hindi na natin alam kung scam ba ito o hindi kung magbabayad ba sila ng tama sa bounty hunters o hindi. Nakakalungkot lang kasi ang dami ko nang sinalihan pero yong iba hindi na kami binayaran pa.
Kaya siguro tayo nai-scam dahil po siguro sa mga ito. Ako'y may natutunan mula ng mabasa ko ito, Alam ko nakakatamad magsiyasat pero ito kakaunting oras lang naman ang masasayang satin at ang kapalit naman ay malalaman natin ang proyekto ba ay scam ba or legit. Wag sana tayo maging tamad sa pagsuri ng isang proyekto.

Quote
  • Mga kinuhang proyekto ng manager na wala manlang pagsisiyasat (Hindi lahat, Pero karamihan ang mga sakim na tagapamahala ang gumagawa nito).
  • Ang mga Hunters & promoters ay hindi kailanman nag-check. Kahit website manlang ng kumpanya. Sinang-ayunan lang para sa pagkuha ng pera.
  • Sa huli ang biktama ay ang mga namumuhunan. Hindi nag-imbestiga bago mamuhunan. Tyaka lamang iiyak pagkatapos ng manakawan.
hero member
Activity: 924
Merit: 505
Sa dami ng nagpapa ico hindi na natin alam kung scam ba ito o hindi kung magbabayad ba sila ng tama sa bounty hunters o hindi. Nakakalungkot lang kasi ang dami ko nang sinalihan pero yong iba hindi na kami binayaran pa.
member
Activity: 633
Merit: 11
Magandang tanghali, Nabasa ko ang English version o main thread ng post na ito. At ngayon ay nakita ko naman ang tagalog version mas lalo kong naintindihan ang punto ng gumawa ng article na ito. Napapansin ko nga na may tama sya dahil karamihan kasama nako dun ay hindi man lang nag sisiyasat o nagbabackground checking manlang sa mga bounty manager at projects website o sa kahit na anong paraan. Basta basta lamang na sumasali. Ngayon ay alam ko na para makaiwas sa mga scam projects. Malaki ang naitulong nito sa kapwa dahil marami ang nakabasa sa main na malaking bagay nga ang magobserba muna bago sumali dahil mas makakaiwas sa scam, Maiiwasan ang mga ilang linggo, buwan na trabaho tapos ay hindi manlang mababayaran. Naranasan ko iyon at ayoko nang maulit pa. Tyaka may punto rin sila na tayong mga bounty hunter ay may mga pananagutan din dahil tayo nga naman ang nag promote o nagpasikat ng kanilang proyektong scam. At lalong tayo din ang magdudusa sa huli dahil hindi tayo mababayaran pagkatapos ng lahat ng ating pinaghirapan.
member
Activity: 434
Merit: 15
(CTTO: Coolcryptovator)
Main thread:
https://bitcointalksearch.org/topic/m.45272968
Tinranslate ko ito sa tagalog para mas maintindihan ng lahat. Sana ay nagustuhan nyo.

Hello Bounty Hunters, Good Evening.

Bagaman hindi ako interesado sa pagbisita sa bawat Bounty board, At hulaan ang thread. Ito ay makakatulong sa sainyo upang makatipid ng oras at pera. Para sa kaalaman nyo, Palagi kong gustong ilantad ang scam ICO upang makatulong sa lahat (hunter/Investor).

Gayunpaman ang post na ito ay dedikasyon para sa lahat ng Bounty hunter;
Sa pagkakaalam ko, ang bounty ay popular na paraan upang kumita ng pera sa bitcointalk. Ngunit sa palagay ko ay hindi masaya ang mga hunter sa hinaharap, Kung hindi ako nagkakamali. Dahil sa scam na ICO's. Halos higit sa 90% ang scam na ICO sa buong 2018, Kung ano man ang pinagtagumpayan mababayaran ang mga ito sa loob pa ng tatlo hanggang apat na buwan pa. Pero sino ang responsable para dyan? Siyempre ikaw. Alam mo kung bakit ? Hayaan mong ipaliwanag ko. Ang ICO ay hindi makakapang-scam sa amin kung walang tulong mula sa iyo (hunters/promoters). Dahil sa hindi pag-iingat at pag-aaksaya ng oras, Nawalan pa ng pera ang namumuhunan. Ikaw ay isa sa kanila na responsable para sa scam.

  • Mga kinuhang proyekto ng manager na wala manlang pagsisiyasat (Hindi lahat, Pero karamihan ang mga sakim na tagapamahala ang gumagawa nito).
  • Ang mga Hunters & promoters ay hindi kailanman nag-check. Kahit website manlang ng kumpanya. Sinang-ayunan lang para sa pagkuha ng pera.
  • Sa huli ang biktama ay ang mga namumuhunan. Hindi nag-imbestiga bago mamuhunan. Tyaka lamang iiyak pagkatapos ng manakawan.

Maraming nasasangkot na scam platform. Katulad ng Listing platform. Sa huli namumuhunan at hunters ang biktima.

Ano ang aking pakiramdam?, Ang mga hunter ay may pinakamahalagang papel sa ICO. Ipinapakalat nila ang mga salita tungkol sa ICO sa buong mundo. Pero para mapanatili at maiwasan mo ang mga scam at hindi maaksaya ang oras at pera para sa puhunan.

Paano mo ito magagawa? Sa madaling salita;
  • Bago sumali sa mga bounty campaign, Kilalalin ang bounty manager. Siya man ay mabuti o hindi. Alamin ang kanyang nakaraang trabaho, At kung paano sila nagtagumpay. Subukang iwasan ang mga hindi mabuti at hindi karapat-dapat na namamahala o nagmamanage lamang sa scam na ICO.
  • Siyasatin ang iyong sarili tungkol sa mga proyekto. Huwag sumali at magbulag bulagan. Basahin ang kanilang whitepaper at nilalaman nito at iba pa. (Nagdagdag ako ng mga alituntunin sa ibaba na basahin ito).
  • Itigil ang pagpopromore ng bounty kung may nakita kanang nagpost at may ebidensya na scam ito. Laban sa isang ICO. Kung hindi, Maaari kang makakuha o malagyan ng red tag ng mga DT members (IMO). Kailangan mong bisitahin ang Scam Accusation Board isang beses sa isang araw
  • Kung ika'y makakita ng anumang mali sa kahit anong ICO gumawa ng post sa Scam Accusation board. Maaari kang maghanap sa Google tungkol sa kahit anong proyekto upang matuklasan mo at kung merong inaakusa sa internet.

Hihilingin ko sa lahat ng mga hunter na basahin ang paksa sa ibaba bago sumali sa anumang bounty campaign. Maaari kang maging mga asset ng forum sa halip na spammer; Iniulat din na ang mga tagapamahala na namamahala ng karamihan sa mga scam na ICO. Siguradong sila ay makakakuha ng tag mula sa mga DT Members.


Malungkot, Wala kahit na iisa para mapigil ang scam ico, Kaya kailangan nating magkaisa. Hindi mo ba naisip kung makakakita tayo ng scam ay may benipisyo din saiyo? Sa palagay ko maliwanag na may mga benepisyo nga, maaari mong ma-save ang iyong mahalagang oras at panahon para pa mas makakita pa ng ilang mga legit na proyekto. Kaya gumawa ng ingay laban sa scammer.


Sa palagay ko ito ang aking paraan para mabawasan/mapigilan ang mga scammers sa bitcointalk. Alam ko karamihan sa mga bounty hunter ang thread na ito ay iiwasan o hindi mapapansin. Sobra kong maappreciate kung ang topic na ito ay ma-Pin ng mga moderator para manatili sa ibabaw.

Pages:
Jump to: